Maxine
We were given almost 20 minutes to change for our next subject. Napasabunot na lang ako ng buhok sa inis. Pinagtitinginan ako dahil mukha akong nagdadabog, pero wala akong paki! Wala akong paki sa kanila! Hindi maganda ang mood ko ngayon! Isang tao lang ang gusto kong sisihin kung bakit nangyayari sa akin lahat ng ito! Si Sinas!
Caleb said no!
"Bwisit! Kasalanan mo lahat ng 'to, e!''
Pabagsak kong pinatong ang tumbler ko sa long bench. Nasa harap naman ako ng mga lockers, pero nakikitambay lang ako rito, wala akong locker, e.
Kinuha ko ang gamit kong P.E uniform, tapos padabog kong siniksik sa gucci paper bag na galing pa kay Dad! Parang tinatawanan tuloy ako kanina, pero s'yempre, as usual, wala akong paki.
Original 'to, isampal ko pa sa mukha nila.
I rolled my eyes, at inayos na lang ang uniform ko. Nakapalit na ako, at nag-shower. Sa gilid ng campus' gymnasium, meron kaming lockers, at shower room, hiwalay ang pangbabae at panglalaki. Very convienient din na tinabi 'to sa gym.
''Ang pangit mo! Ang pangit-pangit mo!''
Nanggigigil kong sabi at pinisil-pisil ang damit ko kahit katatapos ko itong itupi. I am currently wearing a purple long sleeve cargidan, paired it with white turtle neck, and a pastel blue pants with vertical hearts. Ito ang binaon ko, dahil ito lang naman ang nakalkal kong maayos. . . sa closet ni Ate Cha.
''Kausap mo, beh?" I cringe when I heard a familiar voice at my back. Mas dumagdag tuloy ang init ng ulo ko, kasi pagtinginan ko sa likod, nakangisi si Elyse sa akin! Kasama niya 'yong mga garapata niyang sunod nang sunod sa kaniya. Tinitigan ko lang sila, blanko ang mukha ko at nang tumagal ang titig, tumaas ang kilay ni Elyse. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, pero 'di ako nagpatalo at hindi kumurap.
"Bored ka, beh? Kausap mo sarili mo kasi wala na 'yong Iphone mo? Baka fake rin." Tumawa ang dalawa niya pang kasama na sila Jah at Glenda. Elyse has a blonde hair, hanggang dibdib. Bilugan ang mga mata, she wears fake eyelashes, and light make-up. Makapal ang mga labi niya at madalas lipgloss lang ang gamit niya.
Tinitigan ko lang siya, at halata ko sa mga mata niya ang pagtataka kung bakit nagagawa ko siyang titigan ngayon. Lagi kasi akong nakayuko, at tahimik lang noon, makita ko pa lang siya parang gusto ko na mag-absent. She's too good in humiliating people. Hindi siya nagbago, wala siyang nagbago simula noong makita ko siya sa reunion.
"Hindi naman lahat ng bagay kasing-peke mo." Inayos ko ang mga gamit ko. Napahawak siya sa dibdib at kung titigan ako parang nilait ko na ang buong pagkatao niya.
"Sumasagot ka na pala?" She tried her best to maintain her composure kasi parang napahiya siya sa mga kasama niya. This is the first time that I talked back.
"Malamang. Sumasagot ako kasi may bunganga ako para magsalita." Tinitigan ko siya nang diretso, I saw her frowned. Nagtataka kung bakit parang iba na ang inaasal ko ngayon.
"Gusto ko lang sabihin na 'wag niyong gayahin ang steps ng group namin." Natawa ako sa sinabi niya, she looked more confused why I'm laughing. Umiling ako sa paratang niya, ako na nga ang nag-adjust, ako pa ang nangopya?
"Pinalitan ko na nga ang ibang steps, ako pa ang manggagaya?"
"Sinasabihan lang kita kasi sinasabi ng ibang groups na kami ang nangopya sa inyo." Muli akong natawa, sila naman, nakatingin lang sa akin kasi tawa ako nang tawa kanina pa. Sino ba namang hindi matatawa sa pangbibintang niya? Badtrip ako,'wag na siyang dumagdag! Baka sa kaniya ko malabas ang inis ko!
BINABASA MO ANG
Max: The Queen of All
FantasyMaxine Ali Espanosa feels that she is a complete disaster. Max spent her life running from the past that she despises the most. All of her life she was lost, hopeless, depressed, and alone. She never knew that everything will turn worst in the futur...