Chapter 5

9 1 0
                                    

Chapter 5 - Heredera

Nakahinga ako nang malalim matapos ang sinasabi ni Tita Cami na cheek swab para sa DNA Test namin. Iniligpit na ng dalawang nurse ang mga gamit habang ang isa naman ay kinakausap ni Tita Cami. Napasandal ako sa sofa dahil sa ginhawa, ang akala ko naman kasi ay kukuhaan ng dugo dahil iyon ang alam ko na paraan.

"You look unwell, ayos ka lang ba?" tanong ni Mayuka kasabay ng pag-upo niya sa tabi ko.

Bahagya akong natawa. "Ang akala ko kasi ay kukuhanan ako ng dugo."

Natawa rin siya dahil sa sinabi ko. "I thought so too."

Maya-maya lang ay lumapit sa amin si Tita Cami kasabay ang magulang ni Kuya Kaiser. "We'll have to wait for three hours, tapos no'n ay makukuha na natin ang resulta," paliwanag ni Tita Cami.

Tumango lang ako katulad ng magulang ni Kuya Kaiser.

"Maria, ayos lang ba kung iwan na muna kita? Kailangan pa kasi naming umuwi ni Teo sa bahay," usap pa niya sa akin.

"Ayos lang po sa akin, sinasamahan naman po ako ni Mayuka."

Ngumiti siya at kinuha na ang isang bag na nasa sofa. "Oh, sige. Mauna na kami ni Teo."

Hinatid namin sila sa labas ng bahay. Sa totoo niyan ay kinakabahan talaga ako na mahiwalay kay Tita Cami dahil mataas ang tiwala ko sa kanya dahil hindi ito ang unang pagkikita namin. Pinagmasdan ko lang ang kotse niyang papalayo sa amin hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

"Tita, puwede ba kaming pumunta sa covered court? Gusto ko sanang ilibot sa village si Maria," paalam ni Mayuka bago pa kami muling makapasok sa loob ng bahay.

Nagkatinginan naman sila ng asawa niya, halata sa mukha nila ang pag-aalala ngunit hindi na nila kami pinagbawalan. "Basta't bumalik kayo bago pa lumipas ang tatlong oras," sagot ng daddy ni Kuya Kaiser.

"Thank you, Tito. I'll take care of her," ani Mayuka at hinila na 'ko papunta sa isang kotse na kulay puti.

Nagulat ako nang bigla siyang sumakay sa driver seat. "Ikaw ang magmamaneho?" naguguluhang tanong ko.

Tumango naman siya. "Oo naman, marunong na 'kong magmaneho."

Napatango na lang ako. Mas bata siya sa akin nang limang buwan pero marunong na agad siyang magmaneho, ang akala ko rin ay kapag labing-walong taong gulang pa puwedeng kumuha ng lisensya.

"Paano ka nakakuha ng lisensya?" kuryosong tanong ko nang magsimula na siyang paandarin ang kotse.

"I was taught how to drive when I was sixteen tapos two months after turning seventeen, I got my non-pro license."

Ibig-sabihin ay tatlong buwan na siyang may lisensya. Malaking advantage siguro 'yon para sa kanya dahil hindi na siya mahihirapang mamasahe papunta sa school. Bawas hassle siguro 'yon kung gano'n.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na kami sa covered court. May ilang lalaki na naglalaro sa kabilang kalahati ng court habang may nag-iisang lalaki naman na naglalaro sa kabila pang kalahati no'n. Lumabas kami ni Mayuka mula sa kotse at naglakad papunta roon.

"Samael!"

Hindi ko nakilala 'yung lalaki na mag-isang naglalaro. Si Samael pala, pero ang alam ko ay humiwalay siya ng daan kaninang umaga, eh. Paano naman siya napadpad rito? Naglakad kami ni Mayuka papunta sa kaniya tumatagaktak ang pawis nito at halos hinahabol ang hininga dahil sa kalalaro. Mabuti at na-eenjoy niya 'to kahit wala siyang kasama.

"Hinahanap mo na naman ba si Vance?"

Sumama ang tingin ni Mayuka na ikinatuwa naman ni Samael. "Biro lang, pero wala si Vance. Hinatid ko kaninang umaga sa bahay ng pinsan niya."

When Everything Was FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon