Chapter 35

71 0 0
                                    

Kinabukasan ay maagang nagpaalam ang mga magulang ko sa akin. Kailangan na raw kasi nilang umuwi dahil biglaang nagkaroon ng emergency sa kompanya.

Laking pasasalamat ko kagabi at hindi na nangusisa pa si daddy tungkol kay Ares, ngunit hindi pa rin ako nakatakas sa sermon niya, nakayuko lang ako kagabi buong oras na sinesermonan ni daddy, hindi ko na hinayaan ang sarili ko na sumagot pa dahil paniguradong hahaba lamang ang usapan.

"Mag-ingat po kayo sa biyahe, dumalaw po kayo ulit dito kapag may bakanteng oras kayo," nakangiti kong sabi sa kanila pagkahatid ko sa kanila sa labas ng bahay.

"Ayaw kong maulit muli ang nangyari kagabi lrish, pagkatapos ng klase mo ay umuwi ka kaagad dito sa bahay at huwag kang sumama sa kahit kaninong lalaki kahit sabihin mo pa na kaibigan mo ang lalaking 'yon wala pa rin akong tiwala roon." Napabuntong-hininga na lamang ako sa tinuran ni daddy. Akala ko tapos na niya akong sermonan kagabi ngunit may pahabol pa pala siyang panibagong sermon.

"Mabait po si Ares, dad," pagtatanggol ko kay Ares na agaran ko rin namang pinagsisihan nang makitang dumilim ang awra ni daddy.

"Wala akong pakialam kung mabait siya, ayaw ko pa ring sumasama ka sa kaniya, wala akong tiwala sa mga lalaking nakakasalamuha mo." Hindi na ako sumagot pa dahil tiyak na hindi kami matatapos sa usaping ito kapag nagsalita pa ako.

"Sinabihan ko na ang lola mo na tumawag sa akin kapag hindi ka pa nakauwi pagkatapos ng oras ng klase mo. Kung may kailangan kang bilhin magpasama ka kay Hera hindi 'yong sa lalaking 'yon ka nagpapasama." Tumango na lamang ako at hindi na binuka ang bibig para mag-protesta.

"Hon, tama na 'yan. Kailangan na nating umalis," ani mommy habang hawak ang braso ni daddy at hinihila ito palapit sa sasakyang dala nila.

"Aalis na kami, tumawag ka na lang kapag may kailangan ka. Magkita na lang tayo sa susunod na pagdalaw namin dito," ani daddy sabay lapit sa akin at hinalikan ako sa noo. Hindi ko napigilan ang ngiting sumilay sa labi ko sa ginawang 'yon ni daddy.

"Mag-iingat ka rito, anak. Tatawag ako  sa 'yo mamaya kapag nakarating na kami," ani mommy sabay yakap sa akin at ginawaran ng halik ang pisngi ko.

Nang makasakay sila sa sasakyan nila ay hinatid ko muna sila ng tingin bago pumasok sa loob ng bahay para maghanda para sa klase ko sa araw na ito.

Habang naglalakad ako sa corridor ay nagulat ako nang may biglang tumakip sa dalawang mata ko. Nagpumiglas ako ngunit masyado siyang malakas, ayaw matanggal ng kamay niyang nakatakip sa mga mata ko.

"Sino ka bang gago ka?! Baliw ka ba?! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" sigaw ko habang patuloy na nagpupumiglas sa pagkakahawak niya sa akin.

Hindi ako nakatanggap ng sagot mula sa kaniya bagkus ay tinakpan niya gamit ng isang kamay niyang bakante ang bibig ko upang hindi ako makasigaw.

"Hmm!" pilit akong sumisigaw ngunit walang salitang lumalabas sa bibig ko dahil sa kamay niyang nakatakip rito.

Nang hindi talaga ako makaalis sa pagkakahawak niya ay kinagat ko ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko na siyang naging dahilan upang mabitawan niya ako, nagmadali kaagad akong tumakbo palayo sa kaniya ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay narinig ko ang pamilyar na boses na nanggagaling sa taong tinatakbuhan ko.

"Aray! zombie ka ba?! ba't ka nangangagat?!" sunod-sunod na daing ng pamilyar na boses sa likuran ko.

Nilingon ko ito upang tiyakin ang hinala ko at halos umusok ang ilong ko sa galit nang matagpuan ng mga mata ko si Ashton na dumadaing habang hawak-hawak ang kamay niyang kinagat ko.

"Ashton! Ikaw lang pala 'yon! Nababaliw ka na ba talaga?! Anong pumasok sa kukote mo at ginawa mo 'yon?!" pasigaw kong tanong sa kanya habang naghahabol ng hininga dahil sa kaba dulot ng  nangyari kanina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Change Of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon