SIMULA

8.3K 180 58
                                    

ANG SIMULA

Maxine

"Trying to avoid sadness is trying to avoid life."

Isang kasabihan na kahit kailan ay hindi nawala sa isip ko. Akala ko noon kapag nakatapos na ako ng pag-aaral, nagkaroon ng lisensya at pera ay makakamit ko na ang kalayaan na matagal ko nang inaasahan. Akala ko noon ay magiging masaya na ako agad at makakalimutan ang lahat ng sakit na naranasan ko sa mundo pero akala ko lang pala.

Napangiti ako nang mapait dahil sa naisip ko. Pinaasa ko lang ang sarili ko. Minsan nga napapaisip na lang ako bigla. Kailan pa ako naging masaya? In reality, I've never experienced happiness in my life.

"Coffee, Ma'am?" Natigil ang pagmumuni ko nang isang pamilyar na boses ang narinig ko. Katulad ng dati ay hinanda ko ang aking ngiti.

Wala naman ako karapatang maging malungkot, sabi nila. Sabi nila, 'yong iba nga wala ng makain sa hapagkainan. 'Yong iba nga, nakatira sa pinatagpi-tagping yero at tinitiis ang ulan, baha at ano mang sakuna. 'Yong iba nga, nanglilimos sa daan at kumakain ng pagpag, kaya sino ako para magreklamo?

Ano nga bang karapatan kong maging malungkot at magreklamo kung 'yong iba nga araw-araw na lumalaban upang mabuhay sa mundong 'to?

"Ano ba, Denise. Napaghahalataang tambay lang ako rito," pabiro kong sabi. Tumawa rin ito dahil sa sinabi ko at napailing. Muli akong ngumiti nang mapansin ang kulay tsokolate't bagong gupit niyang buhok.

"Naku, Ma'am. Alam ko namang iced coffee lang ang gusto mo at dark chocolate brownies, wala ng iba!" Walang sabi niyang nilapag ang mga binanggit niya mesa ko habang hawak ang tray sa kabila niyang kamay.

"Ilayo mo 'to, ayaw ko nito. Jowa ang hanap ko ngayong araw!" I jokingly said. Denise covered her lips with her left hand and chuckled. That's when I noticed that she was wearing a diamond ring. My eyes winded and she also noticed my reaction. Nahihiya siyang ngumiti sa akin.

"Oh, so y-you're... wow, congrats! I'm happy for you!" I said. She mouthed 'thank you' before going back to her work. Naiwan akong nakangiti habang nakatingin sa likod niya.

Denise is a server here in Calleum Black's Coffee Shop. Dahil madalas ang tambay ko rito at lagi akong mag-isa ay naging pamilyar na ako sa mga empleyado rito. However, Denise stands out among them. She enjoys her profession and is not just working for the money. I knew it the moment I saw her eyes, it's easy to tell if people were passionate, genuine, or not with their eyes.

The eyes tell more than words could ever say.

Tama nga ang kutob ko na mabuti siyang tao. I almost knew every detail about her life, but I'm not sure why she comes across as so formal with me when it comes to business. She has been gushing to me for months about how happy she was with her longtime boyfriend, Daniel, who is a lawyer as well as the owner of a five-star hotel. And now that I know they are getting married, I am glad.

Napabuntong hininga ako at kumagat muna sa brownies na nakalagay sa mesa ko. Hinilot ko ang aking sentido at pinunasan ang suot kong eyeglasses. I've been doing this for almost 30 minutes but I couldn't find the right activity to match my objectives. Mahirap na at baka ipa-revise ulit sa akin kapag pinacheck ko.

"So frustrating. When of these will end?" I whispered and wiped my forehead. Bumuntong hininga ako. I rest my head on the divan chair where I'm sitting, good thing is, sa pinakadulo ako nakapuwesto.

Today, I only wore a black turtle neck top and a long blazer, paired with a grey pencil skirt. Isang malalim na buntong hininga na lang ang pinakawalan ko. I unconsciously stared at the band-aid that is covering the fresh wound on my index finger. Nakuha ko ang sugat na ito habang naghihiwa ako ng sibuyas kahapon. Hindi ko kasi suot ang lenses ko.

Max: The Queen of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon