05

7 1 0
                                    

"Rian! Halika nga dito" mahinahon kong pagtawag sa kapatid kong kasalukuyang nakangiti sa selpon niya..

Imbis na nag-aaral ay nakikipag landian. Humanda ka talaga saakin bukas, drake ka!

"Wait lang kuya-- tawag ako ni kuya. Wait lang hehe-- hala! Amin na 'yan kuya!" Sa sobrang tagal nitong makalapit ay hinablot ko ang hawak nitong selpon.. tumambad saakin ang mukha ni drake na nag --

"Eh? Skin care routine?" Ani ko habang nakaduro dito

"Hi bebe lucas! Miss me?"

"Spell ASA!"

"Haha serious mode ang bebe lucas ko-- hoy! Bakit pala ikaw ang kausap ko? Nasaan ang kapatid mo?"

"Hoy ka rin!" Inis na sigaw ko habang nakaduro "Gago ka drake! Imbis na pinag aaral mo ang kapatid ko'y iniistorbo mo! Humanda ka talaga bukas-- nanggigigil ako!"

"Sus, nagseselos ka lang e"

"Selos mo mukha mo! Ano namang nakakaselos sainyo?"

"Nagseselos ka kasi wala kang kabebetime or-- hmm.. nagseselos ka dahil bet mo ako? Alin sa dalawa bebe lucas?"

What the heck? B-Bet? Yak!

"Kadiri ka! Anong bet? Anong bet? Bakla ka, pati gay words alam mo-- yak! Betbetin ko mukha mo diyan e!" Ngumisi lang ito saakin

"Weh? Are you syur? Final na ba 'yan? Sa gwapo kong 'to, pati straight nababaliko ko-- o baka naman baliko ka talaga kaya hindi ko na kailangang balikuhin ka pa? Hmm"

Kinabahan naman ako doon..

Paano niya nalaman?

"U-Ulol! Anong baliko? S-Straight ako!" Uutal utal kong bwelta

"Oh, nauutal ka pa.. Ikalma mo lang bebe Lucas, malapit ka nang mahuli"

"Manahimik ka ngang gunggong ka! Sabing straight ako e!"

"Straight?" Tanong nito. Tumango naman ako bilang pagsang ayon

"Straight like a sorkol? HAHAHA"

Pakshet! Lakas ng amats!

"Bahala ka sa buhay mo, pangit mo kausap-- pakyu! Babye!" Ani ko sabay patay sa tawag "Hoy Rian hah! Mag-aral ka doon, hindi yung nakikipaglampungan ka sa mokong na 'yon!" Ani ko.

"Kj mo kuya, oo na! Wala lang nagkakagusto sa'yo e, dahil pangit ka!" Rebat nito

"Aba't--"

*BLEHHH*

"Kung pangit ako, ano ka pa? Baka magkapatid tayo, ulol!"

"Mama! Si kuya minura ako!!" Sigaw nito.. bumilog ang mga mata ko dahil sa sinigaw nito..

"Umayos kayong dalawa diyan kung ayaw niyong pag-umpugin ko kayo pareho!" Sigaw ni mama galing sa kwarto

"Eto kasi, paepal!" Sigaw ko sa kapatid bago nilayasan at pumasok sa sariling kwarto.

Sumunod ito saakin at dumila pa ulit ang loko bago lumabas.

"Abnoy!" Asar talo kong sigaw

Kainis!

Syempre dahil gabi na ay ginawa ko ulit ang routine ko-- ang istalk ang account ni Clay

He kissed me -- like wth? He's my friend! But--

I kissed a boy, and I like it! 🎶

Bumilog ang mata at labi ko sa nabasa.. maraming naglike sa tweet na 'iyon ng lalaki at mga comments..

Omg! Confirmed! He's a bisexual!!

I badly want to kiss you, Clayyy! Huhu

How is this possible? Ahhhh!!

Halos lahat ng mga nagreak ay mga bisexual.. parang umusbong tuloy ang nararamdaman ko para sa lalaki..

What if i-kiss ko rin siya?

Ngek? Umayos ka Lucas!!

"Tch! Para nag-iimagine lang e" ani ko habang sabunot ang sariling buhok

Sarap mong angkinin!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You are mine! (Boy's Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon