Kabanata 5:

26 3 0
                                    


Edrei:

NAALIMPUNGATAN ako ng may maulinigan akong mga kaluskos na nanggagaling sa labas. Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata. Bumungad kaagad sa akin ang kadiliman.

Habang sinasanay ko ang aking paningin sa kadiliman ay narinig ko na naman ulit ang mga kaluskos. Pinakinggan ko muna ito ng mabuti. Nanggagaling sa likod-bahay ang kakaibang ingay. Bigla akong kinutuban.

Mabilis kong kinapa ang selpon na nakapatong lang sa kahoy na mesa. Nakap'westo lang naman ito sa aking tabi. Nang makapa ko na ito ay kaagad ko itong pinindot.  Biglang nagkaroon ng kaunting liwanag sa pwesto ko. Dahan-dahan akong kumurap. Hanggang sa nasanay ang aking mata sa karampot na liwanag na nagmumula sa aking selpon. Naaaninag ko pa ang oras sa orasang nakasabit sa dingding ng bahay, alas tres pa lang ng madaling-araw.

Maingat akong bumangon at umupo. Sinuot ko agad ang pambahay na sapin sa paa.

Muli ko na namang narinig ang kaluskos na nagmumula sa aming likod-bahay. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at tumayo kaagad. Puno ng ingat akong naglakad  patungo sa  kusina, kung saan nakalagay ang buntot ng pagi at ang habak na nakasabit sa bandang pintuan lang.  Matapos makuha ang mga proteksyon na bagay ay kaagad akong pumasok sa loob ng aming banyo. Mabuti ng sigurado. Ayokong makampante dahil uso pa naman dito sa lugar namin, na sa tuwing may  epidemya na dumating ay saka rin maglalabasan ang mga elemento ng kadiliman.

Pinakiramdaman ko ulit ang buong paligid. Isang nakabibinging katahimikan ang pumagitan.  Hindi muna ako umalis sa pagkakubli sa loob ng banyo. Tinatant'ya ko muna ang susunod na mangyari. Narinig ko na  naman ang kaluskos. Kaya naglakas loob na akong sumilip sa butas ng haligi. Sinuyod ng mga mata ko ang buong paligid. Hindi naman ako nahirapan aninagin ito dahil sa sinag ng  liwanag na nagmumula sa buwan.

Napadako ang tingin ko sa itaas ng puno ng acacia. Nagtaka ako kung anong ginagawa ni Olivia sa itaas ng puno ng acacia ng ganitong oras. Kahit naguguluhan sa mga pangyayari ay mat'yaga pa rin akong naghintay. Pinagmamasdan ko siya sa kaniyang kakatwang  ginagawa. Nakatayo kasi ito sa itaas ng puno, pa-isa isa nitong sinisilip ang bawat pagitan ng naglalakihang mga sanga, at sumisipol.  Matapos ang sunod-sunod na pagkilos ay maliksi at walang kahirap hirap itong tumalon sa baba.

Ang sumunod naman na ginawa nito ay ang paglapit sa puno ng santol. Kung hindi ito nahirapan sa pagbaba ng puno ng acacia, gan'on din ito kabilis umakyat sa puno ng santol. Katulad ng ginagawa nito sa itaas ng puno ng acacia ang ginawa rin nito sa itaas ng puno ng santol.

Hindi ko na hinintay itong makababa. Alam ko rin naman na ang puno ng santol ang pinakahuling puno na kan'yang aakyatan. Lumabas ako ng banyo. Ibinalik ko sa pinaglagyan ang buntot ng pagi, ngunit isinuot ko naman ang habak na kanina pa bitbit. At naghihintay sa pagpasok ni Olivia sa loob. Nang mapagtanto ko na papasok na ito sa may pintuan, saka ko naman binuksan ang ilaw.

Panandaliang nasilaw ako sa bungad ng liwanag. Maski si Olivia ay naitakip ang pang-itaas na braso dahil sa pagkasilaw. Ginamit ko ang pagkakataon magsalita habang sinasanay pa ng kanyang mga mata ang liwanag na biglang bumungad.

"Bakit nasa labas ka ng ganitong oras?"

"Ano ang ginagawa mo sa labas? Hindi mo ba alam ang panganib na naghihintay sayo dahil mag-isa ka lang sa labas?

Sunod-sunod na mga katanungan ang ibinato ko sa kaniya. Narinig ko pa ang mahinang pagsinghap nito dahil sa labis na pagkabigla.

"Paumanhin sa abala, kaibigan. Hindi ko sinasadya na magambala ka sa ginawa ko. Ngunit nahihirapan kasi akong matulog kaya lumabas ako para magpahangin. "

Mahinahong pagsagot nito sa aking mga katanungan.

"Ano ang ginawa mo sa itaas ng mga punong inakyatan mo?"

Ayokong mag-aksaya ng panahon makipagliguyan kay Olivia. Kaya hindi ko na iniisip ang anumang panganib sa kapangahasang ginawa.

"Sinusuri ko kasi kung gaano kalayo ang destinasyon natin sa lugar kung saan mo ako natagpuan."

Natawa ako ng pagak dahil sa naging sagot nito sa akin. Matindi talaga ang epekto ng pagkabagok ng ulo nito dahil nag-iisip ito ng mga imposibleng bagay.

"Sa tingin mo ba makikita mo ang buong paligid kung ginawa mo iyon? Atsaka, para saan nga pala ang kakaibang pagsipol na ginagawa mo?"

Dahil sa sinabi ko ay bigla itong natigilan. Parang nag-aalangan pa itong magsalita. Pero wala rin naman itong ibang pagpipilian kundi ang sumagot sa nga katanungan ko dito.

"Mahirap ipaliwanag sa'yo ang mga bagay.  "

Sumikdo bigla ang aking dibdib. Pakiramdam ko ay may tinatago itong si Olivia. Nasagi na naman sa isipan ko ang totoong katauhan nito.

"Bakit hindi mo ipaliwanag sa akin ngayon?"

Pagpapaamin ko sa kanya. Gusto ko talagang malaman ang totoong sagot sa mga katanungan bumabagabag sa isipan ko ngayon.

"Hindi ko maaring--"

Kaagad kong pinutol ang sasabihin nito.

"Tama ba ang hinala ko na isa kang Salmanian?"

Napaawang ang bibig nito at bigla itong namutla dahil sa tanong na ibinato ko dito.

"Sa tingin mo ba makabiktima na naman kayo ng mga inosenteng natibo! Pwes! Nagkakamali ka ng taong lilinlangin!" Gigil na wika ko rito.

Malakas talaga ang paniniwala ko na tama ang naging kutob ko sa totoong pagkatao nito. Kung pagbabasehan ko lang ang kakaibang kinikilos nito at ang naging reaksyon nito ay walang duda na taga-salma ito.

Mahina itong umiiling bago nagsalita, " hindi ko na pala kailangan itago sa'yo ang totoong katauhan ko."

Dahil sa sinabi ay biglaang umusbong ang poot na matagal ko nang tinatago.

"Sinasabi ko na nga ba! Maari ka nang makakaalis sa pamamahay ko, ngayon din!"
Sigaw ko rito.

Nahintakutan naman itong tumingin sa akin.

"Pero nagkakamali ka ng iniisip... Wala akong intensyon na linlangin kayo ng kaibigan mo... "

"Talaga?! Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa kasinungalingan na sasabihin mo?!"

Nanggagalaiting wika ko rito. Hindi ko na mapigilan ang labis na galit na namumuo sa dibdib ko. Matagal ko rin itong nireserba. Siguro ito na ang pagkakataon na ilabas ito ngayon dahil nakasalamuha na ulit ako ng isang Salmanian.











Petals of Hope [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon