Mina
kakauwi ko lang galing kila Audrey, nasaktan ako sa kinalabasan ng lahat kasi I admire her for a long time. Tinago ko ang nararamdaman ko ng mahabang panahon to treasure our friendship sana pala tinago ko nalang.
"fuck" I uttered
nahiga agad ako at inisip kung paano siya ia-approach bukas.
"Ang lapit-lapit ko lang sa'yo, we're best friends pero bakit parang hirap na hirap akong abutin ka, Audrey" I said, smiling.
Nasaktan ako sa outcome ng confession ko sakaniya.
Binato ko ang unan sa hangin at hinayaang itong mahulog sa lapag at kinuha ang phone ko at tinignan yung litrato naming dalawa sa restaurant kanina.
"sana pala hindi ko nalang inamin na mahal kita, shit! akala ko naman kasi g-gustohin mo rin ako, sakit mong mahalin" saad ko habang nakatitig parin sa phone ko.
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi. Agad akong pumasok sa banyo para maligo, Friday ngayon at next week na ang foundation day kaya busy ako ngayong araw to check the event also yung mga booths na inayos namin yesterday.
"good morning!" bati ko kay mom naabutan ko kasi siya sa kusina, gulat din akong makita siya ngayon sa bahay pero hindi ko nalang pinahalata.
nasa kusina si mom nag luluto ng breakfast tinulongan niya na si manang julie. Ganito talaga si mom pag nauwi ng bahay galing trabaho gusto niyang siya mismo ang nag hahanda ng breakfast kasi susunod niyan pupunta na ulit sila sa ibang bansa para asikasohin ang mga businesses nila.
"how's your school, sweetie?" she asked at binigyan ako ng plato.
"okay lang naman po, yours mom?" I asked habang kumukuha ng breakfast na niluto nila ni manang julie.
"medyo stress, but alam mo naman ako hindi ako titigil hanggat kaya ko pa mag trabaho" she smiled at me.
She's so brave sakaniya ko ata namana yung buong pagkatao ko.
"don't be hard on yourself, Mom pahinga ka rin paminsan-minsan"
"Oo naman, mamaya nga pupunta ako sa spa at derma para makapag relax din ako, sige na kumain kana baka malate kapa sa school mo"
"kain po" alok ko sakanila ni manang julie.
"kakain na rin kami mamaya, eat well" mom said while preparing my juice.
kumain nalang din ako dahil busy ako ngayon, hindi ko parin alam kung paano kakausapin si Audrey.
"take care, sweetie!" mom said while waving her hand.
"ingat, mina" manang julie said.
Kumaway lang ako sakanila at pumasok na sa sasakyan ko.
Habang nag d-drive ako hindi ko parin alam kung paano ko kakamustahin si Audrey.
"Ano ba kasing ginawa mo Mina" napapalo pa ako sa manibela dahil sa inis.
Nakarating na ako sa school pero hindi parin maalis sa isip ko kung paano ko ia-approach si Audrey. Bumaba na ako sa kotse at nag mamadaling mag lakad ng may biglang tumawag sakin.
YOU ARE READING
Don't Listen In Secret
Misteri / ThrillerI am Audrey Miles and I know your secret. shhhhh