A/N: Sorry natagalan ang update. Nalunod kasi yung isda ko tapos nasagasaan yung dalawang kamay ko ng barko kaya paa ko ngayon ang ginagamit ko pang-type. Patawarin.
ZANDER
"Zander, wait! Sandali!"
Hingal na sabi ni Daisy."Ang slow mo Daisy!" Tukso ko sa kanya habang tumatakbo.
If you are wondering kung nasaan kami ngayon, well nasa bubong kami ng mga bahay at tumatakbo. Wala akong pakealam kung minumura na kami ng mga may-ari ng bahay dahil sa ingay. Gusto sana ni Daisy na sa daan lang kami tatakbo pero ayaw ko eh. Mas nakaka-aliw kapag sa bubong ka tatakbo. Nakalayo na kami sa mansion at nasa siyudad na kami.
Akalain mo, ang bilis naming nakarating dito? Kahit na mahina ang katawan ni Amy dahil hindi man lang siya pinapasikatan ng araw, mabuti nalang at may lakas parin naman siya para gumawa ng maliit na parkour. Ito siguro ang resulta ng may ability na matulog ng tatlong araw straight.
"Daisy! Show me our location!" sigaw ko habang patuloy pa rin sa pagtakbo.
"Huhu. Dearest guest, wait lang. Madededs ako nito."
Tumigil ako sa pagtakbo at walang pakialam na tiningnan siya. Lumapit naman siya sa akin na humihingal. Mahina niya akong sinuntok. "Bakit ba ayaw mong mag-teleport? Hindi pa nga sure kong makukuha mo ang award na yun. Just give up already! Pinapagod mo pa ang sarili mo."
"Eh sa ayaw ko. Tumahimik ka na nga lang. Kung ayaw mo sumama edi wag. Bahala ka diyan." sabi ko sabay talon pababa sa lupa. Mabuti nalang at walang nakapansin dahil smooth ang landing ko.
"Zander waiiit! Sama na ako!" Sigaw ni Daisy habang lumalapit sa akin.
"Payag kadin naman pala. Sige sabihin mo na kung nasaan tayo."
Sa nakikita ko, nasa sidewalk kami. Busy lahat ng mga tao sa kanikanilang mga problema. Mainit. Grabe ang trapik at ang baho ng polusyon. Typical Philippines.
"Bigay ko nalang sayo ang hologram. Ikaw na ang umalam." sabi ni Daisy kasabay nuon ang paglitaw ng isang hologram sa harap ko.
It says here na nasa Siglo Street kami, a few blocks away from Wen Bartender-ah ewan basta yung school. Sakto namang kumalam ang tiyan ko. Lintik, wala pala akong kain kanina dahil sa bwisit na Stella na iyon. May nakita akong fishball at kwek-kwekan sa tapat ng kalsada. "Halika Daisy, lakad tayo sa tapat."
WARNING! WARNING!
Second target is nearby!
You must meet the target to receive his information.
May lumitaw na pulang hologram sa harap ko na ikinagulat ko. A target is nearby? Ang bilis naman yata. Kame-meet ko lang ng first target kagabi, ngayon ulit? Tadhana naman, kung nasaan ka man ngayon, suntok you want?
"Zander, nasa malapit lang ang target." sabi ni Daisy.
Nasa hologram na nga inulit pa niya. Ano ako, tanga. Hindi nagiisip ang pusang gala.
Pagka-stop light ay tumawid kami ni Daisy. Pinagtitinginan kami-or should we say, ako, ng mga tao. Hindi ko nalang sila pinansin. Instead, lumingon ako sa kaliwa't kanan. Hinahanap ko ang possible target. Wala pa namang lumilitaw na hologram kaya ibig sabihin hindi ko pa siya name-meet.
Anyways, move on. Kung mameet ko siya ngayon o hindi, whatever. Mas importante ang makakain at makapagtake ng exam at mag enroll para ma-receive na ang mga kumikinang kong awards.