x.

872 31 17
                                    

Girls (English Version) by my fav sone youtuber, Dylan Jacob on the multimedia. Ang sakit talaga ng lyrics <//////3 Pakinggan niyo, pero dapat naka-ready na tissue nyo ha? kidding.


—-



Umiiyak akong lumabas sa kwarto ni Yoona. Nagsisisi na ako. Nagsisisi akong sinimulan ko pa ang fashion line ko. Nagsisisi akong inuna ko ang kasiyahan ko kaysa sa mga kaibigan ko— correction, dating kaibigan.

Pumunta ako sa parking lot upang kunin ang kotse ko. Papasok na sana ako sa kotse ng may humawak sa braso ko.

"Taeyeon." Di ko napigilan ang sarili ko at yinakap ko siya. Sobrang higpit ng yakap ko dahil sobrang miss ko ko na siya.

"Taeyeon, sorry. Sorry. Sorry. Sorry." Tanging sorry na lamang ang lumalabas sa bibig ko. "Ang selfish selfish ko." Mas lalong bumabagsak ang mga luha ko kahit anong punas ang gawin ko.

"Naalala mo dati?" Tumingin ako sa mukha ni Taeyeon nung nagsalita siya. "Ganito moko yakapin nung nalaman natin na magde-debut tayo." Hinawakan nya naman ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha gamit ang mga palad niya.

"Hindi na naulit yun. Ngayon nalang. Ngayon mo nalang ulit ako yinakap ng ganito." Ngumiti naman siya. "Ba't kasi ang cold mo." Pabirong sabi niya.

"Naiintindihan kita, Jessi." Jessi.. ngayon niya nalang ulit ako tinawag sa alias kong iyon.

"Kasi kahit ako, pumasok sa isip ko na any time, madi-disband na ang SNSD at inisip ko rin kung ano ang gagawin ko pag nangyari iyon."

Huminga ako ng malalim at nagsalita.

"Inggit na inggit ako sayo Taeyeon. Kasi kinakaya mo lagi ang sakit. Ang galing mo magpanggap." Sambit ko sakanya at tumawa siya.

May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Ikaw? Jessica Jung? Naiinggit sa akin? Na isa lamang na Kim Taeyeon?" Tumawa naman siya ulit.

"Anong nakakatawa?" Tumigil naman siya sa pagtawa at hunarap sakin. Seryoso ang mukha niya.

"Bakit ka kasi maiinggit sakin eh ako nga ang inggit na inggit sayo?"

"Huh? Bakit naman?"

"Kasi kaya mong ipaglaban ang kasiyahan mo."

"Hindi. Kayo ang kasiyahan ko pero di ko kayo pinaglaban." Naiiyak kong sabi. Hinawakan naman ni Taeyeon ang kamay ko.

"Hindi lang samin mo dapat i-focus ang sarili mo. Hindi lang kami ang kasiyahan mo." Yinakap niya ako. "Umuwi ka na. Magpahinga ka. Wag ka nang iiyak, maayos din to." Yinakap naman niya ako ulit.

"I love you Taengoo." Sabi ko na ikinagulat niya ngunit di nagtagal ay ngumiti rin siya.

"I love tou too Jessie." Ginulo nya ang buhok ko at pumasok na ulit sa ospital.

Medyo napanatag na rin naman ako kahit papano.. dahil alam kong may isang hindi galit sakin. Salamat Taeyeon.

Pumasok na rin ako sa kotse ko at nag-drive pabalik sa dorm namin ni Krystal.

Pagpasok ko, wala parin siya. Baka dun muna siya kina Victoria matutulog. Humiga na lamang ako sa couch at nakipagtitigan sa kisame.

Dahil mag-isa ako, I tend to overthink things. Pano nga ba kung di ko sila iniwan? Ba't kasi ang selfish ko.

"Ang selfish mo kasi Jessica!" Kausap ko ang sarili ko. "Dapat inisip mo rin sila!" Pagpapatuloy ko.

Inis na inis akong tumayo at pumunta sa kusina para uminom na tubig. Pag balik ko, halos mahulog ang kaluluwa ko nang nakita kong nakaupo si Krystal sa couch at nakatingin sakin.

SNSD: IndestructibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon