Chapter 20

18 5 0
                                    

"P-pag-aari?" nauutal kong tanong sa kanya dulot ng malakas na pagpintig ng puso ko.

"Mag mula nang pumayag ako sa alok mo, pagmamay-ari na kita. Walang pwedeng humawak sa 'yo maliban sa akin," aniya sa walang emosyong boses at madilim na mga mata.

Nakita niya pala ang pag-akbay sa akin ni Ashton kanina, hindi naman malabong mangyari 'yon dahil kitang-kita ang ikalawang palapag ng building namin mula sa kinatatayuan niya kanina.

"Walang malisya sa pag-akbay niya sa akin, katulad ng sinabi ko kanina kaibigan ko lang siya."

"Even so, wala pa rin siyang karapatang akbayan ka." Napalunok na lang ako sa timbre ng boses niya, galit nga siya bakas na bakas 'yon sa mga mata niya.

"I'm sorry, hindi na mauulit 'yon." Napabuntong hininga lang siya at kinuha ang helmet ng motor niya at binigay sa akin.

"Suotin mo." Dali-dali ko namang tinanggap ito at sinuot.

Pinaandar niya ang motor niya at tumingin sa akin, nakuha ko naman ang gusto niyang iparating sa tingin niyang 'yon kaya sumakay na ako kaagad sa motor niya at pinulupot ang mga kamay sa baywang niya.

Bigla niyang pinaharurot ng mabilis ang motor niya kaya napayakap na ako sa kanya sa labis na takot na baka mahulog ako. "Ares, slow down baka mabangga tayo," kinakabahang saway ko sa kanya.

Hindi siya nakinig sa akin at pinagpatuloy ang mabilis na pagmamaneho ng motor, nanlalamig na ako sa kaba lalo na no'ng inunahan niya ang trycicle sa harap namin.

"Ares!" pasigaw kong tawag sa kanya, hindi nakatakas sa boses ko ang takot na nararamdaman.

Nakahinga ako ng maluwag nang binagalan niya ang pagmamaneho. "Galit ka ba?" tanong ko sa mahinang boses.

Hindi niya ako sinagot, kitang-kita ko ang pagkakaigting ng panga niya mula rito. Mukhang hindi ko na kailangan ng sagot dahil halatang-halata na sa mukha niya na galit nga siya.

"Kaya ka ba galit dahil inakbayan ako ni Ashton kanina?"

Hindi ko mapigilang makaramdam ng saya sa kaisipang nagseselos siya sa ginawang pag-akbay ni Ashton sa akin kanina. Dapat natatakot na ako ngayon dahil sa galit na nakikita ko sa mukha niya, ngunit kabaliktaran nito ang nararamdaman ko.

Mas lalo namang umigting ang panga niya sa tanong kong 'yon. Lalo namang lumawak ang ngiti ko sa naging reaksyon niya. Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa baywang niya at naglalambing na pinatong ang baba sa balikat niya.

"Huwag ka nang magalit. Kaibigan ko lang talaga siya at sinaway ko naman siya kanina," naglalambing kong sabi sa kanya sabay sulyap sa mukha niya.

Walang nagbago sa ekspresyon niya, nanatili pa rin itong galit. "Ano bang kailangan kong gawin para mawala ang galit mo?" wala pa rin akong natanggap na sagot mula sa kanya kaya napabuntong hininga na lang ako at nanghihinang inalis ang pagkakapatong ng baba sa balikat niya.

Hindi na muli umimik at dinama na lang ang masarap na hangin na tumatama sa amin, hindi yata ako magsasawa sa kakalanghap ng sariwang hangin dito. Dumagdag pa sa magandang pakiramdam ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Pinangarap ko lang ito noon at hindi ko inakalang matutupad ang pangarap kong 'yon, hindi pa rin ako makapaniwala na nobyo ko na siya at nagagawa ko na siyang yakapin ng ganito kahigpit.

Nagtaka ako nang mapansing ibang daan ang tinatahak namin, hindi ito ang daan papuntang bahay ni lola. "Saan tayo pupunta?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"We're going to eat." Napangiti ako nang sa wakas ay nagsalita na siya.

"Saan?"

"Malalaman mo rin kapag nakarating na tayo ro'n."

Change Of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon