CHAPTER THREE

1 0 0
                                    

Nang magising ay dumiretso na ako sa banyo at ginawa ang dapat kong gawin doon.

I'm fixing my things nang mapansin ko ang pagilaw ng phone ko.

From: Arturo Gabriel

dito na ako. wer na U?

[Insert photo]

Napataas ang kilay ko sa litratong sinend nito. Nasa waiting shed sya habang nakathumbs up at malawak na nakangiti sa camera, kitang kita ang dimples nya sa ngiti nyang yon.

Napangiti naman ako sa simpleng kilos nito. Pero agad ding natunaw yon ng mapansin kong ngumingiti ako sa mensahe nya.

Bat ako ngingiti? Ano yon? May dapat ba akong ikangiti doon? Wala naman, ah? Kabag lang yan, Dani!

I shook my head then get my bag. Bumaba na ako at naabutan sila na kumakain na doon ng breakfast.

“Goodmorning, sweetheart,” bati ni mommy.

Lumapit naman ako dito at binigyan sya ng halik sa pisngi.

“Ako wala?”

Napatawa naman ako kaya lumapit rin ako kay daddy para halikan sya sa pisngi.

“Such a baby.”

“She’s always our baby, Damien,” sagot naman ni Daddy kay Damien.

I stick my tounge out to tease him and he did the same thing to me.

Umupo na ako sa tabi nito at sinimulan ng kumain.

Natapos ang almusal namin kaya dumiretso na ako sa labas kung saan naghihintay si kuyang driver ko. I'm already 18 yet, i don't know how to drive and I'm also bad at direction kaya mas mabuti ng may driver kaysa ang maligaw ako.

Pagdating sa harap ng school ay tanaw ko na agad si Arturo Gabriel na naghihintay sa akin. Nang makababa ay kinawayan na ako nito kahit na malayo pa kami sa isat-isa, parang bata itong tumakbo sa pwesto ko at kinawayan din ang driver ko.

“Maraming salamat sa paghatid!” rinig ko pang sabi nito.

Nang makaalis ang sasakyan ay naglakad na kami papasok.

“You don't have to thank him. It's his job,” I said.

“Trabaho nya nga yon pero wala namang masama kung magpapasalamat tayo na ginagawa nya ng tama ang trabaho nya,” he said smiling.

“Bakit hindi ka rin magpolitician like your father?”

Bagay sa kanya yon. Pansin ko rin kasi na mabait sya sa lahat kaya alam ko na kapag tumakbo syang gobernador dito ay paniguradong mananalo sya. Walang duda yon.

“Bakit handa kabang maging politician wife?” napataas naman ang kilay ko sa sinabi nito.

“Gusto kong maging doctor.”

“What kind of doctor?”

“Pediatrician”

Mabilis ko naman itong nilingon at tiningnan sya mula ulo hanggang paa. Bagay din naman sa kanya maging doctor.

I wonder what he looks like kapag naging doctor sya.

“Bakit pediatrician? Mahirap amuhin ang mga bata tsaka sakit sila sa ulo,” I said.

Tumawa ito at hinarap ako.

“Ayaw mo sa mga bata?”

“I don't hate them, I just can't imagine myself taking care of a child,” I explained.

“Hindi naman kita pipiliting mag anak kung hindi ka handa. It's still your decision, i have no reason to disagree if you don't have planning of bearing a child,” sagot nito.

Serenades of WavesWhere stories live. Discover now