XI

84 7 2
                                    

Sixth Sense – XI


"Rixon!" sigaw ng isang babae na sa tingin ko ay nagmamadaling pumunta dito sa kwarto dahil sa lakas ng mga yapak niya.

Binuksan niya ang pinto

"Auntie"

"Rixon!" tawag niya sakin sabay lapit at naupo sa kama ko. Inalis ko ang kumot na nagtatakip sakin at naupo.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko

"Anong anong ginagawa? Sabi sakin ni Secretary Kim hindi ka daw sumasagot pinuntahan ka ng uncle mo sa office wala ka tapos malalaman ko may sakit ka pala" nagaalala niyang saad. 

"Okay lang ako" iritable kong sagot. Ang O.A. naman kasi eh.

"Anong okay lang? Ikaw talagang bata ka." napalingon ako sa may pintuan dahil nakita kong pumasok si Cherry at nagulat dahil andoon si Auntie – well sa tingin ko nagtataka siya kung sino ang babaeng 'to. Ngayon niya lang naman nakita si Auntie eh. "Sabi naman kasi sa'yo Rixon mag asawa ka na eh" biglang saad ni Auntie habang nililibot ang mga mata sa kwarto ko "Sa dami rami ng babaeng pinakikilala ko sa'yo ni isa wala ka laging nagugustuhan ganoon ka pihikan?"

"Ayoko pa nga hong mag asawa bata pa 'ko" at nagtalukbong na 'kong muli ng kumot

"bata pa? O dahil may gusto ka lang na iba? Mayaman, magaganda, edukado ang mga babaeng pinakikilala ko sa'yo lahat naman sila okay mapakasal sa'yo ikaw lang naman 'tong maarte't masyadong pihikan" napaupo ako at inalis ang talukbong

"Auntie, nasa 20s ko palang ako hindi ko pa kailangan magasawa masyadong maaga"

"Alam Rixon hindi naman kita minamadaling mag asawa ang akin lang oo nasa 20s ka na siguro naman oras na para makita mo na at makuha ang babaeng gusto mong pakasalan. Alam mo Rixon you can do whenever you want, whenever you're ready ang akin lang h'wag mo 'kong gayahin na too late na nakahanap ng pagmamahal" napakamot ulo ko sa mga sinasabi niya

"Auntie ang corny mo. Are you pertaining to Deputy Grey?" tanong ko

"I'm pertaining to me and your UNCLE Marcus Grey" talagang binigyang diin niya ang salitang uncle.

"I'm the CEO – the president okay lang na tawagin ko siyang Deputy Grey let's all be professionals" sa totoo lang ayoko talaga siyang tawaging uncle.

"Oo pero wala ka sa trabaho ngayon. Hindi talaga kayong magkasundong dalawa noh?"

"H'wag niyo ng alamin kung bakit. I just dislike him" at tinalikuran ko na si Auntie at bumalik sa pagkakahiga at nagtakip ng kumot. Narinig kong napabuntong hininga siya

"Alright Rixon magpahinga ka na. Maghahanap na muna 'ko ng mga babaeng match sa'yo. Umayos ka Rixon gusto ko pa makita ang mga apo ko sa'yo!" saad niya at naramdaman kong tumayo na siya at narinig ko ang pagsara ng pinto.

Desidido na talaga siyang magkagirlfriend ulit ako. Natawa nalang ako sa naisip ko. Kalokohan.


"Mr. CEO" nagalis ako ng talukbong at tinignan siyang nakatayo malapit sa pinto.

"Mmm?"

"Sino siya?"

"ah 'yon? Auntie ko siya nagbabantay sakin habang ang magaling na Chairman hindi ko alam kung nasaan eh" at tumawa ako. Ilang taon ko na rin pala siyang hindi nakikita ano? Tss...

"Aaaah. Narinig ko pinaguusapan niyo" saad niya sabay upo sa tabi ko

"Eavesdropper"

Sixth SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon