Kabanata 6

1.2K 64 7
                                    

Maxine

I ended up wearing a short-sleeved pastel pink checkered cardigan that matched my top and paired it with classic dark blue jeans. Ngisi kong tiningnan ang suot kong sapatos. I wore a high-top white shoes. Instead of a backpack, I chose a large-capacity white tote bag.

Dad keeps glancing at me in the rear-view mirror probably wondering with my fit. I remember Mom gifting me this clothes last christmas. Pero panay naman ang reklamo ko sa kaniya na ayaw ko. No wonder why, nakita ko ba namang nakasiksik 'to sa gilid ng closet.

Napapikit na lang ako. Ang kalat ko talaga!

"Ayos na ayos ah." Pagpaparinig ni Kuya Jio.

"O, ano naman?" Pagsusungit ko sa kaniya.

Bumulong-bulong pa siya kay Dad! Akala mo naman 'di ko naririnig! Sinabi niya ba namang may nakita siyang ka-date ko sa VET noon kahit never niya naman akong sinamahan! Ayaw niya raw sa aso pero siya naman ang nagpapaligo kay Vanilla kapag wala ako! Sus!

I wore a light makeup and lipgloss. Panay tuloy ang tingin ko sa repleksyon ko. I liked my hairstyle with curls on the tips. Kaya naman inulit ko lang kung ano'ng ginawa ko kahapon! Hinawakan ko ang buhok ko. A lot of people asked If my silky hair is natural or not.

Akala kasi ng karamihan, rebonded ako. Bigla ko tuloy na-realized, kung bakit naisip kong magpashort hair. Napasandal na lang ako sa upuan. Parang kanina lang, maiksi ang buhok ko, tapos pagkagising ko mahaba na.

"How's your first and second week of school?" Literal akong na-freeze sa tanong ni Dad. Hala, ano'ng isasagot ko?! Wala akong matandaan! Uminom ako sa hawak kong tumbler, pero nakita kong tinaasan ako ng kilay ni Kuya Jio! Mas lalo akong na-blanko! I was thinking of excuses while drinking!

"Pinagpapawisan ah." Gusto ko siyang suntukin dahil sa sinabi niya!

"Okay lang, Dad. Haha!" I laughed awkwardly.

"Nasa mall daw 'yong cellphone mo. I-tatawag na lang daw kapag kukunin mo na. 'Wag ka na umiyak, mababawi naman mga pictures ni Vanilla. Don't worry, okay?" mahabang sabi ni Dad pero napa-huh? na lang ako.

"Umiyak ako?" nagtatakang sabi ko. Napapikit na lang ako kasi napatingin sila sa akin. How can I say my thoughts loudly?! Ngumiti na lang ako nang pilit at tumingin sa labas. Traffic pa!

"Oo. Umiyak ka! Ang pangit mo umiyak! Tulo sipon!" sabat ni Kuya Jio. 'Di ko na napigilan ang sarili ko. Pinalo ko siya sa braso at napadaing siya sa sakit. Napahawak sa braso niya. Dad is laughing. Para raw kaming bata! Nyenye!

Nanahimik na lang ako at tumingin sa harap. Lagpas na kami ng intersection, mabuti na lang at napaaga ang alis namin. Kadalasan kapag ganitong oras, traffic. Isang oras yata bago umusad ang mga sasakyan. Dahil wala akong magawa at panay ang tingin ni Kuya Jio sa akin, kinalkal ko na lang bag ko.

No wonder he keeps looking at me, hindi naman talaga ako nag-aayos ng ganito dati.

The first thing that caught my attention is a multi-layered pencil case, It's in pink color! Natawa na lang ako sa sarili ko. I really love pink! Kinalkal ko ang laman at puro pastel colored highlighters ang nakita ko! At meron pang transparent sticky notes! Wow! I didn't know that I have so much 'motivation' during this age! I laughed at my own trails of thoughts.

Max: The Queen of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon