Chapter 21

75 5 4
                                    

Zander

Hinihingal akong dumating sa loob. Eh kasi naman, dadalawa lang ang elevator sa pol-sci building tapos puno pa halos. Ang laki laki nang school nato tapos hindi man lang maka-provide ng maraming elevators para naman sa comfort ng mga students.

Hindi ko rin naman gusto ipagsigsikan sarili ko duon. Bro, I don't wanna risk getting stuck inside the elevator because of overcapacity. Mas malalang scenario, baka may maamoy akong putok dahil sa sobrang sikip. Kadiri bro. A prestigious school doesn't mean prestigious hygiene. May mga mayayaman din namang mapanghe, both ugali at amoy. Tulad nalang ni Chanel.

So I decided to go for the second option. The stairs. Late na ako kaya halos tinakbo ko na paakyat sa sixth floor. Opo, sixth floor. Wondering kung bakit ako late? Naligaw ako kasi wala si Lucci para mag-guide sa akin kasi hindi kami parehas ng schedule.

Nauna na siya sa akin kaya naiwan akong mag-isa. Dumaan din kasi ako sa street food sa labas kasi nga inubos ni Daisy ang lunch ko. Nadistract ako sa tusok-tusok kaya hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Akala ko kaya kong mag-isa, turns out na inunder-estimate ko ang overall size ng school. Having no handbook with you doesn't help at all!

Sobrang tahimik ng classroom nung dumating ako. Yung tipong mahihiya ka nalang huminga kasi baka maka estorbo ka. Wala namang may pake sa akin. Not like sa class ni miss Ganda kanina, walang pake ang mga tao rito. Nakatutok lang sila sa mga MacBook nila or kaya nagsusulat. I wonder anong sinusulat nila? It's literally just the first day of school.

Tangina, parang Harvard lang. Napaka-trying hard ng mga students magmukhang matalino.

I awkwardly sat on the front seat kasi yun nalang ang available. I guess they purposely avoided this spot because their chances of getting asked a hard question by the professor is high.

Buti nalang wala pang teacher. Sabi pa naman nila, may saltik daw sa utak ang gurong to. Paano na ako magpapasikat niyan? Ayokong ma-fail ang mission na'to! Naiinis pa rin nga ako sa nangyari nung nakaraan!

A few minutes later, the front door opened and it revealed a middle-aged woman. She's wearing a gold pleated skirt and a black coat top. Dati ng tahimik pero tila ba mas tumahimik ang lugar nung dumating siya. Tanging aircon lang ang maririnig mo. The room is so cold pero pawis na pawis ang nuo ko dahil sa nerbyos.

"Good morning."

We paid our greetings and the classroom went back to silence again. Tiningnan ko siya ng maigi. Napakalakas at ang bigat ng aura niya. Everything about her screams terror. Patay talaga ang school life ko nito.

"I am Ms. Lyet Asuncion. Call me professor or prof. There is no need to introduce yourselves. I'll only know the people who will stand out."

Well, I was a doctor. I could handle pressure. Kaya Zander, wala lang to. Political science? Sus, easy.

"So! We can only discuss twice per week. We should not waste time. You should be prepared. I don't care if you guys are freshmen. Let's start our lesson."

-

"Does anyone knows about the conflict theory?"

I know that one. I diniscuss yan sa UCSP nuong senior high ako. I remember that one because I liked the professor of that subject. He was so easy to understand for a hard subject like that. I have photographic memory in my past life and I'm glad that it's still working today.

I inevitably raised my hand before anyone can do it. "Professor."

"Yes, Miss...?"

"I am Amethyst Lin. Good morning classmates! Conflict theory revolves around intentional thinking around how people understand conflict and how they can resolve it in constructive way. It's main proponents are Karl Marx, Max Webber, and George Simmel....." I stopped talking when the door suddenly opened, revealing a late student. Di ko muna pinansin kung sino siya at ibinalik ang focus ko sa pagsasalita.

"....According to Max Webber, conflict theory also means any scenario in which actors engage in conflict action against one another in order to achieve incompatible goals or to demonstrate antagonism."

'Zander ang galing mo! Akala ko bobo ka lang, may smart side ka pala!'

'Shut up Daisy. Mamamatay na ako dito.'

Feel na feel ko ang titig ng mga ka kaklase ko. Yung akala mo may ginawa kang mali dahil sa kanila. But they didn't matter anymore since I saw Professor Lyet smirk in satisfaction. That's how I know that I left quite an impression.

'Oi System! Yung reward ko? Hehehehe!'

"Well said, Ms. Lin."

MISSION ACCOMPLISHED!

Gain the political science professor's favor.

Rewards:
• Additional information about targets
• one brick of gold

Congratulations!

Akala ko ba hindi madaling i please si ma'am. Ha! So easy. May gold na ako.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Once He Became A GirlWhere stories live. Discover now