Kabanata 21:

15 3 0
                                    

PINAULANAN ako ng kantiyaw ng aking mga kapatid dahil sa sinabi ni papa.

Ngunit, nabaling abg atensyon nila ng marinig ang takot na atungal ng mga kambing sa labas. Animo'y nagkagulo ang mga ito.

At sa isang iglap, sumadsad ang aming sinasakyang karwahe. Muntikan na akong matumba, mabuti na lang at nakahawak agad ako kay papa. Maayos naman ang lagay ng mga kapatid kong babae dahil maagap silang  naalalayan  ni Marcus.

"Anong nangyayari, papa? Bakit takot na takot sila?"

Nag-aalalang saad ni Tiffany. Kaagad namang inaksyonan ito ng aming papa, at nagmamadaling bumaba para suriin ang dahilan ng bigla naming pagtigil.

Hinabol ko ng tingin ang aking tatay papunta sa mga nagkagulong mga kambing, nang may napansin akong gumagalaw sa unahan.
Naniningkit ang mga mata ko para aninagin ang aking nakita. Kinusot ko pa ang aking mga mata upang masiguro na hindi lamang ako namalikmata. Pero hindi ako maaaring magkamali. Isang hugis tao, tama, taong tubig!
Habang naglalakad si papa papalapit sa mga kambing ay unti-unti rin itong gumagalaw papunta sa aking tatay. Bigla akong naalarma.

"Pa! H'wag kang kumilos!" Sigaw babala ko kay papa. Natatakot ako sa maaring gagawin ng kakaibang nilalang na aking natuklasan.

"Kuya, anong nakikita mo?" Puno ng pag-aalalang tiningala ako ni Tiffany.

"May kakaiba ka bang nakikita aking kapatid na hindi namin nakikita?" Nalilitong tanong ni Marcus.

"Isang taong tubig..." Mahinang tugon ko sa kanilang dalawa. Nakita ko pa ang nahintakutang si Zoey na yumakap kaagad kay Tiffany.

"Hindi kita naiintindihan, aking kapatid."

Naguguluhan na saad ni Marcus. Sumenyas ako na dumito muna sila sa taas at ako na ang lalapit kay papa.

Nagmamadali pa akong naglakad papunta kay papa dahil patuloy pa rin ang paglalakad ng kakaibang nilalang papalapit kay papa. Nanggaling ito sa punong may asul na mga dahon na nakap'westo sa dulong bahagi ng bundok Wahiga.

Tumigil ito ng tumigil rin ako. Nang akmang lalapit ulit ito ay kaagad akong humarang sa harapan ni papa.

"Anong nakikita mo, anak?" Bulong ni papa mula sa aking likuran.

"Tubig. Hugis taong tubig." Mahinang sagot ko rito.

"Papaano mo ako nakikita? Anong klaseng engkanto ka? Bakit ngayon lang kita nakita?"

Sunod-sunod na katanungan ang ibinato nito sa akin. Boses ng isang batang babae ang nagsasalita.

Pero imbes na sagutin ko ito ay tinanong ko rin ito pabalik, " ikaw anong klaseng engkanto ka? Anong kailangan mo sa amin?"

"Anong sinasabi niya, anak?" Tanong ulit ni papa mula sa aking likuran. Pero di ko muna ito pinansin, bagkus, inantay ko na sagutin ako ng engkantong nag-anyong tubig.

"May mensahe lang akong iparating mula sa ina ng aking kasama. " Seryosong sagot nito base sa tuno ng boses nito.

May kasama pa pala ito. "Papa, may sasabihin daw sila sa atin." Bulong ko kay papa na lumabas mula sa aking likuran.

"Ama!" Nagagalak na yakap takbo ng engkantong anyong tubig papalapit kay papa.

'Tama ba ang aking narinig? Tinawag niyang ama si papa? Kapatid ko rin pala ang batang tubig na ito.'

Hindi ako nakaimik. Nanatili lamang akong nakatayo sa aking pwesto habang nilagpasan ako nito. Hindi ko na nga inalintana ang ginawang pagsanggi nito sa akin. Dahilan upang mabasa ang suot kong damit.

Naiwan sa kinatatayuan nito kanina ang isang nilalang na hindi ko rin kilala. Dahan-dahan itong nag-unat. Animo'y galing sa isang mahabang pagkatulog. Isang magandang batang babae ang bumungad sa aking harapan.

"Elisa! Hindi ba't sinabi ko na huwag na huwag mong gagayahin ang kapangyarihang ginagamit ng mga taga-Mandaragat! "

Dumadagundong na sigaw ni Marcus mula sa aking likuran.Hindi ko na namalayan na nakalapit na pala ito. Nilingon ko agad ito. Nakita ko pa ang unti-unting pagbabagong anyo ng batang engkanto na tumawag na ama kay papa habang nagmamadaling nagtatago sa likuran ni papa.

"Sina tiya at ina ang nag-utos sa kaniyang gawin iyon, Marcus. Hindi kasi kami nakikita ng ibang engkanto, at mas mapapabilis ang pagdating namin dito. " Pagpapaliwanag ng isa pang batang babae.

"May masama bang nangyayari sa Waga?" Agaw na wika ni papa.

"Sa ngayon ay wala pa. Ngunit..." Bitin na wika nito.

"Ngunit ano, Ofelia?" Naghihintay na tanong nito. Hindi na nito hinintay pa na makasagot ang batang nagngangalang Ofelia, dahil agad naman  itong humarap sa kapatid namin.

" Kapatid na Elisa, maari mo bang ipaliwanag sa amin ang hindi kayang sabihin ni Ofelia sa akin?" Ani ni Marcus.

Tumango naman kaagad ang batang engkanto na nag-anyong tubig kanina.

"Narinig kasi ni Ofelia ang pinag-uusapan ng mga pinuno ng taga-Waga. Susugod ang mga taga-Mandaragat at iilang mandirigmang salamangkero na galing sa Salma, sa ika-anim na kabilugan ng buwan. "

"At mamayang gabi na ang ikaapat na paglitaw ng bilog na buwan. Nangamba sila si ina na baka hindi kayo makarating sa takdang araw, kaya pinapunta kaming dalawa ni Elisa para sunduin kayo. " Malumanay na paliwanag ng batang si Ofelia.

Tumango-tango naman si Marcus.

"Halina at sumakay na kayo. Para makarating agad tayo sa ating paroroonan," anyaya ni papa sa aming lahat.

Mabilis pa sa kidlat kung kumilos ang dalawang batang engkantada na pumasok sa looban ng sasakyan. Para pa akong namalikmata. Isang tapik ni papa ang nagpabalik sa diwa ko, at masunuring sinundan ko ito papasok.

Napansin ko rin ang masiglang mga hitsura ng mga kambing. Handa na ulit ang mga ito upang ihatid kami sa aming destinasyon.

NAPAG-ALAMAN kung si Ofelia pala ang kapatid nina Freya at Olivia sa tatay.

Habang naglalakbay kami ay pinaliwanag ni Marcus ang mga katangiang taglay nila.  Nakakamangha ang angking kakayahan ng mga nandirito. Si Ofelia ay may kakayahan na
marinig ang pintig ng puso ng isang nilalang, basta humihinga ang mga ito. Kahit ang paghinga ng lupa ay kaya nitong pakinggan. Si Freya, ang kakayahan naman nito ay makakita ng mangyayari sa kasalukuyan. Si Elisa, na kayang magpalit ng anyong tubig, at ang may kakayahan lang ng hangin ang makakita sa inbisibol na kakayahan nito. At mukhang taglay ko ang kakayahan ng hangin na binabanggit ni Marcus. Ako lang kasi ang bukod tangi sa kanila na nakapansin kay Elisa.

Ganito rin kaya ang katangiang taglay ng aking inang si Demetria?

Petals of Hope [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon