[Shadace's POV]
March 01
"Huy, Shadace!" I stopped walking when Vane called me. "Pumirmi ka nga! Kung hindi ka nahihilo pwes ako! Ako ang nahihilo sa 'yo!" Napahinga ako ng malalim, gusto ko mang tarayan siya, mas lamang ang nararamdaman kong kaba!
Where the heck is he?!
Umupo ako sa upuan na nasa tabi ni Vane at saka ako napasapo ako ng noo. Would I be able to sing without the sight of him? Kakayanin ko bang humarap sa napakaraming tao do'n?
I know I said that I would prepare myself if ever he wouldn't be able to come but right now? — I bit my lip — I don't freaking know what to do!
Parang gusto ko na lang mag-back-out.
"Sha, pupunta si Cai, okay? Alam mo naman 'yon, he's a man of his word," pag-aalo sa 'kin ni Vaneiza. My head turned to her with a scowl on my face.
"Man of his word? E'di dapat m-in-essage niya rin ako na hindi siya makakapunta!" Hindi ko na napigilan pa ang sariling hindi sabihin ang mga 'yon.
I told him yesterday that if he could not make it, he could just message me. Ayos lang sa 'kin lalo na kung may importante naman siyang dapat gawin sa oras na 'yon. Naiintindihan ko and it is totally okay for me. Ang gusto ko lang ay ipaalam niya sana iyon sa 'kin. Pero ano? Where is his message right now? Tinadtad ko na siya ng chats and he's still not replying!
"Vane..." tawag ko sa kaibigan gamit ang malungkot na tono. My shoulders were also dropped.
"Hm?" She looked at me through the mirror in front of her. Currently kasi, the stylist is styling her hair. Because after our contest ay pageant naman nila.
"Tingin mo ba ay pupunta kaya talaga siya? 30 minutes na lang..." I looked at the clock inside the room. Its long arrow is already passed the number seven. Sa paglipas ng oras ay ang lalong pagkabog naman ng dibdib ko.
Bakit nga ba din ako pumayag? I could've declined the first place but what's gotten into me?
Katapangan...
Katapangang hindi ko alam kung saan ko ba napulot.
Vaneiza took my hand and held them tightly. "Oo, Sha. He will come, trust me. Lalo na siya. Ramdam ko, pupunta talaga 'yon," she assured me and gave me a smile.
Pero nanatili pa rin ang kaba ko. Ano ba kasing nagyari doon?
Bahagya akong napasimangot. Sayang naman... I dedicated the song I will sing pa naman to him tapos hindi naman pala niya maririnig.
After a while, pinatawag na kaming mga contestants sa backstage so I went there. Sasamahan pa nga niya sana ako but I declined. Alam kong mag-p-practice pa sila ni Genzino. Hindi man niya pinapahalata pero alam kong gusto niyang manalo.
Umupo kami sa loob ng isang room malapit doon nang matapos sabihin kung ano ang pagkakasunod-sunod namin at ang flow. Panghuli ako — they based it on the ranks or number of sections at paatras iyon.
Imbes na makahinga ng maluwag, I felt more pressure! Mas gusto ko pa ngang nasa may bandang una kaysa ang mahuli eh. Tsk. Ano pa bang magagawa ko? Pabayaan na lang.
Just think positive, Shadace! Ika nga nila, save the best for last...
Best?
Cai's not even here so how could I perform the best?!
God. This is clearly not helping.
Huminga ako ng malalim at inalis ang kung ano-ano mang naiisip ko. Overthinking will not help me in anything right now. So, I just roamed my eyes around the room. As usual, they are all talking to each other — except me. I slightly pouted. How can they casually talk when the contest is nearing?
BINABASA MO ANG
Memoriae of Forgone Hearts
General Fictionhamartia vida series one. semi-epistolary | ongoing. 𝘠𝘰𝘶'𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘭𝘪𝘨𝘩𝘵 𝘮𝘺 𝘥𝘢𝘳𝘬𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘰𝘯𝘤𝘦 𝘦𝘮𝘣𝘳𝘢𝘤𝘦𝘥. 𝘉𝘶𝘵 𝘪𝘵'𝘴 𝘢𝘭𝘭 𝘧𝘰𝘳𝘨𝘰𝘯𝘦 𝘯𝘰𝘸, 𝘵𝘰𝘨𝘦𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘦𝘮𝘰𝘳𝘪𝘦𝘴 𝘰𝘶𝘳 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵 𝘰𝘯...