CHAPTER 1

783 37 0
                                    

Pagkalabas ko sa office ni dad ay napahilot nalang ako sa sintido ko , bat ganon si dad puro kompanya ang iniisip niya how about me, his only son na lagi niyang ginagamit para makuha ang mga gusto niya.

Naglakad na ako papalayo sa impyernong office na iyon at lumabas ng company building para makasagap naman ako ng sariwang hangin.

Pero paglabas ko ay namataan ko Ang isang itim na kotse na huminto sa harap ng kompanya at iniluwa nito Ang isang lalaki Kaya Naman Bahagya akong napahinto at pinagmasdan ito, tila ba may kakaiba sa kanya parang antagal ko na siyang kilala Mula sa tikas nito na pamilyar saakin.

Agad naman dumapo ang mga mata ko sa mukha ng isang lalaki at literal na laglag ang panga ko dahil sa kagwapuhan nito na kayang makipagsabayan sa mga Greek god sa Greek mythology.

Mula sa mga makapal nitong kilay , mahahabang pilikmata, kulay tsokolateng mga mata , matangos na ilong at ang labi nito na manipis at may natural na pula.

Pero bigla akong nataranta ng magbaling siya ng tingin sakin . At hinde ito nakontento at dahan dahan itong naglakad sa gawi ko pero mabilis akong napatakbo dahil sa hiyang naramdaman

Hinde ko na siya pinansin pa Dumeretsyo ako sa paborito kong cafe ,

Pagpasok ko sa loob ay agad kong inukopa ang paborito kong upuan at umorder ng isang tasang cappuccino.

Maya maya pa ay dumating na ang order ko kasabay naman neto ang pagbukas ng pinto at inuluwa ang lalaki nakita ko sa labas ng company building kanina.

Mukhang sinundan niya talaga ako agad kong kinuha ang isang magazine sa tabi ko at umaktong nag babasa para matakpan ang mukha ko.

Pinalipas ko pa ang ilang minuto at dahan dahang sumilip para tignan kung naka alis na ba ang lalaki

Pero napaigtad ako ng bumungad ang mukha niya at preskong nakatitig saakin

" tataguan mo nalang ba ako wifey?" sambit neto na ikinakunot ng noo ko

"After mo pagnasaan ang katawan ko kanina gamit ang mga mata mo tatakbuhan mo nalang ako , you can touch it , taste it or you can own all of these" dagdag neto gamit ang malambing na boses na may halong pang aasar

" Wifey? Close ba tayo , and what the hell, pagnasaan yang katawan mo , hinde kaya ikaw ang tipo ko"pagtatangi ko at tinapunan ng matatalim na tingin

" Sure ka ba sa mga sinasabi mo wifey , bat talo mo pa ang kamatis sa pamumula ng mukha mo "nakakaasar na sambit nito at inagaw ang magazine na hawak hawak ko

Agad naman akong umiwas ng tingin at nahagip ko ang repleksyon ko sa maliit na salaming nakasabit sa gilid ng counter at tama ito pulang pula nga ako

" Naiinitan kase ako kaya namula ako plus tumakbo kanina ," palusot ko at nag baba ng tingin

" You said tumakbo ka kanina right?, so it means kung kanina pa hinde magiging ganyan ka pula ang mukha mo wifey unless kinikilig ka sa akin" preskong sambit nito na siyang ikinairita ko lalo

" Mr. Wala kang pake kung namumula ako tsaka ano sinabi mo kinikilig? Kinikilig your ass" sambit ko at agad na tumayo sa kinauupuan ko

Pero bago pa man ako makalayo hinila niya ako pabalik at pinaupo muli sa pwesto ko

" Hinde mo pa nga naiinom yung cappuccino wifey aalis kana ,wag ka ngang mag sayang ang mahal pa naman niyan" saad nito at inilapit ang tasa sa harapan ko

" Mr , stop calling me wifey because I'm not your wife and I'm a man not a woman to call me a wife , at Kung nanghihinayang ka sa kape ikaw na ang uminom" mataray na sambit ko at tumayong muli, pero sa pagkakataong ito tumayo rin siya at hinapit Ang bewang ko

" Iinomin mo o hahalikan kita?" Pagbabanta niya saakin dahilan para matahimik ako.

" Anong bang problema mo , kung umasta ka akala mo kung sino ka!" Sigaw ko rito dahil nasasagad na ng mokong na ito ang pasensya ko.
Inialis ko ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko pero nabigo ako dahil mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak dito ,na naging dahilan para maramdaman ko ang mga nakaumbok at kanyang mga biyak sa tyan

" Hinde ako kung sino sino lang I'm your husband, remember you sign an agreement" sambit nito at iniabot ng kasama niya Ang isang papeles

" Anong agreement at wala akong pinipirmahan na ganyan" singhal ko sa kanya

" Well anong tawag rito!" Sambit neto at itinuro ang pirma ko at doon ko naalala na may pinapirma si dad sakin kanina.
I think eto yung sinasabi ni dad na plano niya at naisahan niya ako ng walang ka hirap hirap
" Nilalaman ng papeles na ito na nag agree ka sa kasunduan na maging asawa ko legally" sambit niya at gumuhit ang mapaglarong mga ngisi

" And as your husband , inuutusan kitang bumalik sa upuan mo at inumin ang kapeng binili mo" ma awtoridad na dugtong nito sabay bitaw sa bewang ko

Ng bitawan niya ako ay agad kong kinuha ang pagkakataon na yun para takbuhan siya pero agad akong hinarangan ng dalawang lalaki .

Agad na lumapit ang lalaki at hinawakan ang batok ko sabay sungab ng halik dahilan para matuod ako sa aking kinatatayuan

" Binalaan na Kita kanina wifey sadyang binalewala mo lang talaga , btw I'm Bein Aultmore Beckett your fucking husband!" Sambit nito at siya na ang uminom ng kape sa table ko.

DANGEROUS LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon