ix.

821 35 17
                                    

Paki-play yung video sa multimedia section kung gusto niyo ma-feel. Haha.

--

May babaeng pumasok sa kwarto ni Yoona na ikinagulat ng mga tao sa loob. Maski ang pumasok ay gulat na gulat rin. Hindi siya makapagsalita at konti nalang ay tutulo na ang luha na kanina pa niya pinipigilan.

"Eonni? Eonni nandito ka na!" Sigaw ni Yoona kaya lahat ng mata ay tumingin sakanya.

"Anong ibig sabihin nito, Yoong? Kala ko ba walang tao dito maliban sainyo ni Sooyoung? Yoong--"

"Nagsinungaling ako, eonni. Sorry."

"So alam niyo 'to? Sooyoung? Yoona?" Cold na tanong ni Sunny.

Tumango naman si Sooyoung at Yoona habang nakatingin lamang sa baba.

"Bumalik ka nalang sa ibang araw, eonni." Pabulong na sabi ni Seohyun kay Jessica. Habang hinahawakan niya ang braso neto "Now is not the right time, i think."

Kinalas naman ni Jessica ang pagkakahawak ng nakababata sakanya.

"Nandito ako para kay Yoona. Wala nang iba. Yun lang." Naglakad si Jessica papalapit sa kamang hinihigaan ni Yoona and caressed her hair. Jessica kissed Yoona's forehead and both of them smiled.

"Eonni's here." Mahinang sabi ni Jessica at may tumulong luha sa mata ni Yoona na ikinagulat ng ibang miyembro.

"Bakit Yoona? May masakit ba sayo?" Pagtanong ni Taeyeon na may halong pag-aalala.

"W-wala po. O-okay lang po a-ako."

"Liar. Tell eonni. Ano yun? Ano problema?" Pagtanong ulit ni Taeyeon.

"Kasi.." At tuluyan nang bumuhos ang mga luha ni Yoona kaya nag-alala ang iba.

"Kasi nagsinungaling ako kay Sica eonni. Kasi akala ko, maaayos pa 'to. Kasi akala ko, mababalik pa yung dati. Kasi akala ko, magiging nine ulit tayo." Patuloy ang pag-iyak ni Yoona na sinundan ni Sooyoung at Seohyun.

Nagkatinginan naman si Taeyeon at Jessica ngunit agad din nilang iniwas ang tingin nila.

"Gusto ko maayos pa natin 'to. Kasi nahihirapan na rin akong magpanggap na okay lang.. na masaya ako.. Nakakapagod na po. Sobra." Pagpapatuloy nito.

Nakakaawa ang lagay ngayon ni Yoona. Umiiyak siya habang may dextrose na nakakabit sakanya at may bandage pa sa ulo.

"No one's trying. Kaya hindi 'to maayos." Sabi ni Yuri.

"Someone tried. But failed and ended up being rejected." Mahinang sabi ni Taeyeon ngunit narinig ito ng ibang miyembro.

"Nugu?" (Who?) Tanong ni Tiffany na tumingin kay Taeyeon. "Ikaw?" Hindi parin inaalis ni Tiffany ang tingin niya kay Taeyeon.

Tumango naman si Taeyeon ng hindi nakatingin kay Tiffany.

"Anong nangyare? Sinubukan mong kausapin si Jessica?" Tinignan naman ni Tiffany si Jessica.

Tumango naman ulit si Taeyeon.

"And then what, Jess? You rejected her?!" Pagalit na sabi ni Tiffany.

"Yun nalang magagawa ko. I have no choice, Tiffany!" Bulyaw naman ni Jessica.

"May choice ka, Jessica! Di mo lang inisip kaya di mo nagamit!"

"TAMA NA!!!!" Sigaw ni Yoona kaya lahat sila napatingin dito. "Ano? Pataasan ng pride labanan ninyo dito, ha? Eonni? Kung pataasan lang naman, ako na magbababa. Hihilain ko tong mga nakakonekta sakin. Aalisin ko 'tong nasa ulo ko. Bababaan ko na pride ko, papatayin ko na sarili ko!" Patuloy lamang ang pag iyak ni Yoona.

SNSD: IndestructibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon