CHAPTER 29

392 13 6
                                    


Bein Pov

Muli kong binalik si Andrius sa hospital dahil sa biglaan nitong pag collapse sa tabi ko

" Bat kayo napabalik?" Tanong ng kaibigan konb doctor na nagsagawa ng test kay andrius

Pero di ko na ito nagawang sagutin pa dahil tumulong nako sa mga nurse sa pagtulak sa stretcher papuntang E. R

" Sir hanggang dyan nalang po kayo" pagpigil sakin ng isang nurse kaya naman wala na akong nagawa pa napaupo nalang sa sahig.

Nilulukob ako ng labis na takot dahil sa kalagayan ni andrius ngayon.

Kanina lang ay ang ayos nito at sabay kaming nanood ng sunset pero bakit umabot sa ganto.

Parang napaka biglaan naman ata lahat ng nangyare

Maging ang mga nalagas na buhok ni Andrius ay nanatili sa mga kamay ko na nagpatindi sa pangamba nararamdaman ko ngayon.

Wala akong ibang ginawa kundi ipagdasal ang mahal ko na maayos ang kalagayan nito

Makalipas ang isa't kalahating oras ay agad akong napatayo ng biglaang bumukas ang pinto at niluwa nito ang doctor

" Kamag anak ka ba ng pasyente?" Tanong nito saakin

" Ako ang asawa niya " garalgal na sagot ko dito , bahagya pa itong natahimik sa sagot ko dahil hinde makapaniwala sa naging tugon ko

" Kung ganoon dederetchohin ko na kayo , hinde na maganda ang lagay ng asawa niyo" sambit nito kaya naman dahan dahan nanghina ang mga tuhod ko

" Ano po bang sakit niya?" Tanong ko rito, may parte sakin na ayoko marinig natatakot ako sa mga pwedeng sabihin ng doctor

" Kabibigay lang ng result kanina ng asawa niyo and he was diagnosed stage 4 colon cancer" sambit nito dahilan para tuluyang bumagsak ang mga luhang kanina pa nag babadya

" Doc maaagapan pa naman yun diba? madaan pa natin sa gamot i will pay you doc, name your price siguraduhin niyo lang gagaling ang asawa ko" sambit ko rito

" Sir. May mga paraan pa tulad ng chemo pero hinde nito masisigurado ang 100% kaligtasan ng asawa niyo" sambit nito at tinapik tapik ang balikat ko

" Pero may chance naman diba doc" parang batang usal ko rito pero isang ngiti lang ang sinagot niya sakin.

Pagdala kay andrius sa recovery room ay agad ko itong sinundan at bumungad sakin ang mala anghel nitong mukha habang natutulog.

Dahan dahan ko itong nilapitan sabay haplos sa kanyang kamay

"Wifey pangako gagawin ko ang lahat para gumaling ka ha , kaya kapit ka lang" bulong ko rito at hinalikan ang kanyang noo.

" Bein" rinig ko bulong nito kaya naman agad ko itong hinarap

" May masakit ba sayo?, Nauuhaw ka ba?, " Aligagang tanong ko pero umiling iling lang ito

" Ano raw sakit ko?" Tanong nito na nagpahinto sakin hinde ko alam kung sasabihin ko na ba sa kanya baka kase lalo itong makasama sa kalagayan niya

" Wifey pagaling ka lang  muna wala ka ng ibang iisipin pa basta yang pag papagaling mo lanb" sambit ko rito dahil yun ang alam kong pinaka mainam na isagot sa kanya

" Bein bakit ganito kanina ang ayos ayos ko lang pero bigla nalang akong nanghina , hinde ko tuloy natapos mapanood yung sunset" sambit niya na para bang bata kaya naman muling uminit ang gilid ng mata ko

" Hayaan mo pag magaling ka na pupunta tayong beach mas maganda ang view ng sunset dun" sambit ko rito at pinipigilan tumulo ang luha dahil hinde ko kayang makita ang ganitong kalagayan ni andrius

"Pangako yan ha" sambit nito

Kaya namn agad kong itinaas ang pinky finger ko

" Pangako" pangungumpirma ko at pinagsiklop ang aming pinky finger.
.
.
.
.
.
.
.
.

     Pagkalipas ng isang taon ay tinupad ko kay Andrius ang aking pangako na pupunta kami sa beach at sabay manood ng sunset

" Wifey ang ganda diba?" Turo ko sa papalubog na araw pero kasabay nito ang pagtulo ng aking mga luha

"Diba eto yung gusto mo , siguro naman ngayon matatapos mo ng maayos ang panonood sa sunset"bulong ko at kinuha ko ang jar sa tabi ko nag naglalaman ng abo ni Andrius

" Natupad ko na ang pangako ko na dadalhin kita sa beach" paulit ulit na sambit ko at tuloy tuloy na ang pag agos ng luha saking mga mata

" Pero nabigo ako sa pangako na magsasama tayo habang buhay at sabay na lalaban" paos na sambit ko habang isinasabog ang abo ng aking asawa sa dagat

Kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagsaboy ko sa abo ng taong mahal ko sa kulay asul na dagat .

"Ikaw parin ang mamahalin ko kahit na susunod pang buhay"


—Flashback—

Mag wawalong buwan na si Andrius sa hospital , dahil bawat oras na lumilipas mas nagiging critical at maselan ang kalagayan niya

" Sa paglubog ng araw ay siyang paglitaw ng buwan ,,, buwan na magbibigay liwanag sa madilim na kalangitan" makahulugang sambit nito

"Bein gusto ko sa madidilim na araw na wala na ako humanap ka ng buwan na magbibigay liwanag sa madilim mong mundo habang ako ay magsisilbing bituin , magbibigay din ako ng liwanag pero bilang suporta na lamang sa inyo dalawa ng taong muli mong mamahalin" nanghihinang sambit nito habang hawak hawak ang magkabilaang kamay ko

"Andrius ano ba , wag ka nga magsalita ng ganyan gagaling ka pa walang iwanan toh" sambit ko pero parang wala lang sa kanya

" Bein hinde na kaya ng katawan ko ano mang oras bibigay na ako , kaya wag mo akong biguin humanap ka ng papalit sakin kapag nawala ako deserve mong maging masaya" sambit niya kaya naman napaiyak nalang ako para bang sabay sabay na tumarak ang libo libong kutsilyo sa puso ko

Dahan dahan kong hinipo ang noo nito at pinunasan ang luhang kumawala na rin sa kanyang mga mata

" Mahal na mahal kita bein" sambit niya at nagpakawala ng matamis na ngiti

" Mahal na mahal din kita andrius" tugon ko rito , at dahan dahan bumagsak ang mga mata niya kasabay ang pagtigil ng kanyang paghinga.

Time of death 7;30 AM

DANGEROUS LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon