Part-II (I Can't Talk)

1.1K 39 0
                                    

Part-II (I Can't Talk)

*KINABUKASAN

maaga akong nag open ng flower shop ko ngayon. tapos na rin ako sa pag i'spray ng mga bulaklak.

lima na ang naging costumer ko nitong umaga lang.

mejo nasira lang ang umaga ko dahil don sa couple kong costumer.. muntik pa akong awayin ng nobya ng guy, kasi nilapitan ako nung guy. para namang kasalanan ko kung bakit sya pangit -.-

nakaupo lang ako ngayon sa desk ko at tulad ng lagi kong ginagawa. nag aayos ng mga bulaklak para gawan ng plastic cover at tinatalian ng ribbon.

*door opened

nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto at pumasok ang--si--*napatayo ako sa di inaasahan* si Rick?!

kunot noo ko syang tinignan. kasi mejo hinihingal pa sya, para bang 'tumakbo sya papunta dito. anyare? ~.~

may hawak syang.. book? album? scrapbook. ba yon? hindi ako sure kung ano. pero parang isa sa mga naisip ko.

"Aika." sabi nya sakin.

nagtataka ako ng lubos dahil sa kakaibang presensya nya.

nakatingin lang ako sa kanya at patuloy syang nagsalita.

"hindi ko na kaya.." parang 'pagod nyang sabi. ano ang hndi nya kaya?

hindi man ako nagsasalita, tuloy pa rin sya sa pagsasalita ng mga bagay na 'hindi ko maintindihan.

"pagod na akong pigilan 'tong nararamdaman ko.. para sayo"

"pagod na kong isipin kung bakit, hindi mo ko napapansin. hindi mo kinakausap"

"kahit nah, araw araw nagpapakita ako sayo at sinusubukan kang kilalanin pa ng husto. pero, hanggang don na lang ako"

"alam mo ba.. yung mga white roses na binibili ko. lahat yon para sayo. kung sana nagkaron ako ng lakas ng loob na ibigay sayo. pero 'hinde, kasi lagi akong natotorpe sa tuwing gusto kong subukan nah, ibigay sayo at sabihing GUSTO KITA"

"gusto kita Aika. noon pa. nong una pa lang kitang nakilala. naalala mo, nung araw na binigyan kita ng white roses? don pa lang kasi sa mga oras na yon. nagustuhan na kita. pasensya ka na, pero yon ang totoo"

hindi pa rin ako naka imik o halos hindi ko maigalaw ang katawan ko sa mga narinig kong sinabi nya. Gusto nya ako? sigurado ba sya sa sinasabi nya?

gulat man ako, at natuwa sa sinabi nya, pero hindi ko pa rin maiwasan ang pangambang baka, kapag nalaman nyang Pipi ako, ,babawiin nya lahat ng sinabi nya katulad ng mga dumaan nang nagsabi ng mga bagay bagay na 'gusto ako' at 'gustong ligawan' pero binabawi kapag nalaman nila ang kapansanan ko.

lumapit sya sakin at muling nagsalita "sana naman Aika, kahit ngayon lang. kausapin mo ko. para naman, hindi ko lalong isipin na 'wala akong pag asa sayo, dahil, , suplada ka o dahil ayaw mo kong makausap kasi hindi mo ko gusto. Aika, kahit ngayon lang, please... magsalita ka naman oh.." parang nagmamaka awang sabi nya.

kung pwede lang. kung maaari lang, noon pa sana ako nagsalita. pero hindi ako nakakapagsalita. HINDI AKO NAKAKAPAGSALITA RICK. hinde. yan ang gusto kong ipahiwatig. pero natatakot akong malaman nyang Pipi ako. natatakot ako. dahil takot akong bawiin nya lahat ng mga sinabi nya nah, Gusto nya ako. takot akong ma'turn off sya dahil isa akong babaeng may diperensya.

dahil hindi pa rin ako naka'imik at para akong timang sa harapan nya, muli syang nagsalita "sabi ko na e" parang dissapoint nyang sabi, na naka tungoh. parang maiiyak yung mga mata nya.

Tower Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon