Chapter I

329 13 3
                                    

This Chapter is dedicated to @OnjiMee-

use the hashtag #WattpadSixthSense when tweeting about the story :) Para mabasa ko yung ibang insights niyo. (Yung mga 'di madalay magcomment - walang wattpad account) Gomawo

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

Sixth Sense - I


2015 (Present Day)

Naglalakad ako papasok sa opisina nang may mapansin akong babaeng paalis ng mall na malungkot kaya naman natigilan ako.


"Sir?"


Lumingon ako saaking likuran upang makita kung saan pupunta ang dilag


"mauna na kayo" utos ko sabay sunod sa babae

"m-mi-miss?" nagaalangan kong tawag sakanya


Dahan-dahan niyang iniharap ang kanyang mukha sakin. Basa ng luha ang kanyang mga mata. At makikita mong problemado talaga siya.


"N-na-nakikita mo 'ko?" unti-unti kong napapansin ang pagbuo ng mga ngiti sa kantang labi

"Dapat ba hindi?" tanong ko at napansin kong papaiyak nanaman siya

"teka teka" lumingon ako sa paligid "sumunod ka sakin" baka isipin pa ng mga tao rito pinapaiyak ko siya. Sabihin pa nila napakawalang kwenta ng isang tulad ko.


Umakyat ako sa opisina ko habang sumusunod lang siya sakin.


"kasama ko siya" saad ko agad nang nasa labas na ko ng pintuan ko baka kasi harangan siya.

"sir?" di ko na siya pinansin at dire-diretso lang sa pagpasok

"Sinong siya? wala naman siyang kasama" narinig kong sabi ni Secretary Kim sa labas kaya napahinto ako at lumingon sa likuran ko

"Anong ginagawa natin dito?" nagulat ako sa biglang pagsasalita ng babaeng 'to.

"Mukhang nagulat ka ah" saad niya sabay tawa.


Dumiretso naman ako sa upuan ko at saka siya muling hinarap

Inikot niya ang ulo niya sa buong kwarto "anong ginagawa natin dito? nagaalala ka bang sabihan ng baliw ng mga tao?" tanong niya

"ba't naman nila 'ko sasabihan ng baliw?"

"Dahil kinakausap mo ko" sagot niya at napansin ko namang nalungkot siya bigla. Hindi ko talaga magets ang gusto niyang sabihin.


"bakit naman?" tanong ko


Tumingin lang siya sakin at inilahad ang kamay niya sa harapan ko "iabot mo sakin 'yang ballpen" utos niya. Hindi ko alam kung bakit ko siya sinunod pero kinuha ko naman ang ballpen na nasa mesa at iniabot sa kamay niya pero tumagos lang ito sa mga palad niya "alam mo na?" tanong niya

"So patay ka na?" tanong ko. Hindi naman na saakin bago ang makakita ng mga katulad niyang kaluluwa pero hindi ko lang talaga magets kung bakit ko sila nakikita. Nagpapakita ba talaga sila saakin? Pati ba naman mga kaluluwa nagugustuhan ako? *Smirks

Sixth SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon