5- Free Hugs

274 11 0
                                    

"Better to gain humility through defeat than to grow arrogant through victory."
Still congrats to our Phil Champ.
At dahil kay Mayweather, nainspired ako. Hahaha. Kita naman sa title XD
------****----------****---------****--------****
Free hugs
... cause the best things in life are free.

(Play music beside)

"Oy Jenna. Saan ka na naman ba pumunta? Kita mo naman na ang dami-dami nating customers ngayon. Ikaw talagang bata ka. WALANG UTANG NA LOOB." Bungad na sigaw sa akin ng Auntie ko.

Ako si Jenna Mateo. Wala na akong mga magulang. Iniwan lang kasi nila ako sa Auntie ko. Kahit minsan hindi ko sila nakita. Kahit anino lang nila wala akong naramdaman. Hindi ko nga din alam ang mga mukha nila. Kahit pictures kasi walang naipakita sa akin ang Auntie ko.

Nagtatrabaho ako sa Restaurant ni Auntie. Maliit lang naman 'to pero sobrang kilala dahil masarap talaga ang mga pagkain.

Nakatira ako sa boarding house na malapit dito. Ayaw kasi ng asawa ni Auntie na tumira ako sa bahay nila. Kahit ganoon, nagpapasalamat nalang din ako kahit hindi masyadong mabuti ang pakikitungo nila sa akin, binigyan nila ako ng trabaho.

"Sorry po Auntie. May event po kasi kanina sa School. Kailangan po kaming mga scholars."

Working student ako. Nag-aaral ako sa Fontana University. Scholar ako doon dahil Valedictorian ako noong highschool ako.

"Baka naman nakikipaglandian ka lang ha! Sinasabi ko sa'yong bata ka, kukurutin kita sa singit ng matauhan ka. Magtrabaho ka na." Sigaw na naman niya. Kanina pa ata basag yung eardrums ko.

"Opo Auntie"

Aray naman. Ang daming parts ng katawa doon pa.

Nakikipaglandian? Wala nga akong manliligaw eh. Tsssk. Pero mayroong isang lalaki na nagpapatibok ng puso ko.

Si Patrick Silva.

Nag-aaral din siya sa Fontana University. Ka-batch ko siya kaso hindi kami classmates kasi nasa 2nd section siya.

Kilala siya sa school namin kasi sobrang loyal niya sa girlfriend niya. Oo, may girlfriend siya Kerstin Diaz ang name. Kaya nga hanggang pangarap nalang ako e.

Alam nyo yung sobrang cute nila kapag magkasama, yung simpleng asaran pero napaka sweet sa isa't-isa.
May time nga nag-away sila noon, sobrang effort ni Patrick na suyuin si Kerstin. May flowers at banners pa tapos lumuhod pa si Patrick sa kanya saka nag-sorry. Ang serious diba? Ang sweet nila. Sobrang sikat silang couple. Parehong mayaman at sikat kasi sila.

Alam nyo ba minsan inimagine ko ako yung kasama niya, ako yung in-e-effort-an niya. Hay, ang sarap lang talaga mangarap at the same time ang sakit. Hopeless romantic talaga ako.

Back in reality. Sobrang daming tao dito sa restaurant. Dinner time na kasi. Ang hirap asikasuhin silang lahat.

"Miss water nga"
"Miss yung order namin?"
"Miss patake-out naman 'to"
"Miss pa-follow up naman yung order namin"

Hay. Ka-stress lang.

Hanggang natigil ako sa paglakad ko kasi nakita ko si Patrick at si Kerstin papasok dito. O-O

Nakalimutan ko nga palang sabihin na best dating place din nga pala 'tong restaurant na'to.

So date nila ngayon tapos dito pa? Ang sakit ha?

Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko.

Pamaya-maya. "Miss pa-order" napalingon ako sa tumawag, si Patrick!

Collection of One Shot Stories.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon