Chapter 20

389 28 25
                                    

UNEDITED

Zander

"Let's start from the back, shall we?"

Aba tangina talaga. Nag-sitinginan sa likod ang mga students. This is supposed to be my lucky day 😔

Si Lucci ang una. Tapos sunod ako. Anong unique introduction ang gagawin ko?

"Diba si Chanel yan?"

"Why is she here? I thought sa ibang department siya?"

"She looks kind of odd? Where's her expensive bags she used to carry and brag about?"

"Sshh. Ang ingay niyo."

"I'm Luccilene Dion, nice to meet you ho." Magalang na pagbati niya.

Akala ko pa naman may magandang banat si Lucci.

Tumaas naman ang kilay ni maam Hera.

"Celine? Uhh, can you sing?"

Hala hala hala. Magiging pageant na ba this? Akala ko ba law class to? We're supposed to be on debates, right?

"Hindi ho, athletic ho ako." Sagot naman ni Lucci.

"What kind of sports do you play, Ms. Dion?"

"Surfing ho. I can surf the web all night without burning my eyeballs." Confident na sabi ni Lucci. Kitang-kita sa mukha niya ang pride.

BAHAHAHAHAHAHA. Di ako makarelate. Kasi pagkatapos naming mag all nighters sa isang game, parang kinagat ng isang batalyong bubuyog ang mukha ko. Buti nalang marunong akong mag skin care.

"Next,"

Wait ako na pala ang next.

Medyo nawala ang kaba ko pagkatapos tumawa ni Ms. Hera. Pati ang tawa maganda.

Tumayo ako. Sweat started to form around my forehead. So what's the best thing to do in a situation like this?

Fake your confidence.

"Good morning everyone! Amethyst Lusine Lin here! I........can breakdance." Lupet.

Pinagtatawanan ka na ni Daisy malamang. Breakdance?! BAHAHAHAHAHAHA. Pinapahiya ko sarili ko. Sa harap pa talaga ni maam Hera maganda. Tanginang araw to.

"Ah weeeh? Mahaba pa naman ang araw. Sample nga." Sabi ni maam.

"Ay hindi po ako marunong sumayaw." Sabi ko.

"You just said you can breakdance."

"Yun nga po. Mababali ang mga buto ko kapag sumubok akong sumayaw."

Lunch. Kumakain kami ni Lucci sa cafeteria. Ang laki tapos maraming tao. Air-conditioned din. Kaya siguro mga mayayaman lang ang nakaka-afford.

I'm broke at the moment. Kailangan ko magtipid kasi kaming dalawa ni Daisy ang lumalamon. Hindi ko nga gets kung bakit pati siya lumalamon eh hindi naman siya totoong pusa.

"Aray!" Napasinghaw ako. Kinagat ba naman ako ni Daisy sa paa.

"Narinig ko yun! Totoong pusa ako! Mas special nga kasi nakakapagsalita ako." Rinig na rinig ko ang growling sa ilalim ng mesa. Ah, pusa nga siya.

In fairness, ang daming pagkain na pagpipilian. Kaso ang mahal, tangina. Pwede namang lumayas ako dito at kumain ng street foods pero sabi ni Lucci manlilibre daw siya.

Opo. Makapal po ang mukha ko. Hinding-hindi ako tatangi sa libre.

Hindi pa naman kami nag start mag lessons. Kumbaga meet and greet lang namin to.

Marami akong magagandang classmates tapos mga mukhang unggoy na mga lalake sa kabilang side ng bench.

Speaking of animals, meron pang isang hayop na gusto kong pigain.

"HAHAHAHAHAHAHAHA! ZANDER--AHAHAHAHAHAHAHAHA--buti di ka nag breakdance?"

Halos mamatay na sa kakatawa si Daisy sa tabi ko. Nagbago ang isip niya at hindi na nagalit sa akin. Umalis sa sa ilalim ng mesa para lumamon at pagtawanan ako. Walang hiyang pusa.

"AHAHAHAHAHAHA ba't ka nag nosebleed—wait pengeng noodles."

Ang liit-liit ng pusang to pero isang lamon niya lang ang isang malaking bowl ng udon na inorder ko. Nagbabasa kasi si Lucci sa harap ko kaya hindi niya napansin ang paglamon ni Daisy.

Sa sobrang gigil ko, nabali ko ang wooden chopsticks na hawak ko.

"Okay ka lang, Amy?" Sabi ni Lucci sa akin. Napatingin siya sa bowl ko. "Fast eater ka pala."

I can feel the blood rush on my head. I'm turning red in embarrassment. Sinamaan ko ng tingin si Daisy na tumatawa parin hanggang ngayon pagkatapos niyang kainin ang lunch ko.

"Zander......SHAKAHSJAHAJAHSA—AAAAAAAAAAAAAAAA!"

Pa sikreto kong hinablot si Daisy na lumilipad sa tabi ko at piniga nang mahigpit sa ilalim ng lamesa.

"Aray aray huhuhu...di na ako tatawa pramis!" Rinig kong sabi ni Daisy.

Bago ko siya bitawan, kinurot ko muna ang pisngi niya. Nakakagigil ka, Daisy.

"Hmmp! Ang sama mo talaga, Zander! Di na kita tutulungan!" Daisy whined.

Sigh.

Kinuha ko cellphone ko para mag search.

How long does a cat hold a grudge? Click.

"13 hours? That's way too long." Bulong ko sa sarili ko.

I know a much way more faster method to make Daisy love me again. 🤩

"May sinasabi ka?" Biglaang sabi uli ni Lucci.

"Ah wala. Ano, may ano.....lamok."

A second later, I can feel small soft punches hitting my cheek.

"I hate Zander. Ang sama ni Zander. Ang panget ni Zander."

Hay. Kung hindi lang talaga siya kyot.

'Fishball, mamaya. Tumahimik kana.' Sabi ko thru telepathy.

"YAAAAAAAAAY!"

Tapos naghikab si Daisy. "Inaantok na ako. Later, Zander." Tapos bumalik na siya sa system.

Walang hiyang pusa talaga. Lumabas lang para pagtawanan ako, lamunin ang lunch ko, at suntukin ang mukha ko.

"Anong next subject mo, Lucci?"

Magkaiba kasi kami ng schedule kahit parehas kami ng class.

"Idk. Criminal law ata. Ikaw?"

"Political science."

"I heard na sobrang strict ng prof diyan. Idk kung sino, pero baka mag start na yan mag lesson."

Aaaaargh. I hate super strict teachers. I hope I won't get in trouble.

MISSION UNLOCKED!

Gain the political science professor's favor.

Rewards:
• Additional information about targets
• one brick of gold

Goodluck!

MISSION UNLOCKED!

Meet at least one of the targets and have a good conversation!

Rewards: a chair

Goodluck!

I guess the pretty ladies were just a distraction of my unfortunate destiny. Two missions, really? Tanginang araw talaga.

Once He Became A GirlWhere stories live. Discover now