CHAPTER 16

177 10 2
                                    

  Pagkatapos mong kumain ng breakfast ay inilapag ko sa side table ang food tray.

Gustohin ko man bumaba pero ayaw makisama ng pang upo ko dahil nakirot parin ito  hihintayin ko nalang talaga ang araw na masasanay ako sa laki ng taguro ni Bein.

Akmang hihiga ulit ako ng bumukas ang pinto at niluwa nito ang asawa ko, tulad ng inaasahan ko busaktong parin ang mukha niya na humarap sakin

" Take this medicine" malamig na tugon niya sabay abot ng gamot sa akin at isang baso ng tubig.

Sinuri ko ang kabuang mukha nito at walang pagbabago , pikunin talaga ang mokong na ito .

Agad kong kinuha ang gamot at ininom din kaagad

" Bein about kanina...." Hinde na natapos ang sasabihin ko ng bigla itong umalis dala dala ang mga pinagkainan ko

Talagang mahihirapan ako sa lalaking toh

Hinde ko na ininda pa ang sakit na aking nararamdaman at pinilit ang sarile para makatayo .

Dahan dahan akong humakbang palabas ng kwarto hanggang sa makarating ako sa hagdan.

Mula sa aking kinaroroonan ay natanaw  ko si Bein na nakaupo sa sofa na seryosong nakikinig sa kausap sa  telepono.

Dahan dahan kong hinakbang ang mga paa ko pababa hanggang marating ko ang sala

Jusmiyo ang hirap gumalaw ng ganito ang kalagayan ko

" Bakit ka pa bumaba diba masakit ang  pakiramdam at pang upo mo" sambit nito at inalalayan ako hanggang makaupo sa sofa.

Kahit nagtatampo ito the way he care for me hinde na mawawala

" Hmm hinde na gaanong masakit ,,,nakainom nman na ako ng gamot kanina" pagpapalusot ko kahit na sa loob ko ay todo parin ang kirot

" and I can also endure the pain just talk to you hubby" malambing na tugon ko rito baka sakaling makalusot na

Bakas sa mukha niya ang pagpipigil ng ngiti at tila malapit ng bumigay saakin.

" Hmm anong pag uusapan natin?" Tanong niya na may bahid parin ng lungkot

" Yung kanina , totoo naman manyak ka eh"  deretchang sambit ko rito kaya naman lalong kumunot ang noo nito

Akmang tatayo muli ito ng hinila ko ang mga kamay niya

" Yan problema sayo eh hinde moko pinapatapos!" Tugon ko at isinagad ang buong lakas upang mapabalik sa pagkakaupo si Bein

Ng matagumpay ko siyang maiupo sa sofa ay mabilis ko siyang dinagan.

" Makinig ka sakin hubby, given na yung manyak ka , pero behind of pagiging manyak sobrang caring mong asawa saakin , sweet, mabait minsan may saltik" sambit ko at napatawa nalang sa mga pinagsasabi ko.

Maging siya ay hinde narin napigilan na magpakawala ng mamatamis na ngiti

" Pero eto na seryoso na talaga ako hubby ikaw yung taong pinaka matapang at matatag na nakilala ko." Sambit ko

" Pano mo naman nasabi?" Tanong niya at itinuon ang buong pansin sakin

" Syempre may bibig ako malamang" pilyong tugon ko kaya nakatanggap ako ng kaltok rito.

"Bumalik kana roon, tsaka mo na ako kausapin pag natigil na yang kapilyuhan mo" asik nito

" Seryoso mo naman kase masyado eh pinapa gaan ko lang yung atmosphere" tugon ko rito

" Ngayon tatanungin kita ulit paano mo nasabi na matapang at matatag ako? " Muling tanong niya saakin

" Ganto kase yun pinapatay kana lahat lahat ng dahil sakin , pero eto ka parin sa harapan ko at pilit akong ipinaglalaban" sambit ko at tinitigan siya sa mata.

" Kahit gaano kadaming balang tumama sa aking katawan, hinde pwedeng ako'y bumagsak nalang. Dahil hanggat hinde ko nasisiguro ang iyong kaligtasan , pilit akong tatayo at ika'y poprotektahan. Dahil sa oras ng panganib, wlang sino man ang pwedeng manakit, sa aking pinakakamamahal na nilalang" mahabang sambit nito sabay halik sa noo ko

" Daig mo pa ang makata o aking irog" pambibiro ko na siyang ikinagiti  niya

" Seryoso ko eh hahaluan mo nanaman ng kalokohan" sambit nito na may halong ngisi

" Atleast kalokohan hinahalo ko Hinde ka manyakan" Turan ko pero imbes na mainis siya sakin ay yinakap  niya ako ng napaka higpit at pinaulanan ng halik sa mukha.

" Ano ba Bein pasimple ka lang chumachansing sakin , tactic lang yung tampo epek mo" pang aakusa ko rito pero di niya na ako pinakinggan pa at tinuloy lamang ang pagyakap sakin

" Kung maka reklamo ka dyan wagas pero gustong gusto mo naman " tugon nito  kaya naman napairap nalang ako

" Balik kana roon sa kwarto wag mo nalang akong kausapin ulit" saad niya na ikinamulagat ko

" Ay hinde sige yakapin mo pa ako ayos lang " sarkastikong sambit ko

Sabay naman kaming nagtawanan ni Bein sa kung anong kalokohan ang lumalabas sa aming mga bibig.

Bein POV.

      Pansamantala kong iniwan si Andrius sa may sofa sa kadahilanang linisin ko pa ang naiwang kalat ko kanina sa kusina.

Habang tinipon ko ang ilang mga kagamitan ay nakarinig ako ng pagkabasag mula sa sala kaya naman dali dali akong lumabas sa kusina at chineck si Andrius

Pero laking gulat ko ng makita ang dalawang lalaki na bitbit si Andrius  habang ang isa naman ay tinurukan  ng kung ano mang kemikal si Andrius dahilan para mawalan ito ng malay at bumagsak sa sahig.

" Sino kayo paano niyo kami natunton!" Sigaw ko sa mga ito

Pero di nila ako pinakinggan at tinuloy nila ang pag tangay sa asawa ko na ngayon ay wala ng malay

Mabilis akong kumilos para bawiin ang asawa ko ng bigla ko maramdaman ang malakas na panghambalos sa aking  batok kung kayat bumagsak ako sahig.

Pero diko na pinag aksayahan pa ng panahon para i inda ang sakit, pinilit kong tumayong muli pero muli ko rin naramdaman ang panibagong paghampas sa aking ulo , mas malakas iti kumpara sa naunang hampas saakin.

" Mr. Beckett pag gising mo sakin kana "  sambit ng pamilyar na boses bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay

DANGEROUS LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon