The new driver

882 58 5
                                    

Hindi na ako nakatulog at dumiretso ng ako pasok sa eskwelahan. Hindi na ako nakapagbaon dahil pumasok ako ng maaga at hindi na nakapaghanda si Nanay Soleng. After what happened last night. I prefer to go early than to see the faces of the old two b*tches.

Napatingin ako sa bagong driver ng pamilya namin. Actually, Ako ang dahilan kung bakit may bagong driver. Hindi na kasi ako komportable kay Tatay Roberto. Dahil sa tuwing makikita ko sya naaalala ko ang libing ni Nanay Soleng. At mababaliw ako kapag araw-araw ko yon maaalala. Dinahilan ko na lang sa Head butler ng mansyon na kailangan ko ng taong kaya kong macontact kahit anong oras at hindi ko kaagaw sa mga kapatid ko.

It's funny na hanggang ngayon 3 lang ang driver ng pamilya. 1 each for my parents at ang isa ay sa aming magkakapatid. Naghahati sa iisang tao. Kaya kung minsan naiipit sa gitna si Tatay Roberto. But I make him a favor. Atleast ngayon hindi na sya maiistress sa aming magkakapatid lalo na at madadagdagan next year dahil sa pagdating ng tunay na anak.

Napatingin ako sa bagong driver na hindi ko pa naaalam ang pangalan dahil sa pagdating ng dalawang asungot kahapon.

Mga istorbo talaga

" Anong pangalan mo?" Basag ko sa katahimikan sa loob ng kotse.

" Kakarating mo palang kahapon diba? Hindi ko nakita ang resume at hindi ko rin natanong ang pangalan mo sa head butler." Walang ganang Paliwanag ko sabay tingin sa labas ng bintana.

" Leonardo, Leonardo po ang pangalan ko" Magalang na sagot ng driver. Napatingin uli ako sa driver.

" Stop the Car" Utos ko dito. Mabilis naman nito sinunod ang inutos ko at inihinto ang kotse sa gilid ng sasakyan.

" Now, Look at me. I want to see your face" Utos ko ulit dito.

" I-Ito po" nauutal na saad nito sa akin sabay harap sa akin.

Napatitig ako sa mukha ng driver na nasa harapan ko.

Teka? Bakit mukhang mayaman yung lalaking ito?

White pale skin, Thick eyebrows, Round brown eyes, Sharp perfect nose, plump red lips and the most important thick eye lashes.

" Anak ka ba ng mayaman at lumayas ka sa mansyon nyo dahil nasasakal ka na o hindi kaya magrerebelde ka lang sa magulang mo o dahil may arrange ka? " Bulalas na tanong ko dito na syang ikinagulat nito at hindi rin nagtagal ay tumawa ito ng mahina bago umiling.

" Hindi po, Normal lang po akong tao" Natatawang sagot nito sa akin na syang ikinataas ko ng kilay. Bumaba ang tingin ko sa braso nito.

" Hindi halata, Mukha kang mayaman na tumakas sa magulang mo. Your face is perfect and your body is also perfect. I bet wala kang peklat o sugat sa katawan mo dahil alaga ka ng mga katulong nyo" diretsong saad ko na syang nagpaubo dito.

Huli!

" Well, I don't care. Kahit saang pamilya ka pa galing o pinatalsik ka. Ang tatandaan mo lang ako ang amo mo at ako ang susunduin at susundin mo. Hindi yung dalawang asungot sa bahay at susunod na asungot na dadating. Ayaw-ayaw kong mabalitaan na may sinusunod kang ibang kesa sa akin. Loyalty is a must for me Leonardo. Remember that" Madiing saad ko sa dulo.

" At dagdag ko pa. Wala akong pake sa background mo. Wag na wag kang magkukwento sa pamilya at bigla ka nalang magpaflashback. I want a professional relationship. Hindi ako makikielam sa buhay mo at wag kang makikielam sa buhay ko" Dagdag ko dito na syang ikinatango nito sa akin.

" Sige po Mam, Masusunod po" Nakangiting saad nito.

" Good, Magdrive ka na. Ayokong malate" Bagot na saad ko sabay sandal sa upuan ng sasakyan. Mabilis naman akong sinunod ni Leonardo at mabilis na pinatakbo ang sasakyan papunta sa eskwelahan.

" Huwag kang makakabangga ng estudyante. At isusuko kita sa pulis kapag nakabangga ka" Paalala ko dito. Mabilis naman nitong binagalan ang pagdadrive at dahan-dahang pinark ang sasakyan sa parking lot ng sasakyan.

" Alam mo pwede mo naman akong ibaba sa harapan ng gate. No need to park this car inside the campus" Saad ko dito bago ko abutin ang bag ko.

" Marami po kasing tao Mam, Baka mahirapan ka lang po" Magalang na saad nito sa akin na syang ikinibit-balikat ko nalang.

" Sunduin mo ako ng 2pm. Ayoko ng late and please don't gather attention inside the campus. Sa itsura mong yan. Hindi ako magugulat kung pati yung mga teacher dito bigla nalang maghihintay sa labas ng sasakyan na ito" Saad ko dito bago lumabas ng sasakyan.

Teka? Ilang taon na ba sya? Is he in his 20's? Well, He looks matured. Let's just assume that my assumption is correct.

Pagkababa ko ng sasakyan ay mabilis akong naglakad papalayo dito.

" MAM!" Agad akong napahinto ng marinig ko ang boses ng bagong driver ko. Napatingin ako sa mga estudyante na nakatingin sa akin ngayon. Huminga muna ako ng malalim bago tumingin sa lalaking ito.

" What?" Tanong ko dito.

" Naiwan nyo po yung folder nyo. Mukha po kasing importante kaya hinabol ko" Nakangiting saad nito. Napatingin ako sa folder na ito at mabilis akong napasampal sa noo ko ng narealize ko ang written report ko sa english ang hawak-hawak nito.

Napahawak ako sa ulo ko at napabuntong hininga.

" Thank you" Saad ko dito sabay abot ng folder mula sa pagkakahawak nya.

" Gwen?"

Napairap ako bigla ng marinig ko ang pamilyar na boses ng anghel sa eskwelahan na ito.

" Mary" Nakangiti kong harap dito.

" Papasok ka na?" Inosenteng tanong nito sa akin.

Hindi ba obvious?

" Oo" Maikling sagot ko dito sabay tingin sa kasama nito na si Andrus.

" Gwen sino itong kasama mo?" Tanong ni Andrus na syang ikinataas ko nalang ng kilay.

" My new driver, Leonardo" Maikling pagpapakilala ko sa dalawa.

" Driver? Really? Do you think I will believe na driver mo itong lalaking ito?" Hindi mapakaniwalang tanong nito sa akin na syang ikinairap ko nalang.

" It's not my job to explain to you everything and every moment happening in my life Andrus" Bagot na saad ko dito.

" And besides sino ka ba para maging ganyan ang reaksyon mo sa harapan ko. We are not in a relationship and yet you are acting like I betrayed you. "

Napatingin naman ako ngayon kay Mary na hawak-hawak ang braso ni Mary.

" And look your little Angel wants to comfort you"

Authors note:

See you next time!

REBIRTH OF GWEN ZAMORATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon