Maxine
Literal akong nakakunot noo habang nakaupo sa taxi. Almost 15 minutes lang din yata ang biyahe ko papuntang bahay tutal 'di pa naman traffic dahil malayo pa ang lunch time. When I got home, I decided to reply to Caleb. Nagtitipa pa lang ako sa cellphone nang marinig ko ang tahol ni Vanilla kahit na malayo pa ako.
"Vanilla?" I called her in a sweet voice. Her barks continues. Natigilan ako sa paglalakad dahil pakiramdam ko ay 'di dapat muna ako lumapit sa bahay. I stood in my position.
Malayo pa lang ako sa door ay naaninag kong nakasara naman ito pero nasa loob si Vanilla. Nagtaka naman ako dahil 'di naman masungit si Vanilla sa ibang tao, e. Malambing siya kahit sa ibang tao o 'di kaya sa mga boarders namin.
Nanlalaki ang mga mata kong tinitigan ang text ni Caleb. Iniisip ko bakit sinabi niyang 'wag na 'wag akong pupunta ng park. Nagtago ako sa likod ng matayog na puno malapit sa street namin. Kita ko naman ang bahay sa puwesto ko. Namawis ang noo't palad ko. Sinilip ko ang pinto namin dahil akala ko napasukan na kami ng magnanakaw o ano. Pero nasara naman?
From Kuya Jio TM:
Lobat isang sim q. Gus2 mo lunch daw. Ine? D2 na si Ate.I received a text from Kuya Jio. Imbes na magtipa ng reply ay tinawagan ko siya dahil hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Images of animal cruelty flashed to my mind. I don't know what to do, I was frozen in my position.
Gusto kong tingnan dahil baka may tao na pala sa loob at nakasara lang ang pinto. Baka kung ano ang gawin nila kay Vanilla. Baka hindi ko alam na sinasaktan na pala si Vanilla.
My heart was pounding so fast. Kung ano-ano na ang pumasok sa isip After few rings, Kuya Jio answered. Finally! Huminga akong malalim bago magsalita.
"K-kuya? May tao ba sa bahay?" I said, and clenched my fist. Nanginginig kasi ang kamay ko.
'Ha?! Wala! Nakasara 'yan! Si aso mo pinakain na pero nagugutom pa rin kaya inaway si Papa.' Kuya Jio said from the other line. Saglit akong natahimik at tiningnan ang bahay mula na may kalayuan ng konti sa akin. I took one step, three steps, four steps.
"Naririnig ko kasi si Vanilla... tahol nang tahol, e. Kaya akala ko kung may nakapasok na rito sa bahay o ano," kabado kong sabi. I bit my lip.
'Sus. Gutom lang 'yan. Nasobrahan sa vitamins! Natanggap mo ba text ko? Ba't nasa labas ka, ha?'
"Maaga kasi ang uwian. Sakto naman gusto ko na rin sana kumain."
'Kaya pala meron daw si ano.' Nangunot ang noo ko.
"Si?"
'Wala! Bilisin mo! Sa tabi ng chicken unli wings kami! 'Yong bagong bukas na unli-restaurant na mamahalin!'
Para akong nabunutan ng tinik sa leeg nang patayin ni Kuya ang tawag. Ang totoo ay medyo hesistant pa ako maglakad papunta sa bahay. Agad kong binuksan ang pinto dahil nakalagay naman ang susi sa paso ng cactus. Agad na tumalon si Vanilla sa akin. She whimpers. Napanguso naman akong kinarga siya't sunod na pinatong ang bag ko sa sofa.
"Akala ko naman kung may nakapasok sa loob kasi tahol ka raw nang tahol, ha! 'Yon pala, e gutom ka lang! Ang takaw-takaw ng abujing ko! Ang laki ng tiyan! Parang buntis!"
BINABASA MO ANG
Max: The Queen of All
FantasyMaxine Ali Espanosa feels that she is a complete disaster. Max spent her life running from the past that she despises the most. All of her life she was lost, hopeless, depressed, and alone. She never knew that everything will turn worst in the futur...