Ako si Lucas, isang college student at kasalukuyang kumukuha ng kursong Hospitality management. Mayroon akong natitipuhan at siya ay nasa kabilang building, isa naman siyang engineering. Ang pangalan niya ay Clay Aiden at tama kayo, lalaki siya kagaya ko. Kaibahan nga lang namin, play boy siya. Maraming napapaiyak na babae pero marami paring sumusubok na makipag relasyon sakanya.
Hindi ko alam kung bakit ko siya nagustohan eh isang beses ko lang naman siyang nakita, basta isang araw nagising nalang ako na gusto ko na siya. Love at first sight kumbaga.
Aware ako sa kung ano ako pero hindi alam ng mga kaibigan kong, ang nakakaalam lang ay si taki, ang kaibigan kong babae. Alam din niya na may gusto ako sa lalaking si clay.
"Boi! Tara nga don sa kabilang building, may kukunin lang ako." Yaya saakin ni drake. Tinignan ko lang ito at inayos ang mga gamit ko. "Katagal naman, paalis na yon. Dali na boi" pangugulit ni drake saakin.
"Teka lang naman, paghintayin mo siya aba! Kitang nag aayos pa yung tao eh" angil ko naman, tinawanan lang ako nito at hinintay na ako sa labas ng silid. Pagkatapos kong mag ayos ay kinuha ko ang bag ko tsaka tumayo ay gumayak sa kung saan si drake.
"Tara tara, paalis na siya" halos matisod ako nang hilahin ako nito patakbo, no choice ako kundi tumakbo na rin at baka matisod nga ako. Pagkarating namin sa sinasabi nitong building ay nagulat ako dahil building ng mga engineering iyon. Parang binambo ang dibdib ko sa sobrang kaba. Hindi naman alam nung clay na 'yon na gusto ko siya pero kinakabahan talaga ako.
'Sana wala siya'
"Nasaan na ba ang mokong na 'yon, pinapagayak ako ng mabilis tapos siya naman ang wala. Kinginang lalaki." Iritang ani drake. Ako naman eh nasobrahan sa kape dahil lintik naman talaga ang bilis ng tibok ng puso ko. Nininerbyos ako. Kahit alam ko na hindi siya ang ipinunta namin ay may posibilidad na makita ko siya rito dahil building nila ito.
"Hello pare? Putcha, nasaang lupalop ng mundo ka na ba? Kanina, masyado kang atat, ngayon naman wala ka!" Sigaw bigla ni drake, may kausap sa telepono. "Hah? Oo nandito kami sa may tambayan niyo. Oo, wag mo akong tokshitin baka tamaan ka. Dalian mo!" Pagkatapos non ay ibinaba na niya ang tawag
"Nasan na raw?" Kunwaring tanong ko "Pababa na ang hinayupak. Naghanap ng chikababes sa taas. Tch!" Tugon nito. Tumango nalang ako tsaka nagpalinga linga, baka biglang sulpot ang lalaki, makapagtago pa ako. May lahi pa naman daw 'yon ng kabuti. Umupo nalang ako tsaka binasa ang notes ko dahil baka magpa surprise quiz ang mga propesor namin.
Makalipas ang limang minuto ay may kausap na si drake, hindi ko naman pinansin dahil kailangan kong magbasa basa dahil baka may biglaang quiz kami mamaya.
'What is the benefit of taking food and beverage service as a student?
•No Limit of knowledge
•There are so many different cuisines and cultural dishes and myriads of methods and ways to prepare and present food and beverages. Besides that, interacting with customers will help you to enhance your language skills.'"Oo pre. Siya nga pala, eto si Lucas kaibigan ko. Lucas! Si clay, pinsan ko." Narinig kong ani drake, dahil sa sobrang gulat ay nabitawan ko ang notes ko at nanlalaki ang mga matang tumingin sa lalaking ipinakilala niya.
'Oh men! Did he just say, Clay?'
"Hey! Clay nga pala bro" ani ng lalaki sabay abot ng kamay nito saakin. Tinitigan ko lang ito at hindi ako mapakali.
'Gago, siya nga!'
"Hoy! Ano ba't napakalaki ng mata mo? Luluwa na eyeballs mo. Alam kong pogi, wag kang mabakla, hindi napatol sa lalaki 'yan" Bigla akong napatingin kay drake at sinamaan ng tingin.
'Mahulugan ka sana ng ipot!'
"Ah, Lucas" ani ko sabay nakipagkamay.
'Putcha, kalambot! Take me lord!'
"Alis na kami, ikaw na bahala do'n pre." Ani drake sabay hila saakin.
'Inang 'to, kanina pa hila ng hila!'
"Gago, teka nga! Yung notes ko!" Ani ko sabay hablot sa kamay ko at bumalik ngunit hawak na iyon ng lalaki at astang ihahabol saamin.
"Naiwan mo ata, bro"
"A-Ah, oo. Salamat!"
"Ge." Ayun lang at tinalikuran na niya ako.
'Kayabang!'
Habang mayabang itong naglalakad ay bigla itong natalisod.
"Pft! Ha-" tatawa palang ako nang...
"HAHAHAHA! Tanga ka talaga clay, lampa!" Tatawa tawang sigaw ni drake.
"Pakyu ka drake!" Sigaw naman ng isa at tsaka iniangat ang middle finger nito.
'Tch'
BINABASA MO ANG
You are mine! (Boy's Love)
RomanceEveryone has someone destined for them, whether you're straight or gay, homosexual or tomboyish, bisexual or transgender because 'Love doesn't choose gender. Kapag tinamaan ka, tinamaan ka.' - This is a work of fiction. Any resemblance to a name, lo...