04

6 1 0
                                    

Sa sobrang bait ni drake, syempre hindi uso sakanya ang pananahimik. Dinaldal ako nito nang dinaldal hanggang sa maka uwi kami. Hindi ito tumitigil hangga't wala siyang nakukuhang matinong sagot!

Dahil butihin nga rin ako, syempre hindi ko sinabi yung tunay na dahilan. Baka mandiri pa saakin ang gago, h'wag nalang!

Pagka-uwi ko kanina ay syempre kumain at naligo muna ako. Gumawa ng school activities etc.

Ang pinaka paborito ko sa lahat ng routine ko sa gabi ay ang i stalk ang account ni clay sa IG, Twitter at Facebook.. Lahat 'yan ginawa ko para mabantayan siya. Pero minsan, shet talaga dahil paiba ibang babae ang pinopost niya! Meron pa yung isang beses na nakahiga sila without any clothes!!!

Badtrip talaga ako no'n lalo na kay drake, hindi ko kinausap ng buong linggo dahil doon. Nagtaka pa nga ang gago dahil okay naman daw kami pagka-uwi tapos kinabukasan cold na raw ako. Psh!

Habang nag sscroll ako sa mga timeline nito ay dumaan sa Newsfeed ko ang isang tweet. Napatayo pa ako at napamura sa nabasa.

"Wtf! Gagi! Gagi gagi gagi!!"

'I like him, huh!'

Halos lahat ng account nito ay mayroon siyang post na gano'n. May mga comments pa na..

'Gay?'

'Bi?'

'Him? Baka her HA HA'

'Gagsti! Bakla ka? Yak!'

"Badtrip ka drake!" Inis na sigaw ko nang makita ko yung comment nito. In open ko ang messenger ko sabay tipa ng...

Pakyu ka talaga drake! Napaka-panget mo!

Sineen ako nito tsaka nagreply at nagreak.

Luh gago! Inaano kita?  Reply nito saakin. Pakyu ka, manahimik ka! Inis na reply ko bago ibinato ang cellphone sa gilid ko.

Tumunganga ako sa kisame at inisip kung para saan at para kanino yung post ni clay.

Dahil nga sa nabasa ay alas dos na ako nakatulog. Kinabukasan, ayon bangag! Hihikab hikab pa akong pumasok sa university.

"Bebe boy!" Sigaw ni drake. At dahil magugulatin ako at mapanakit at the same time ay nakatanggap ng sapok ang angkol niyo.

"Gago ka! Sabing huwag mo akong gugulatin e!" Inis na sigaw ko. Nakahawak naman ito sa kanyang batok. "Mukhang hindi ko na nga uulitin, pakshet! Ang sakit!" Ani nito

Deserve!

"Pre, ano nga palang nakain mo kagabi at pinagmumura mo na naman ako? Naka drugs ka ba kagabi? O baka naman niregla? O baka naman baliw ka lang talaga? Hmm, alin kaya sa tatlo?" Daldal nito habang sabay kaming paakyat papuntang room namin. Dahil sa tanong nito ay naalala ko na naman yung comment nito sa post ni clay kagabi.

Badtrip!

"Shut the fuck up, drake! Badtrip na nga ako, babadtripin mo pa lalo. Tatamaan ka ulit.." Ani ko

"Woah woah! Easy lang bro! I'm just asking, okay.. tsaka malay ko bang badtrip ka today. Parang hindi ka naman today lang badtrip kundi araw-araw.." ani nito saka nagpatuloy " I'm just wondering kung bakit kaya palaging mainit ang dugo saakin ng bebe lucas ko? Hmm.. omg! Baka nagdadalang tae ka--- tao pala.. nagdadalang tao!"

"Tigilan mo ako drake. Bebe lucas ampota, kadiri!"

" Eh kasi, para kang naglilihi! Is it a boy, or a girl? Tell me bro-- ow, okay.. shut up na ako hehe" paano kasi, tinignan ko ito ng masama at inambahan ng kamao. Sobrang daldal, peste.

Nagstart ang klase mga 8:30 at natapos ang unang subject mga 10:15.. after nang unang klase ay lipat na naman sa next room at next subject. Halos wala namang bago, hindi ko rin nakita ang lalaki kaya mas lalo akong nabadtrip.. pinaka nabadtrip pa ako nang wala paring tigil sa kakadada si drake..

Just ignore that fucking bastard, lucas! Ignore.

Pero shet lang dahil kahit anong klaseng ignore ang gawin ko ay dumadaloy na talaga sa dugo ng mokong na 'to ang pagiging makulit..

"Drake! Come here.." pagtawag ko rito. Hindi na saakin dumadaldal dahil boring daw akong kausap kaya lumipat sa ibang upuan.. "Ano, miss mo ako? Sus lucas! I knew it! Spill the tea!" Agad nitong sabi habang papalapit saakin

Tch! Kalalaking tao, chismoso!

"Mukha mo spill!" Ani ko.. tumawa lang ito sabay upo sa harap ko.

"So bakit mo ako in-istorbo?" Tanong nito..

"Sino naman ang tinutukoy nung mokong mong pinsan sa post niya? Bakla ba 'yon?" Derekta kong tanong

"Wow hah! Coming from you! Parang mas mukha ka ngang gay doon.." ani nito. "Gago!" Sagot ko..

"Hindi ko rin alam sa tarantadong 'yon pero ang alam ko, yung tinutukoy niya doon sa post niya ay yung boyfriend nang kapatid niya, si Rian.." Ani nito. Tumatango lang ako bilang sagot.

"Finollow mo si Clay? Wow hah! Samantalang ako, hindi mo man lang friend.." Ani nito "Asa! Dumaan lang sa Newsfeed ko.." sagot ko "tsaka ayaw kong madungisan ang mga account ko kaya hindi kita ina-add.." "Ulol! Lokohin mo lelang mo.. hindi mo makikita 'yon kung hindi mo finnollow." Nakadurong sagot nito "Bakit mo ba natanong?" Intrimitida nitong tanong "Wala naman, akala ko kasi bakla. Alam mo na, dumadaloy sa dugo niyo ang pagiging babaero at bakla" sagot ko

"Tanga!Walang bakla saamin hah, grabe 'to"

"Oh? Hindi ba bakla ka?" Tanong ko

"Gago! Kaya pala trip ko kapatid mo!"

"Hoy! Umayos ka hah, sinasabi ko sa'yo Drake.. makakatikim ka saakin nang mag-asawang sapak! Huwag ang kapatid ko."

"Ihh! Papa Lucas, gusto ko nga kasi ang bebe sister mo na magiging bebe ko rin soon tapos magiging brother in-law mo na rin ako.. Yown! Sarap sa feeling"

" Sige lang, umasa ka lang.. ulol!" Anas ko sabay tulak dito..

"HA HA HA! Soon to be brother-in-law ! Lalala lala.." ani pa nito bago lumapit muli sa kausap kanina..

Baliw.

You are mine! (Boy's Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon