010

75 9 17
                                    

[Shadace's POV]

February 22

"Wala ba tayong nakalimutan?" I asked Vane, she looked at the list she was holding and read the long — very long — list. After a while, she then shook her head at me.

"Wala na, Sha."

"Okay." I nodded at her and turned my head to our driver, "Kuya, sa school na po," na siya namang tinangunan din ng huli.

Nasa may sasakyan na kami at nakaupo na, kakatapos lang namin ipaglalagay ang mga binili sa likod ng sasakyan. At hindi ko talaga naisip na magtatagal kami sa pamimili dito!

Nagpaikot-ikot talaga kami sa bilihan para hanapin ang mga ipinapabili nila. I expected the list they've given na sama-sama na para in that way, mabilis kaming makapamili. But to my disappointment, it was not. I was aware na madami ngang ipapabili but I didn't know it was this much!

I don't even know if some of these is really necessary. There were so many random things! May ilan pa nga do'n na panggamit sa personal, such as a comb!

And them doing this just for what? To make us tired? Para pahirapan ba?

Ang immatures naman.

Alam ko namang mali na pag-isipan ko agad sila ng masama. Pero sila din naman ang may dahilan kung bakit ganito na lang ako mag-isip tungkol sa kanila eh. Their actions obviously tell me they hate me. Hindi ako tanga para hindi mapansin ang mga 'yon. Lalong-lalo na ang mga kaklase kong class officers.

Them whispering with their friends and then staring at me? Them ignoring me when I am asking genuinely? Them having the audacity to roll their eyes on me? Doon talaga ako hindi makakapayag because, just who do they think they are?

Kaya pasimple ko ring iniirapan sila kapag nagkakataon. At hindi nila ako katulad na pinapahalata pa iyon.

At isa pa. Their voice? It was always with a hint of annoyance, even if they are the ones who needed something from me! Sa gagaling kapag ambagan na. Nilalakhan pa ang singil sa akin.

Ayaw ko namang magreklamo at baka lumaki lang ang gulo.

I leaned my head and closed my eyes as I felt tiredness embrace my whole body.

Ang aga na nga naming umalis pero inabot pa rin kami ng sobrang hapon kaya talagang nakakapagod.

"Huy, matulog ka muna kaya?" Vaneiza suggested na inilingan ko naman.

"No, sa bahay na lang. It's time to go home na din naman."

"Sabagay... Wala na naman siguro tayong gagawin sa mga susunod na araw, 'di ba?" paninigurado niya.

"Yup, we will not get tired like we do now," I answered.

It is really a good thing na isinama ko si Vane. Kung hindi ay tingin ko ay hindi ko talaga kakayanin 'tong gawin kapag wala akong katulong lalo na at hindi naman ako sanay sa mga ganitong klaseng bagay.

"Hmm, dapat lang. Ang hirap kayang hanapin ng mga pinabili nila tapos may bitbit pa!" Tumango ako sa sinabi ng kaibigan, totally agreeing with what she just said.

Minutes passed, we're already in school.

Ang mga boys ang papakuhanin ko ng mga pinamili namin at ilagay sa room namin. Alangan naman kasing iuutos ko pa 'yon sa driver namin eh maya-maya na ay kailangan na rin niyang sunduin ang mga magulang ko.

Ano ba sila, lucky?

In their dreams.

"Kuya, wait lang po, ha? We'll just call our classmates to take that po. Thank you," sabi ko sa aming driver bago bumaba ng sasakyan. Nag-thumbs up naman siya at nanatili sa loob ng sasakyan.

Memoriae of Forgone HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon