Part-VI (I Can't Talk)

831 28 2
                                    

Part-VI (I Can't Talk)

*kinabukasan

[goodmorning Prince..] text ko yan kay Rick.

naiinis ako, nitong mga nakaraang araw hndi na sya masyadong nagpaparamdam. may problema ba yon?

pero kung meron man, dapat sinasabi nya sakin. napaka ewan talaga ng prinsipeng 'yon

namimis ko na talaga sya. huhu

namimis kaya ako non?

Time checked 9 am nah, wala pa ring reply si Rick.

palagi na lang ba? kakainis huhu. parang hndi na talaga ako mahal ni Rick. ayokong isipin, pero parang ganon..

*AIRPORT

nagsilabasan na yung mga new arrival sa airport. hinihintay ko na lang si Reeca.

hanggang ngayon. hindi pa rin ako tinetext ni Rick. busy na naman ba yon.. hindi nya ba alam na namimiss ko sya.

oh, ayan na pala si Reeca.

parang hinahanap pa nya ako. haha hndi nya ko nakita

pupuntahan ko na nga lang. kung sana hindi ako pipi, tatawagin ko na lang.

lalapit na sana ako ng bigla kong nakita si Rick.

O__0?

papunta kay--REECA.

"ERICK!! akala ko hndi mo ko sunduin. kanina ka pa ba?" narinig kong sabi ni Reeca.

Erick? . Erick ang tinawag nya kay Rick?

s-si Erick pala ay si Rick? si Rick pala ang tinutukoy ni Reeca?

hinde. ibig sabihin, s-si Rick ang boyfriend ni Reeca. na boyfriend ko?

biglang sumikip yung dibdib ko. iniisip ko pa lang parang hndi ko kaya.

hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. kung lalapit ba ako o hindi na lang..

"ui, Aika!!"

bigla akong kinabahan nang tinawag ako ni Reeca.

nakatingin na rin sakin si Rick.

t-teka, ano bang gagawin ko?

woah. keep calm Aika, kalma lang.. just think possitive. think possitive

hindi ka naman lolokohin ni Rick diba? hindi, so, kalmado lang.

lumapit na rin lang ako sa kanila,, pero hndi pa rin maalis yung kaba ko, lalo na nung makita ko kung pano makatingin sakin si Rick. para bang, nagtaka sya kung bat ako nandito.

pilit kong ngumiti kay Reeca.

hindi ba man lang magsasalita si Rick, kahit na hello lang sakin. bakit parang hindi nya ako kilala. ang sakit ah.

"ah. Erick, si Aika pala kaibigan ko.. Aika sya si Erick.." uh? hndi alam ni Reeca na magkakilala kami.

"uhm okay. so, lets go" saad lang ni Rick kay Reeca tapos kinuha nya pa yung trolly ni Reeca at hinigit.

ang sakit. ni hindi ba man lang sasabihin ni Rick kay Reeca nah magkakilala kami, na girlfriend nya ako, nah ako yung prinsesa nya. ano bang nangyayari sa kanya?

"ey Erick hintay lang!.. tara na Aika" tapos sumunod na si Reeca.

hindi ko alam kung dapat pa ba akong sumunod sa kanila.

hindi talaga ako makapaniwala. may relasyon si Rick at Reeca. .kelan pa?

"Aika, halika na.." baling pa ni Reeca sakin tapos nakahawak pa sya sa arm ni Rick.

Tower Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon