TANGING ang buhos ng ulan ang naririnig ko. Malakas ang ugong ng ulan, subalit hindi naman nakabibingi. Kahit pa nakasara ang bintana ng aking kuwarto ay matindi pa rin ang pagyakap ng malamig na hangin sa akin.
Kinuha ko ang lamparang nakapatong sa maliit na mesang katabi ng aking kama, at pagkatapos ay lumapit ako sa salamin ng aking aparador. Napatitig ako sa aking repleksyon habang hawak ko ang lampara.
Simula noong bumalik 'yong paningin ko kaninang umaga, patuloy kong tinitignan sa harap ng salamin ang aking repleksyon. Hanggang ngayon, sa tuwing tinitignan ko ang sarili ko ay naluluha pa rin ako. Akala ko ay hindi ko na makikita pa ang sarili ko.
Kitang-kita ko na ulit ang kulay kayumanggi kong balat, ang maalong buhok ko na lumagpas na sa aking balikat, at ang aking round-shaped na mga mata. Ngayon ay nakita ko na rin ang guhit na peklat sa aking pisngi.
Ang peklat na iyon ay ang markang nakuha ko noong nabulag ako. Hindi ko alam kung maaalis pa ba ang peklat na ito sa paglipas ng panahon. Tila nagniningning naman ang maluluha kong mga mata habang tinititigan ko ang aking sarili sa salamin.
Kaninang tanghali, noong dumating si itay, nasa pinto pa lang siya ay agad na akong tumakbo papunta sa kaniya at agad siyang niyakap. Noong una ay inawat niya ako dahil daw baka madapa ako, subalit gayon na lamang ang paghagulgol niya nang mapagtanto niyang nakakikita na ako.
Naluha pa ako nang makita ko na muli ang mukha ni itay. Pumayat nang kaunti ang mukha niya tapos ay mas dumami na ang kaniyang puting buhok. Pati 'yong mga balbas niya ay namuti na rin.
Bumalik na ako sa aking kama at naupo roon. Ipinatong ko naman sa aking tabi ang lampara, at kinuha ang nakaipit na pulang hardbound sketchbook sa ilalim ng aking unan. Ito 'yong iniwan ni Jandrei para sa akin.
Simula noong bumalik 'yong paningin ko kanina, hindi ko pa binuklat ito. Abala kasi ako sa pagtingin sa sarili ko at sa pakikipag-bonding kay itay. Ni hindi na nga pumunta kanina si itay para magbenta sa palengke. Tapos ay walang humpay rin ang nagpapasalamat kay God kanina dahil nakakakita na akong muli.
Sayang nga kasi wala 'yong mga bagong kapitbahay namin. Na-ospital kasi 'yong kambal kanina dahil sa diarrhea, kaya hindi ko sila nakita.
Sayang din dahil dalawang tao ang wala sa tabi ko para i-celebrate ang muli kong pagkakakita.
Pagkabuklat ko n'ong sketchbook ay bumungad sa akin ang first page, kung saan naka-calligraphy ang "My Beautiful Eray." Sa ibaba noon ay nakasulat din ang "Para sa aking pinakamamahal na Airyza".
Bagamat malamig ay naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko. Umukit din ang ngiti sa aking labi.
Paglipat ka sa susunod na page ay nakita ko ang colored portrait ko. Kamukhang-kamukha ko talaga 'yong nasa portrait tapos ay detalyadong-detalyado rin. Pati 'yong peklat ko ay nalagay niya rin. Sa baba ng drawing ay nakasulat ang mga katagang "My beautiful Eray".
BINABASA MO ANG
✓Ang Hiraya ni Eray
Teen FictionAng tanging nais lang naman ni Airyza ay masilayang muli ang liwanag, subalit patuloy pa rin siyang nilalamon ng kadiliman. Noong dumating sa buhay niya ang taong nag-akay sa kaniya patungo sa liwanag, doon ay nasaksihan niya ang kapighatian. Liwana...