PROLOGUE:
2014 (A year ago)
Sinundan ko lang siya. Isa siyang batang lalaki: Naka t-shirt na may blue horizontal stripes, black pants at sapatos. Medyo mahabang kulot na buhok - mala Harry Styles.
"Bilisan mo!" sigaw niya habang masayang umaakyat ng hagdan
"Antayin mo 'ko ang bilis bilis mo naman eh" sagot ko habang nakasunod parin sakanya.
"Ang bagal!" reklamo niya sabay lingon sakin
"Baka may sakit?" hingal na hingal kong pagsagot
Tuloy-tuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa marating namin ang rooftop ng Ospital.
Pagtapak na pagtapak namin ay agad kong hinabol ang aking hininga habang tinitignan siyang naglalakad at sinisiyasat ang bawat gilid nito.
"Nakakapagod dapat nag elevator nalang tayo eh"
"ang ganda oh!" sigaw niya. Kaya inayos ko na ang tayo ko at lumapit sakanya
"Oo nga. Ang ganda pala dito sa rooftop nila noh?" sagot ko
Tinitignan lang namin ang araw na unti-unti ng nilalamon ng dilim nang may narinig akong mga paa na mukhang papunta rin dito.
"Kanina ka pa namin hinahanap! Andito ka lang pala" pagod na pagod na saad ni Auntie
"Oo nga po. Kung saan-saan ka po namin hinanap pero wala ka" saad naman ni Secretary Kim.
Nilingon ko sila at nakitang parehas silang hingal at naghahabol ng hininga
"Bakit niya ba 'ko hinahanap?" tanong ko
"Nag aalala po kasi sainyo itong si Madam" sagot ni Secretary
"Aba'y siyempre naman! Malay ba namin kung ano ng nangyari sa iyo?!" pagalit na tugon ni Auntie
"Sus wala na ho kayong dapat ikabahala" cool ko lang na sagot
"Ikaw talagang Rixon na bata ka! Paano kung may nangyari sa'yo ha? Paano namin sasabihin sa tatay mo 'yun?! At isa pa kagigising mo lang! Por Diyos Por Santo! Magpahinga ka na muna! Ano bang ginagawa mo dito sa itaas?!" pangangaral niya.
Linigon ko naman ang ulo ko sa tabi para makita ang reaksyon ng batang kasama ko pero wala na siya sa tabi ko. Iniikot ko ang buong tingin ko sa buong itaas pero kaming tatlo lang ang nandito.
"ano?! Hindi ka man lang ba magsasalita dyan?" saad ni Auntie
Huminga ako ng malalim at nagsalita "2 taon sa coma. Sobra sobrang pahinga na 'yon. Kagigising ko lang pahinga nanaman? Ang sakit din naman sa likod mahiga ng mahiga" sagot ko
"Ikaw talaga Rixon! Ang gusto lang naman namin ligtas ka"
Iniling iling ko nalang ang ulo ko sabay nagsalita "Tara na pagod na 'ko"
Nakabalik na kami sa kwarto at bumalik na 'ko sa higaan.
"Magpahinga ka na muna sa labas na muna kami" sinabi ni Auntie at sabay na silang lumabas sa kwarto
Lumingon ako sa tagiliran ko para abutin ang remote pero bigla kong nakita ang batang sinusundan ko kanina.
"Nakakagulat ka naman!" sabi ko at tumawa lang siya "Ba't bigla kang nawala? Anong ginagawa mo dito?"
"Wala lang. Ako nga po pala si Luke"
"Ah okay. Ako naman si Rixon" sagot ko
"Alam ko"
"Paano mo nalaman?"
"Nabasa ko sa labas"
"Ba't parang kanina ka pa pagala gala wala ka bang kasama?" tanong ko dito
"Ang totoo kasi niyan a-" hindi natuloy ni Luke ang sasabihin niya dahil sa biglang pagbukas ng pinto.
"May kausap ka ba?" tanong ni Auntie sa may pintuan
Lumingon lingon ako sa paligid at napansing nawala nanaman si Luke.
"H-Ha? Bakit?" tanong ko
"Para kasing may kausap ka eh. Pero wala namang pumapasok dito" saad niya sabay sara na muli ng pinto.
"Luke?" tawag ko sa loob ng kwarto "Luke?" ulit ko pero tulad ng una walang ni isang sumagot.
@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@
Hi guys! Nawa'y magustuhan niyo po ang bagong kwentong aking inihahain sainyo. Alam naman po natin na Romance writer po talaga 'ko but to give it a twist I tried experimenting with Romantic-Fantasy(Na medyo ROMCOM din) Hope you guys will like it! Saranghae <3 Gomawo!
VOTE - COMMENT - PLUG - SPREAD THE LOVE!
K E I J E I <3 '15
BINABASA MO ANG
Sixth Sense
RomanceNaniniwala ka ba sa ika-anim na sintido/sense ng tao? Na sa loob ng 10 katao 2 hanggang 3 ang mayroon nito? Oo mahirap paniwalaan pero minsan ang hindi kapani-paniwala bagay pa ang magdadala saatin sa taong nakatadhana saatin. (Ji Chang Wook - P...