Kabanata 17

16 3 0
                                    

PANANDALIANG nawaglit sa aking isipan ang nawawala kong kapatid na si Tiffany. Nangibabaw pa rin sa akin ang hangarin na makatulong sa aking kapwa. Kaya ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para mailigtas ang mga nangangailangan ng tulong.

Labis ang aking ikinapagtaka kung bakit nagkaroon ng daluyong. Sa tindi ba naman ng sikat ng araw ay malabo pa sa katotohanan ang nakagigimbal na nangyari sa amin ngayon.

Nagmistulang palaisipan pa rin sa akin ang hindi kapani-paniwalang pagsugod ng bugso ng kalikasan.

Makalipas lamang ang limang oras ay bumalik ulit sa dagat ang higanteng mga alon. Animo'y mga batang paslit lang ang mga ito, na matapos maghabulan sa patag ay parang walang nangyaring bumalik sa dagat.

Isang nakalulunos na pangyayari ito sa bayan ng san Sebastian. Marami ang napinsalang kabahayan at establisyemento, dulot sa biglaang pagsugod ng daluyong.

Hating gabi na ng matapos ang paglipat sa center ng mga nakaligtas na mga biktima. Ipinagpabukas na ang mga hindi pinalad.

Kinailangan pa naming magpalipas ng gabi dito sa san Sebastian dahil kasamang inanod ng baha ang aking pinakaiingatang sasakyan. Ipagpabukas ko na ang paghahanap dito. Dahil bukas na bukas din ay uuwi na kami sa san Isidro.

Ipinasa diyos ko nalang na sana buhay pa ang aking kapatid na si Tiffany, na sana nasa maayos na kalagayan ito.

"MAY nais sana akong aaminin  sa'yo, ginoo," basag na wika ni Freya sa aking pagmuni-muni. Hindi ko namalayan na  nasa tabi ko na pala ito. Katulad ko siguro ay hirap din itong makatulog, o baka inuusig ito ng kanyang konsensya dahil sa nangyari kanina.

Hindi ko ito pinansin bagkus, pinasadahan  ko lamang ito ng tingin at ibinalik ko na uli ang aking tingin sa labas ng center.

Napansin siguro neto ang kalamigan ng aking pakikitungo. Huminga muna ito ng malalim bago magsalita.

"Hindi ko sinasadya ang nangyari kanina. Ngunit nais kong humingi ng paumanhin sa pagsugod ng mga daluyong sa mundo ninyo. "

Napakuno't noo ko itong nilingon. Naguguluhan  ako sa mga pinagsasabi neto. Pero parang  may nag-uudyok sa aking isipan na siguro tama ang aking hinala ukol sa engkantadang ito. Na baka malaki ang  kinalaman ang biglaang pagsulpot nito sa nangyari kanina.

" Tumawid kami sa sekretong lagusan ng walang basbas... Kaya maranasan ng mga engkanto sa lugar namin ang naranasan din ninyong mga mortal ngayon."

Pagpapaliwanag nito sa akin. At hindi pala ito nag-iisa. Unti-unti akong nakaramdam ng inis. Tama talaga ang aking hinala. Siya at ang mga kasamahan niyang mga engkanto ang dahilan ng kakaibang nangyari ngayon dito.

"Kapag may masamang nangyari sa aking kapatid, tutugisin ko kayo ng mga kasamahan mo!"

Tahimik lamang ito, ni wala man lang akong makikita na kahit anong emosyon sa pagmumukha neto. Ni hindi man lang ito natinag sa pananakot na sinabi ko.

" H'wag kang mag-alala, ginoo, dahil ligtas ang iyong kapatid na si Tiffany. Hindi siya papabayaan ni Marcus."

Kalmadong saad nito saakin.

"Paano ka naman na nakasisigurong ligtas siya? At saan siya dinala ng Marcus na tinutukoy mo?" Hindi naniniwalang tanong ko rito.

"Nasa loob sila ng isang balay ngayon. Napapalibutan ang bahay na gawa sa bato ng mga iba't-ibang uri ng halaman. Nakaupo sina Tiffany at Marcus sa isang gawa sa kahoy na upuang mahaba. Naghihintay sa ating pagbalik."

'Huh? Pinagloloko ba ako ng engkantadang 1ito?Papaanong nakarating  na si Tiffany sa bahay, eh kung tutuusin ay bumaha naman sa buong san Sebastian?'

Petals of Hope [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon