Part-VIII (I Can't Talk)
***
hindi na muna kami umuwi ni Bryan. sumama kami sa bahay ni Reeca.
"bahay to ni Rick diba?" tanong ko kay Reeca. bigla akong kinabahan, makikita ko na ba ulit si Rick?
tsaka, bakit dito kami dinala ni Reeca? diba ang sabi nya, sa bahay nya kami pupunta?
omg! di kaya. mag asawa na sila ni Rick, tapos dito na rin sya nakatira?!
hindi naman sana.
tumango naman sya "pasok kayo" saad nya
pumasok naman kami.
bawat hakbang ko, parang kinakabahan ako, pano kung makita ko si Rick..
mejo nagpalinga linga ako para bang nagbabaka sakaling makita sya.
"umupo muna kayo, may kukunin lang ako sa taas" sabi ni Reeca, matapos nyang kausapin ang isang maid para ipaghanda kami ng maiinom.
"ok" sagot ko, pagkaakyat ni Reeca, napatingin ako sa photo frame na naka display malapit sa tv.
picture ni Reeca at Rick. halos magkadikit na ang muka nila, at parehong nakangiti. parang kuha lang mula sa cellphone ang picture. nakakainggit, ang saya nila siguro nang mga oras na 'yon
ganyan din yung mga pictures namin ni Rick nung Kami pa. hanggang ngayon nga, tinago ko pa..
napatingin ako sa wall clock. 6pm na pala..
"Aika, labas muna ako ah. magpapahangin lang, tsaka wag kang magtagal gumagabi na oh. gusto ko nang magpahinga" sabi ni Bryan
"whatever -.-" lumabas na rin sya.
"juice po maam" sabi ng maid na kalalagay lang ng juice sa table dito sa sofa.
"salamat. nga pala, nasan yung mama ni Rick?" bigla kong tanong
"nasa france po last month pa"
"ahh. e si--" tatanungin ko pa sana kung nasan si Rick kaso nakita ko na si Reeca sa stairs.
"oh, yung kaibigan mo, nasan na?" tanong ni Reeca na kakaupo lang sa sofa.
"nasa labas. magpapahangin daw"
"ah ganon ba"
napatingin ako sa hawak nyang binder book. maya maya inabot nya sakin yon "a-ano to?" takang tanong ko
"mamaya mo na buksan yan.." malungkot na saad nya.
tapos bigla syang natahimik na parang napakalungkot nya.
"Reeca? may problema ba?"
"may kailangan kang malaman.."
nag umpisa na naman ang curiousity ko "ano?"
"kahit kailan, hindi ka kinalimutan ni Erick.."
si Rick?
anong ibig nyang sabihin.
BINABASA MO ANG
Tower Prince (Completed)
DragosteA girl Can't Talk, suddenly fell Inlove, secretly Inlove to her regular costumer on her own flower shop.