Omooo! Sorry! Gomenasai! Alam niyo naman po ang pinagdadaanan ng College student. Hahaha
Chapter dedicated to @MaryJaneMatalang
Twitter? IG? FB? #WattpadSixthSense
@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@
Sixth Sense
"Good Morning Mr. CEO!" bati ko paglabas niya ng kwarto nakita ko naman medyo gulat ang naging reaksyon niya
"Nakakagulat ka naman" sabi niya sabay lagay ng kamay sa kanyang dibdib
"Masyado ka namang magugulatin" sagot ko at nabaling bigla ang mga mata ko sa picture ni Christine itinayo na pala niya ulit ito."Mr. CEO" tawag ko "Oh?" sagot naman niya "Lalabas lang ako ah?" tumango naman siya bilang tugon.
Sabagay wala din naman makakakita saking iba kundi siya lang eh. Ano kayang meron si Mr. CEO at nakikita niya 'ko?
Tuwang tuwa akong pababa ng hagdan dahil sa wakas ay makakapagikot na ako sa lugar na tinitirhan ni Mr.CEO
Ang ganda ganda talaga dito saad ko sa sarili ko. Ang yaman niya talaga natawa ko sa sarili ko malamang mayaman siya! Magiging CEO ba siya kung hindi siya mayaman? Kalokohan ko talaga oh.
Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang ibaba ng building na 'to.
Grabe! Totoong diamonds kaya itong nasa chandelier?
Malalaking Chandelier, magagarang sofa at lamesa napaka gandanv lobby talaga!
Naglakad ako papalabas para makarating sa parang park ng lugar na 'to
Wow ang raming mga puno at mga bulaklak. Napakagreen din ng mga damo bulong ko sa sariliTuloy tuloy lang ako sa paglalakad habang tumitingin sa mga nagjajogging nang bigla akong may nakitang isang pamilyar na mukha. Sinundan ko siya ng tingin at bigla kong naalala ang picture na nasa kwarto ni Mr.CEO Christine bulong ko sa sarili at sinundan siya sa pag jajogging.
Hindi ako pwedeng magkamali. Kamukhang kamukha niya si Christine.
*RIXON'S POV*
Bumalik ako sa kwarto pag balik at nabaling nanaman ang atensyon ko sa picture ni Christine. Nilapitan ko ito at kinuha.
Ba't ba pinulot pa ulit kita? Bakit ba hanggang ngayon hindi parin kita mapakawalan?
At muli inihulog ko nanaman ito sa basurahan. This time for good.
"Mr. CEO! Mr. CEO!" rinig kong nagmamadaling tawag sakin ni Cherry kaya nagmadali rin akong lumabas
"Si Christine" at bigla siyang natigilan "Anong meron?" tanong ko
"P-paano siya namatay?"
"Car accident" maikli kong sagot
"Sigurado ka bang namatay siya?" Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ng babaeng 'to at bigla siyang nagtanong tungkol sa bagay na 'to
"Bakit ba?!"
"N-nakita - nakita ko - siya" nagulat ako sa sinabi niya
"saan?!" agad kong tanong medyo natigilan siya bigla sabay kamot ng ulo "pero di ko kasi sure kung siya eh" sabay tawa
Napabuntong hininga ako sabay tingin sakanya
"Mahal mo talaga siya ano?" tango lang ang isinagot ko.
Mahal ko siya mahal na mahal
"Paanong car accident ba?"
"Chismosa ka talaga ano?" sagot ko
"Kwento na please?" at umakma siyang nagmamakaawa
"Car accident. Nawalan siya ng brakes bumangga ang kotse niya sa isang pader. Nasunog siya kaya kinailangan siyang icremate nalang"
"Ah. Sorry ah" narinig kong sabi niya at nakita kong lumungkot ang mukha niya
"H'wag kang magalala kapag nakita ko siya kakausapin ko siya at sasabihing puntahan ka" Ngumiti ako sakanya "Salamat" at nireplyan niya lang rin ako ng mga ngiti.Tumayo na 'ko mula sa pagkakaupo para maghanda sa pag pasok sa opisina.
"Sasama ka ba sa Mall?" tanong ko sakanya
"susunod nalang siguro ako. Mamamasyal na muna 'ko dito sa condo mo" sagot niya
"Sige ikaw bahala pero kaya mo ba?" ngumiti siya sakin at nag thumbs up "ako pa magugulat ka nasa may pinto na 'ko agad ng opisina mo" natawa ko sa sagot niya "h'wag mo 'kong takutin ah?"
"Pag iisipan ko" balik niya habang tumatawaNagpaalam na 'ko sakanya at bumaba na dahil inaantay na 'ko ni Secretary Kim
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
TO BE CONTINUEDWAAA! Salamat po sa pagaantay <3 wavyu guyth!
BINABASA MO ANG
Sixth Sense
RomanceNaniniwala ka ba sa ika-anim na sintido/sense ng tao? Na sa loob ng 10 katao 2 hanggang 3 ang mayroon nito? Oo mahirap paniwalaan pero minsan ang hindi kapani-paniwala bagay pa ang magdadala saatin sa taong nakatadhana saatin. (Ji Chang Wook - P...