Chapter 10

25 4 0
                                    

"Ang aga-aga nakabusangot ka, hindi ka pa rin ba nakaka-moveon sa pagtawa namin sa 'yo kagabi?" tanong ni Hera sa akin nang makita niya akong nakabusangot habang nakatingin sa kawalan.

"Tsk. Wala lang ako sa mood ngayon, Hera. Kaya kung ako sa 'yo lumayo-layo ka muna sa akin kasi nangangagat ako kapag ganito ako," natawa lang siya sa sinabi ko at imbis na lumayo ay naupo pa siya sa tabi ko.

"Ganoon na ba ako kasarap para maisipan mong gawing almusal?" napanganga naman ako sa tanong niya.

Bakit bigla yatang naging mahalay sa salita ang batang 'to?! Tsaka nawala na rin 'yong po kapag kausap niya ako.

"Anong pinagbababasa mong bata ka?!" siguro nagbabasa 'to ng mga librong may SPG!

"Ha? Hindi naman ako nagbabasa, nakakatamad kaya 'yon."

Nagpapalusot pa! Huwag ako hindi niya ako maloloko, papunta pa lang siya pabalik na ako.

"Hindi mo ako madadaan sa ganyang rason, Hera. Nanggaling na ako riyan kaya hindi mo ako maloloko." Baka akala nito maloloko niya ako.

"Maloloko? E hindi naman po kita niloloko, nakakatamad po talagang magbasa ng mga libro lalo na kapag math sumasakit talaga ang ulo ko."
Napanganga na naman ako sa sinabi niya.

Ikaw yata ang mahalay ang isip dito lrish at hindi siya!

"Mabuti pa magluto ka na lang ng almusal do'n dahil aalis tayo mamaya." Nanatili lamang siyang nakaupo sabay baling ng nagtatakang tingin sa akin.

"Saan tayo pupunta?" kunot-noo niyang tanong.

"Mamimili tayo ng school supplies, hindi ko alam kung saan ang mall nila rito kaya kailangan mo akong samahan." Kailangan ko na rin mamili ng mga damit dahil ayaw kong magpaulit-ulit ng damit.

"Pupunta tayong mall?!" excited niyang tanong.

Halatang madalang lang siyang makapunta ng mall dahil sa naging reaksyon niya.

"Oo kaya magluto ka na nang makapag-almusal na tayo."

Kanina pa ako nagugutom, hindi naman ako makapagluto dahil walang gagabay sa akin. Tapos kung makapagsabi ako kay Ares kanina na ipagluluto ko siya aakalain mong bihasa talaga ako sa gawaing kusina.

"Sige, ano bang gusto mong almusal?"

Paubos na ang stock nila ng pagkain kaya wala na akong ibang pagpipilian bukod sa fried rice at itlog, nasanay na rin naman ang tiyan ko rito dahil ito palagi ang almusal namin sa mga nakalipas na araw.

"Katulad lang ng nakasanayan," sagot ko.

Hindi na dapat ako mag-inarte, nagtitipid sila rito.

"Sige, magluluto na po ako." Tumayo na siya at pumuntang kusina.

Sumunod naman ako sa kanya para tulungan siya sa paghahanda ng mga lulutuin, kahit sa pamamagitan lamang nito ay may maitulong naman ako.

"Ako na po riyan, maghiwa ka na lang po ng sibuyas," ani Hera sabay kuha sa mga itlog na babasagin ko sana.

"Ilang sibuyas ba ang hihiwain ko?" tanong ko habang kumukuha ng sibuyas sa ref.

"Sapat na ang dalawa." Kumuha naman ako ng dalawang sibuyas at sinimulang hiwain ito. Biglang humapdi ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong napaiyak, napalingon si Hera sa akin nang marinig niya akong sumisinghot.

"Ayos ka lang ba, ate?"

"Pinapaiyak ako ng mga sibuyas na 'to, Hera. Ikaw na lang maghiwa ang hapdi na ng mga mata ko."

Hindi lang pala si Ares ang mapanakit, sibuyas din pala.

"Maupo ka na lang po ro'n, ako na ang gagawa niyan mabilis lang naman akong magluto." Iyon nga ang ginawa ko, naupo ako sa upuan sa kusina at pinagmamasdan ang ginagawa ni Hera.

Change Of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon