Sixth Sense
Chapter 6This chapter is dedicated to gailfilam Thanks for the support :">
Let's all welcome Lee Yong-Nyeo as Madam So ! *cheers*
#WattpadSixthSense - use the hashtag! malaking tulong ang comments niyo sa pagpapaganda o pagaayos ng kwentong ito. Salamat po! <3
_@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@_
"Mr. CEO" nagulat ako sa biglang pagpigil sakin ni Cherry mula sa pag labas ng pinto.
"Bakit?"
"Saan ka pupunta?" naka puppy dog eyes niyang sabi.
"Nagugutom ako" sagot ko habang hinihimas ang tyan ko
"Sama!"
"Bahala ka"Pumasok kami sa isang restaurant dito sa mall KO na wala gaanong tao. Naupo ako sa pinakamagandang spot na nakita ko sa lugar na 'to at naupo namam si Cherry sa harap. Maya-maya pa'y may lumapit ng waiter para kunin ang order ko.
After Twenty minutes dumating na ang mga orders ko - mas mabilis na serbisyo kaysa sa serbisyo nila sa iba - commoners - sarap maging CEO.
I smirked.
"Mr. CEO parang ang sarap naman ng mga 'yan!" sabi ni Cherry
Kinuha ko ang cellphone ko at headphones.
"Oo namam" sagot ko na parang ang kausap ay nasa telepono
"Akala ko 'di mo na 'ko papansinin" saad niya sabay tawa
"kumain ka na din"
"paa-" hindi niya natapos ang pagsasalita dahil biglang dumating ang waiter para ilapag ang isa ko pang order
"Orders complete sir?" tanong nito tumango naman ako bilang sagot at umalis na siya
"Kain na" saad ko at nakita kong masayang masaya siya
"Thank you Mr. CEO!" at isang ngiti nalang ang isinagot ko sakanya.Matapos kumain ay nagdesisyon na 'kong bumalik sa opisina.
Naglalakad kami ni Cherry nang may makasalubong kaming isang babae - mga early 50s ang hula ko - kaya pareho kaming napahinto ni Cherry at nilingon siya nagulat kami dahil nakalingon din siya saamin at napansin kong parang lumingon siya sa gawi ni Cherry.
Nakikita niya rin ba si Cherry?
Tinalikuran na namin siya at naglakad ng muli.
"Nakakatakot siya" sambit ni Cherry sabay lingon sakin. Mukhang nagaabang ng sagot.
"Oo nga eh. Sa'yo na patay 'di ako natakot pero sakanya na buhay medyo natakot ako" totoo naman kasi. Kitang kita ang itim na aurang pumapalibot sakanya.-----
(Third person's POV)
"Andito na po siya"
"papasukin mo na" at agad na pumasok sa kwarto ang isang babaeng may madilim na aura sa paligid nito.
"Ano pong maipaglilingkod ko sainyo?" tanong nito sa mag-asawang kanina pa nag aantay sakanya
"Kailangan naming makasigurong masaya na ang anak namin" panimula ng babae.
"At anong gusto niyong gawin ko?"
"Madam So, hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa alam mo naman na siguro kung bakit ka namin pinatawag hindi ba? Gusto naming magkaroon ng kasama ang aming anak." sagot ng babae habang ang kanyang asawa ay nakayakap lang sa kanya
"Makakasama? Walang problema. Maaari niyo ba 'kong kwentuhan ng tungkol sainyong anak?"-----
*Rixon's POV* (present)
"Mr. CEO, alam mo hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa utak ko 'yong babae kanina"
"Kalimutan mo na 'yon. Hindi ka naman niya nakikita eh" sagot ko.
BINABASA MO ANG
Sixth Sense
RomanceNaniniwala ka ba sa ika-anim na sintido/sense ng tao? Na sa loob ng 10 katao 2 hanggang 3 ang mayroon nito? Oo mahirap paniwalaan pero minsan ang hindi kapani-paniwala bagay pa ang magdadala saatin sa taong nakatadhana saatin. (Ji Chang Wook - P...