"Tangina! Babaero ampota." anas ko nang makita ko si Clay na nasa cafeteria habang may kaakbay na babae. "Bakit nandito 'yan eh may sarili naman silang cafeteria? Badtrip." anas kong muli. Tamang kain lang naman si drake sa harap ko kaya bumubulong bulong ako rito.
Hindi naman siguro niya maririnig!
Nakatingin lang ako sa pwesto ng lalaki habang naglalandian sila nung freshman ata.
Ginawang sogo amp!
"Cafeteria 'to at hindi sogo! Lalandi!"
"Ano ga't nagsasalita kang mag-isa? Alam mo boi, kanina ka pa. Natatakot na ako sayo hah! Umayos ka! Ikain mo nalang 'yan." ani drake nang mapansin ako nitong nagsasalita mag-isa. "Siya nga pala boi-" hindi nito natapos ang sasabihin matapos ko itong sigawan
"Ano?!" Pasigaw na tanong ko. Sa gulat nito ay nabitawan pa nito ang kutsara at tinidor na hawak niya. Pati ang ibang mga nakaupo sa iba't ibang table ay napatingin saakin dahil sa pagsigaw ko.
Napasapo naman ako sa mukha dahil sa kahihiyan. Ngumiti na lamang ako, iyong ngiti na nahihiya at tsaka nag peace sign.
"Ayan! Ayan ang napapala mo, masyado kasing maikli ang pasensya mo. Buti nga sa'yo!" Tukso saakin ni drake habang ngingisi ngisi "Nagtatanong lang kasi yung tao, naninigaw, yak!" Dugsong pa nito sabay kain. Inirapan ko nalang ito at tumingin muli sa pwesto nina clay at nagulat ako nang makita ko ang lalaki na nakatingin rin saakin. Ngingiti ngiti pa ito sabay kumaway.
Epal!
Nag-iwas kaagad ako ng tingin dahil uminit ang mukha ko. Alam kong pumula ang pisngi ko dahil doon. Tinapos ko nalang ang kinakain para na rin makaiwas sa lalaki.
Putek! Bakit ba nagustuhan kitang babaero ka?! Kinanginaaaa!
Halos sabunutan ko na ang sarili dahil sa kahihiyan ko kanina.
E paano ba naman, nang matapos kasi kaming kumain ay dali daling lumapit saamin ang clay na 'yon at tinukso tukso ako. Halos ingud ngod ko na ang mukha sa lamesa dahil sa pag-iinit ng mukha ko. Napansin niya iyon at tinukso na naman ako. Ang akala niya'y gusto ko ang babaeng kasama niyang kumain. Todo ang irap ko nang sabihin niya 'yon.
Like wtf! Siya kaya mismo ang gusto ko!
Tangina lucas, baklang bakla!
"Hoy!" panggugulat saakin ni drake
"Ano ba! Gago ka ba?!" Ani ko. Hindi sana ako iimik kaso ang sakit ng batok ko. Dakmain ba naman ako? Gago!
"Eto naman, kasungit. Nakakunot na naman kasi ang noo mo. Napakapanget mo na nga, gan'yan ka pa parati. Nako lucas, hindi ka dating ganyan, maniwala ka saakin." bungad saakin ni drake. Galing siyang ibang section, nakipag usap sa mga tropa niyang bulakbol.
Panget? Ako? Gago totoo?
"Panget ako? Legit 'yan boi?" Nag aalalang tanong ko.
"Luh! Kakasabi lang diba? Tanga amp!"
"Shit! Pahiram nga pulbo mo tsaka salamin na rin! Dali!" Sigaw ko sakanya
"Hala si gago, na conscious na sa itsura! Bugok, joke lang. Ang seryoso mo ngayon, nakakapanibago ka" nagtatakang anas nito.
"E-Ehem!" Napaayos naman ako ng upo dahil sa sinabi nito.
"Alam ko hindi ka nagpupulbo, bakit ngayon ay nanghihingi ka? May pinopormahan ka ba na hindi ko alam?" nagtatakang tanong nito saakin. Kinunutan ko naman siya ng noo para hindi ako mahalata. "Gago, binata ka na boi!" sigaw nito saakin.
"A-Ano ba! Masakit sa tenga 'yang boses mo, tangeks!" inis na sigaw ko pabalik.
"Kita mo! Iyan ang sinasabi ko, ayan ayan!"
"Alin ba? Parang timang naman ang hinayupak na 'to"
"Ayan ba, 'yang kagaganyan mo. Para ka nang babae kung umasta, palagi kang badtrip saakin. Nakakapanibago." ani nito. Binigyan ko naman ng isang malakas na batok para mapagtanto niya ang mga bagay na kinaiinisan ko sa ganoong style niya.
"Aray! Mapanakit ka na rin"
"Paano ako hindi maiinis sa'yo kung palagi kang nakasigaw! Alam mo ba kung gaano katining ang boses mo? Sa sobrang tining, mas babae pa boses mo sa mga kaklase natin. Mag isip ka nga!" sagot ko
"Sus reasons" ang nasabi nalang nito bago lumipat sa upuan niya.
Kainis!
BINABASA MO ANG
You are mine! (Boy's Love)
RomanceEveryone has someone destined for them, whether you're straight or gay, homosexual or tomboyish, bisexual or transgender because 'Love doesn't choose gender. Kapag tinamaan ka, tinamaan ka.' - This is a work of fiction. Any resemblance to a name, lo...