02

12 2 0
                                    

Mula kaninang makapasok kami sa first class namin ay nakatulala lang ako. Para akong binuhusan ng yelo dahil hindi ako makagalaw. Masyado akong nagulat kanina dahil ang hinayupak na drake na ito ay hindi man lang nabanggit saakin na si clay aiden na gusto ko ay pinsan niya pala!

"Yow bro! Anong mukha naman yan? Para kang tanga diyan HA HA HA" bira saakin ng hinayupak na drake. Inirapan ko nga, papansin e! "Shet dedma amputcha! Tama ka na sa pagkakatulala dahil kanina ka pa! Ano bang nangyari sa'yo at naging tahimik ka bigla?" tanong niya muli. Tinignan ko lang ito at bumaling sa may bintana.

"Parang gago 'to si lucas! Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Hulaan kung anong dahilan niyang pagkakatulala mo diyan? Ano ako, manghuhula?" pangungulit pa nito saakin.

"Mukha ka namang manghuhula e, why not 'di ba? Tsaka kung hindi ka naman kasi gago!" angil ko. Nagulat naman ito sa sinabi ko at nanlalaki ang mga mata habang nakabilog ang bunganga. "Baklang bakla, drake?" tanong ko. Umayos ito ng tayo.

"Ehem! Anong nagawa ko naman sa'yo at minura mo pa ako?" nakakunot ang noong tanong nito.

"Bakit hindi mo sinabing pinsan mo pala si clay!"

"Tangeks! Nagtanong ka ba?"

"Hindi."

"Ayon naman pala eh! Tsaka ano ngayon kung pinsan ko? Huwag mo sabihing inakit niya ang ali ko? Gago talaga 'yon. Teka nga at matawagan!" nanggigigil na ani nito habang inilabas ang cellphone. Tumayo naman ako upang mapantayan ko siya sabay binigyan ng malakas na batok dahilan para matigil ito sa pagtitipa sa telepono. "Aray naman!" reklamo nito.

"Anong ali mo? Pinopormahan mo ba ang kapatid ko?" inis na tanong ko. Ngumiti naman ito ng pagka lapad lapad.

Confirmed! Bakit ngayon ko lang nalaman, eh halos araw-araw kaming magkasama neto tapos close pa kami ng kapatid ko. Gago ampota!

"At kailan mo pa inaahas ang kapatid ko?" tanong ko habang pinamaywangan at dinuro ko ito.

"Bro naman! Ang bastos naman ng term na ginamit mo. Anong inaahas? Tsaka alam mo namang matagal ko nang gusto ang kapatid mo. Ibigay mo na saakin ito- aray! Nakakadalawa ka na! Isang isa nalang talaga- aray ulit! Badtrip naman 'to! Sorry na, okay?" halos mangilid na ang luha nito dahil ilang beses ko ba namang binatukan.

Deserve!

"Ano ba naman kasi yung magsabi kayo saakin, 'di ba? Parang hindi tropa ampota!" inis na ani ko tsaka umupo. "Tsaka boi, ang bata pa no'n! Bente ka na, nasa desi-otso palang yon! Paabutin mo naman ng bente bago mo pormahan. Sumbong kita kay mama eh!"

"Boi naman! Nasa legal age naman na, tsaka wala namang ganiyanan! Nalaman mo na nga eh. Tama na yung ikaw nalang muna. 'Wag na muna kay tita at baka hindi na ako makadalaw dalaw sainyo. Hehe"

"Gago!" ani ko nalang. Panay naman ang tawa nito hanggang sa dumating ang sumunod na klase.

Halos tumagal ng dalawang oras ang klase dahil mayroon pang ginanap na quiz. Mataas ang nakuha ko samatalang itong bugok na drake na ito ay masaya pa at tinatawanan ang marka. Nakakuha kasi ito ng 3 out of 35. Nagalit ang prof dahil sa nakuha nito pero ang gago, tumawa lang at nagdahilan na masakit ang mata kaya hindi natuloy sa pagrereview kagabi.

Nang matapos ang klase ay lunch break na namin. Pababa na kami nang may maalala ang lalaki.

"Lucas! Bakit nga pala nagulat ka kanina nang malaman mong pinsan ko pala si clay?" tanong nito habang patungo na kami sa cafeteria. Napatingin naman ako sakanya at lumunok.

Bakit naman hindi niya pa nakalimutan?

"Wala naman. Nagulat lang ako dahil ngayon ko lang nalaman na may pinsan ka palang malandi bukod sa'yo." ani ko

"Ay grabe naman sa dumi ang bunganga mo. Sana hindi namana ni ali 'yan boi."

"Tanga! Hindi ba tama naman ako na malandi iyon? Napakadami ngang nababalita na kafling no'n eh."

"Tama ka naman pero para kasing pinaparinggan mo rin ako. Nagbago na ako boi, promise peksman, mamatay ka man.." sinamaan ko ito ng tingin "mamatay man ako. Hehe"

"Malandi ka parin ngang hinayupak ka hanggang ngayon e!" ani ko sabay upo sa table na nahanap namin.

"Nagsipilyo ka ba? Bakit naman napakarumi na ng bunganga mo! Badtrip ka, alam mo ba 'yon?" nginisian ko nalang ito at um-order nalang ng pagkain namin.

"Tsaka lucas naman, ni wala na nga akong nakakasamang ibang babae. May nakita ka ba?" Tanong nito saakin na animo'y nagmamalaki pa. Ngumisi ako sabay labas ang cellphone ko. "Bugok, e sino 'to? Tropa mo ulit? Flying kamao, gusto mo?" Sagot ko habang naka angat ang kamao ko. Sumimangot ito at umiling. "E-Eh siya naman ang lumapit tsaka tignan mo oh, para akong naiirita diyan. Bayaw naman! Ililibre kita ng lunch buong sem huwag mo lang ipakita kay ali 'yan"

"Pakyu ka bente!" Ani ko. Hindi nalang ako umimik ulit at nagreview nalang habang hinihintay ang order.

"Lucas naman! Aish! Ang ali ko!!! Ang buhay ko!! Ang pangarap ko, gumuguho na lucas! Ayokong mawala ang kapatid mo na mahal ko!! HUHUHU"

"Manahimik ka ngang bungol ka at magreview ka nalang dahil baka may surprise exam na naman ang kabit mong guro!" Sigaw ko

"Hoy! Ang bunganga mo lucas hah! Saan ka ba natututo niyan? Ang dumi ng bunganga mo, mag mouth wash ka pag uwi mo! Badtrip ka!" Dipensa nito"Oh bakit, hindi?" Hamon ko naman. "Hindi!! Siya lang naman lumalapit. Hindi ako pumapatol sa matanda, sa bata lang. Hehe!" Sagot naman nito.

"Manahimik ka na! Ang ingay mo, hindi ako makapag review! Kung gusto mong bumagsak pare, huwag mo akong isama dahil kakaltukin ako ng tatay ko kapag nalamang bagsak ako.."

"Hayaan mo bayaw, ako kakausap kay daddy. Okay na tayo hah, wala na yung pictures hehe" pagkumbinsi nito pero dahil dakila akong mapang asar... "Utot mo, nasend na nga eh!"

"G-Gago! Gago ka lucas!! Mag tae ka sanang hinayupak ka!"

"HAHAHAHA!"

'Hays bobo ka talaga drake!'

You are mine! (Boy's Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon