Best Actress

806 66 3
                                    

I am here again in the guidance. This time dahil naman kay Teresita. This is really my favorite place among the facility in the school. Dahil dito lang naman ako palagi pinapadala.

" If Dad knew it, I will be doom" Nanginginig na bulong ni Teresita na syang tinaasan ko ng kilay.

Her father is the running mayor of this City. Kaya kailangan talaga ng bruhang ito na maging maganda ang image sa harapan ng mga tao at maganda ang records. But I think nasira ko iyon.

Shame for her and Pride for me.

" First time record?" Nangangasar na tanong ko dito.

Nagtagis ang ngipin nito dahil sa tanong ko na syang ikinatawa ko.

" Huh! You will also be doomed by your parents!" Matapang na saad nito na syang ikinailing ko nalang.

" As If I care " Walang emosyong saad ko dito sabay sandal sa upuan ko.

" This is my 2nd record in the Guidance. Sa tingin mo ba may pake pa ako? " Dagdag ko sabay ngisi para mas lalo ko pa syang maasar at magalit.

" You are really nothing to Mary" Madiing saad nito na syang nagpatawa sa akin. Bringing Mary again in the topic? Ano ba tingin ng babaeng ito? Matitrigger ako sa pangalan ng santa-santitang iyon?

" I don't know why you are bringing the name of that saint's here. And I don't really know why you are comparing me to that white b*tch!?" I answered as I show her my dignified posture.

Teresita was taken aback because of what I just showed her. Authority and Confidence. That she will never ever have.

" M-mary is really far away from you! She will never be a bad centered person like you!" Pagdadahilan nito sa akin.

" Really? Do you really think that you are right Teresita? Are you really sure on what you are saying?" Hamong tanong ko dito. Agad na napakagat labi ng madiin ito sa kanyang labi na hudyat na kinakabahan sya at hindi sigurado sa isasagot.

Still pathetic as ever...

" I'm really sure, She will surpass you at any subjects and things in your life!"

" You know something between me and that woman " Diretsong saad ko na nagpalaki ng mata nito.

" H-huh?" Biglang utal na sagot nito sa akin.

" Teresita, Hindi ako bobo para hindi maintindihan ang ibig mong sabihin. You know something between me and Mary kaya matapang kang sabihin yan. Kaya lagi mo kaming pinagkukumpara sa lahat ng aspeto. As if you are making sure to make her name beautiful and likeable to other students" Dagdag ko na syang nagpalunok sa kanya.

" Sure na sure kang babagsak ako dahil sa kanya? What a pity" Hinto ko bago ilagay ang kamay ko sa pisngi ko at itinabingi ang ulo ko. " Because that will never happen " Pagtatapos ko.

Biglang nanginginig si Teresita dahil sa sinabi ko. Nanginginig yung kamay nya hanggang sa sumunod ang buong katawan nya.

" Ma-ma-malagot ako kay Daddy" Saad nito nang paulit-ulit.

Pinanood ko lang ito dahil wala akong balak na tumawag ng tulong sa babaeng ito. Dahil alam kong bigla syang magsasabi na may ginawa akong masama para magreact ng ganoon ang katawan nya. Mas mabuti ng ganito.

Kung mamamatay sya edi mamatay sya.

Magmanatigasan kami sa loob ng Guidance hanggang sa umayos na ang utak nya. At kung hindi magpapadala na lang ako ng bulaklak sa lamay nya.

" Best Actress, Manginig ka lang dyan. Magpapadala nalang ako ng Korona sa lamay mo" Walang emosyong saad ko dito na biglang nagpahinto sa ginagawa nito.

" I really hate you! " Bulong nito sa maayos na pananalita.

" I can't fool you! Hindi kita mapababa sa pwesto mo ng mahalikan mo ang paa kong ampon ka!" Naiinis na saad nito na syang nagpangiti sa akin ng walang emosyon.

" What I can say? Between the two of us. I am the Best Actress" Sagot ko dito na syang nagpatawa sa baliw na ito.

" Simula pa noong bata pa tayo lahat ng nakapaligid saiyo. Naloloko mo sa pag-arte mo. They are all fooling towards you. Aaminin ko naman kasi you are a good manipulator " Seryosong saad ko sabay pagkrus ng hita ko.

" So what? Kung uto-uto ang tao na nasa paligid. Atlease I am a real daughter of my parents. Unlike you! I can't believe na kinaibigan kita noon"
Nandidiring saad nito na syang nagpatawa sa akin ng mahina.

It's true. Teresita and I are childhood friends. Sabay kaming lumaki kasama si Andrus. Sa parehong school nag-aral hanggang sa lumaki. Naging magkaibigan kami. Hindi close pero sapat na para ituring naming tao ang isat-isa.

The definition of friendship was different for me because of her.

Kung ang kaibigan ay nag susuportahan. Kami naman ay nagmamataasan. We never helped each other because we are competing each other since we are a child.

At kung ang magkaibigan naman ay nagtitiwala sa isat-isa. Sa amin naman nagsasaksakan sa likod.

Definition of friendship in our worlds is really creepy. Now thinking of it. Parang napilitan lang kaming kaibiganin ang isat-isa dahil sa Pressure ng pamilya namin. Hanggang sa masanay na kami sa isat-isa.

But it doesn't last long ng malaman nyang ampon ako. Kung worst na ang pagtrato nya sa akin dati. Mas tumodo pa nang malaman nya iyon. She never win to me since we we're young. Kaya sobrang tuwa nya ng malaman nyang may bagay na mas higit sya kaysa sa akin.

What a real loser Teresita.

" As if naman ginusto kong makita ang pagmumukha mo noon. Oh, dear simula noong 5 years old palang ako. Pinagsisiksikan na ng Daddy mo ang pagmumukha mo sa pamilya namin. Akala ko nga ikaw yung lumalabas sa ilalim ng kama tuwing gabi" Pang-aasar na sagot ko dito na syang nagpapula sa mukha nito.

" Hihintayin ko ang pagbagsak mo Gwen. At kapag nangyari iyon nandoon ako habang pinagtatawanan ka" Banta nito sa akin sabay silay ng ngiti nito. Tsk! Not good.

" Really? I'm scared" I sarcastically said na syang ikinatawa nito ng malakas.

" You are really a fake one! " Insulto nito na syang ikinangiti ko.

" Sometimes fakes are better than original"


REBIRTH OF GWEN ZAMORATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon