Pagbalik namin sa bahay ay naabutan namin si dad na prenteng nakaupo sa sala
" Son, hinde mo na matatakbuhan pa si Bein asawa mo na siya and be matured enough gawin mo ang responsibilidad mo sa kanya" sambit ni dad at seryosong nakatingin sakin
" Ok fine , lahat naman ng mga tao napapasunod niyo" sakastiko kunong sambit ko dahil kailangan kong magpanggap at walang anumang nalaman
" Kaya napagdesisyunan ko na ngayon mismo aalis tayo" sabat ni Bein at ngumisi sa harap ko
" What!!! bat napaka aga ata " akting ko na halatang kumbinsido si dad
" Wag ng pumalag pa mag sasayang ka lang ng lakas mo at wag mo ng intindihin ang mga gamit na dadalhin mo dahila naipahanda ko na ang mga ito kaya tara na" sambit muli ni Bein at hinila ako palabas ng bahay.Sa labas ng bahay ay sinalubong kami ng isang itim na Lamborghini at sa hula ko ay pagmamay ari ito ni Bein
agad niya naman binuksan ang pinto hudyat para sumakay ako rito.
Ng makasakay ay nagpakawala nako ng malalim na buntong hininga dahil ngayon ko palang naramdam ang pagkawala ng matinding tension sa loob ng bahay
Ng makasakay na si Bein ay agad niyang binuhay ang makina at mabilis na pinaharurot ang sasakyan
" Nice acting wifey pang Oscar " puna nito na at pinukulan niya ako ng isang ngiti
" Tigilan moko sa mga ngiti mo , now tell me ano ang nangyare bakit ka bigla nawala?" Tanong ko rito
Kaya naman agad nagbago ang awra niya at sumeryoso ang mukha." Mag promise ka na pag nasa bahay na tayo , ayoko ng pag usapan natin ang tungkol sa mga sasabihin ko sayo ngayon ,ayokong may negative vibes ang pumapaligid saatin" seryosong sambit niya habang nakatuon ang pansin sa daan
"Ok fine nangangako ako" agarang tugon ko dahil sabik na sabik na akong malaman ang tunay na nangyare sa likod ng pagkawala niya ng matagal na panahon.
" Noong Gabi ng anniversary natin , susunduin sana kita kaso sa may gate palang hinarang na ako ng mga tauhan ng dad mo at dinala sa isang abandonadong building, walang awa akong pinabugbog ng dad mo dahil hinde niya matanggap ang estado ko sa buhay" panguumpisa ni Bein at tumakas ang butil ng luha sa kanyang mga mata.
>>> FLASHBACK<<<
BEIN POV
" Tito!!!" Tawag ko sa kanya pero hampas ng baseball bat ang ibinalik niya sakin
" Wag mokong tatawagin Tito dahil hinde ka naging parte ng pamilya namin" sambit ng tatay ni Andrius at muli akong hinampas ng baseball bat sa likod
" Tito ,tiyak na kamumuhian ka ni Andrius kapag nalaman niya ang ginawa mo" pakiusap ko rito nagbabakasakaling titigilan nia na ako
" Sa tingin mo may malalaman pa ang anak ko sa mga gagawin ko sayo" sambit nito at inilabas ang baril at itinutok sakin
" Kailan man hinde kayo bagay ng anak ko
Lupa ka langit ang anak ko, kaya iho bumawi ka nalang sa susunod mong buhay" huling sambit nito at kinalabit ang gatilyo ng baril.
Ramdam ko ang pagtagos ng bala saking dibdib kasabay nito ang sakit na lumamon saking buong sistema
Ilang Segundo lang ay tuluyan nakong nilamon ng dilim."
>>>End of flashback<<<
Andrius POV
"Paano ka nakaligtas sa kamatayan ?" Muling tanong ko rito at pinunasan ang kumawalang luha sa kanyang mga mata
" Nung araw na itapon nila ang katawan ko sa talahib ay nakita ako ng isang negosyante si Mrs Beckett at agad akong sunugod sa hospital , at Mula ng araw na isinugod niya ako sa hospital ay tinuring niya na akong tunay na anak dahil biyuda na ito at walang asawa.
Lumipas ang ilang taon dinapuan ng malubhang sakit si Mrs Beckett na kanyang ikinamatay at lahat ng ari arian niya ay pinamana niya sakin" kuwento nito.
" Hinde ko mapapatawad si dad sa ginawa niya sayo!' galit na asik ko
" Pinaniwala ako ni dad na iniwan moko dahil may naibigan kang mayaman na babae at doon mo naisipan sumama, pero hinde ako naniwala sa storya ni dad dahil alam kung hinde mo magagawa sakin ang bagay na iyon" pagkukuwento ko naman rito
At sa pagkakataong ito ay ramdam ko ang galit niya dahil sa pag igting ng mga panga niya.
" Bubuo nalang tayo ng sarileng pamilya natin na malayo sa kanya " suhestyion ko rito pero agad naman itong napa iling.
" Pero hinde tayo tatantanan ng dad mo hanggat hinde niya nakukuha ang gusto niya maya hayaan mo muna akong makipaglaro sa hinain niyang madumi laro" sambit nito at inihinto ang sasakyan sa isang malaking mansyon.
"Uulitin ko paglabas ng sasakyan na ito wala na akong gustong marinig pa sa isyu tungkol rito at alalahanin mo nangako ka kanina tiwala rin ako na may isang salita ang isang Andrius Louis Furrer Beckett"mahabang lintayan nito na ikinanganga ko
" Ok fine" tanging tugon ko
" Puro ka ok fine , remember may punishment ka kase pinagod moko sa takbo kanina" pahabol na sambit niya at lumabas ng sasakyan
" Kalimutan mo na ang bagay na yun!" Mariing sambit ko
" Hinde ako marunong kumalimot " pagpapaalala nito habang iginagayak ako sa maaliwalas na entrada ng bahay
" Talaga lang huh?" Sarkastikong sambit ko
" Gusto mo ba patunayan ko March 20 , 2019 , 6:48 PM diba ikaw unang humalik saatin noon" sambit niya kay naman agad na namula ang pisngi ko
" Ah talaga ba , wala akong natatandaan" palusot ko at nag iwas ng tingin
" Cge ipapa alala ko, diba dito moko hinalikan noon" sambit niya at pinatakan ako ng halik sa labi sabay takbo ng mabilis sa loob ng bahay
" KIEL BUENAVENTURA!!!!!!" MALAKAS NA SIGAW KO SA TUNAY NIYANG NGALAN BAGO PA MAN ITO MAGING BEIN AULTMORE BECKETT
BINABASA MO ANG
DANGEROUS LOVE
FanfictionAng pagiibigang matatag na lalaban kahit na sa pinaka delikadong paraan