SALMA - pinaka-syudad ng Biringan. Dito matatagpuan ang ginintuang syudad ng Biringan. Pinamumunuan ito ni prinsepe Aron, panganay na anak ni Carolina.
SALMANIAN - mapagmataas na uri ng engkantong nakatira sa Salma. Mga engkantong gumagamit ng itim na salamangka. Mahilig silang makisalamuha sa mga mortal at aanyayahan nilang sumama sa Biringan.
MANDARAGAT - Isang isla ng Biringan na lulubog at lilitaw. Lumilitaw ang isla kapag may mga mga naliligaw na manlalayag. Pinamumunuan ni prinsesa Cara, pangalawang anak ni Carolina.
DARAGANIAN - mga mapanlinlang na uri ng engkantong na nakatira sa Mandaragat. Madalas silang matatagpuan sa mga lugar na may anyong tubig. Sila ang kanang kamay ng mga Salmanian.
WAGA - ang probinsya ng Biringan. Hindi uso ang mga sasakyang pangtransportasyon dito. Sa Waga matatagpuan ang karamihan sa mga manggagaway ng Biringan. Pinamumunuan ito ng kambal na anak ni Carolina, sina prinsepe Lino at prinsesa Olin.
WAGANIAN - mga mababait na uri ng mga engkanto. Lumalabas sila ng Biringan para tumulong sa mga mortal na nanganganib ang buhay dahil sa kagagawan ng mga taga-Salma at Mandaragat.
Mandirigmang Mangangaso - matatapang, maliliksi, walang mga inuurungan na engkanto, kaya nilang kumitil ng buhay ng kahit anong nilalang. Magaling makipaglaban. Kinabibilangan ito ng mga kalalakihan ng Biringan.
Mandirigmang Manggagaway - magagaling rin makipaglaban pero hindi pumapatay. Kayang makapagpagaling ng anumang karamdaman. Pwedeng babae at lalaki.
Maglilinang - kakayahan bumuhay ng kahit anong uri ng halaman. Matatalas ang pandinig.
Manghahabi - taga- gawa ng mga kasuotan ng mga matataas ang uri na engkanto.
ORIPON - mababang uri ng engkanto. Madalas makikita sa Salma at Mandaragat.
UNANG SIBOL - panganay na anak ng mga babaeng taga-Waga. Natural ang angking kakayahan makipaglaban at manggamot.
DALUYONG - tsunami.
Ilog Mandarawaga - pagitan ng Mandaragat at Waga.
Talon Darawaga - sekretong lagusan papunta sa mundo ng mga mortal.
Bundok Wahiga- ito ang isa sa mga sekretong lagusan papasok sa Biringan. Nakapalibot ang bundok na ito sa buong Biringan, pero tanging ang mga taga-Waga lang ang maaring tumawid reto, gamit ang karwaheng gabay ng mga alagang toro.
Sagradong Kagubatan- isang lugar sa Waga kung saan nagpupulong ang mga pinuno
Bituing Kabibe - uri ng kabibe na matatagpuan sa pusod ng dagat mg Mandaragat. Ginagamit ng nagmamay-ari nito upang gawing gayuma sa napupusuan nito at kontrolin ang isipan ng lung sino mang madikitan nito.
Puno ng Paglaum- isang mahiwagang puno na may kulay asul na mga dahon. Isang maglilinang ang may kakayahang magtanim nito. Namimili ang puno na ito ng mga Waganian na pwedeng magmamay-ari nito.
Dahon ng Paglaum - lahat ng malalapatan nito ay makakaramdam ng kasiyahan, maaalis ang takot, galit, lungkot at anumang uri ng panget na karamdaman.
Paglaum - uri ng salita na ang ibig kahulugan ay pag-asa.
BINABASA MO ANG
Petals of Hope [Completed]
FantasyBiringan Series #1 Isang epidemyang salot ang naging sanhi nang kaguluhan sa bayan ni Edrei, kahit ang mapayapang mundo ni Olivia ay nagdusa. Ang hindi inaasahang pagkikita ng dalawang magkaibang indibidwal ay nagsimula sa kakahuyan kung saan si Oli...