Just another short story <3
Enjoy! ;)
_______________________________________
"Hiling”
...It is okay to wish, but when it happens make sure you must pay the price.
Sabi nila libre lang daw ang mangarap o humiling, dahil wala naman daw mawawala kung susubukan mo ito. Swerte mo daw kapag natupad ito, malas mo kung hindi, siyempre.
Pero sa bawat kahilingan ay mayroong kalakip na kabayaran, akala mo libre lang pero ang totoo may kapalit ito. Teka? Paano nga ba masasabing may kapalit ito? Hindi ba pwedeng natupad na ito at maging masaya na at enjoyin na yung hiniling mo?
Pero paano kung sa isang iglap nagbago ang lahat dahil sa hiniling mo? Paano kung hindi mo na kaya pang ibalik ang dati? Hihiling ka pa kaya?
“Nakakainis talaga, bakit ba kasi kailangan pang mangyari ‘to eh.” Pagsisisi ni Lia sa kanyang sarili habang umiiyak at kinakausap ang isang lalaking nakahimlay sa gitna ng kalsada habang umuulan at sumisimoy ang malamig na hangin sa kanyang katawan. Ramdam na ramdam niya ang ginaw ngunit wala siyang magawa kung hindi humingi ng tulong, halos hindi na siya makatayo dahil nawalan na siya ng lakas sa lahat ng mga nangyari. Mabilis… Mabilis ang mga pangyayari parang kailan lang ay kasama niya ang lalaking nakahimlay ngunit ngayon ito ay nag-aagaw buhay.
At inalala niya ang nakaraan.
“Uy bestfriend. Kanina ka pa ba diyan ha? Sorry na-late ako, cleaners kasi ako eh” sabi ni Lia sa kanyang bestfriend na si Lian. Kinuha naman kaagad ni Lian ang bag ni Lia.
“Salamat” ang sabi ng dalaga sa binata.
“Uy Lia, balita ko may concert daw sila Julia Hemmings at Daniel Ledesma dito sa school bukas ah? Bumili na ako ng ticket natin alam ko naman na sobrang idolo mo yun eh.” Ang sabi ng binata sa kanyang kaibigan.
Si Lia at Lian ay matalik na magkaibigan simula pa lamang noong elementarya sila, sila ang palaging magkasama, at halos parang magkapatid na talaga ang turingan nila. Ngayon ay nasa ika-apat na taon na sila ng hayskul ay sila pa rin ang magkasama.
“Talaga ba Lian?” At biglang niyakap ni Lia ang binata dahil sa sobrang kasiyahan na nadarama niya dahil sa pagbili ng ticket ng concert ni Julia Hemmings – isang sikat na sikat at iniidolo ng bawat kabataan na katulad nila Lia.
“Napakasaya ko talaga, sobrang excited na ako para bukas” sabi pa nito at nagtatatalon pa sa tuwa habang hawak-hawak ang tiket nila. “Sobrang nagpapasalamat talaga ako kasi naging bestfriend kita” dagdag pa niya at bigla niya itong hinalikan sa pisnge.
Hindi nakapagpigil si Lian at ito ay napangiti sa ginawa ni Lia sa kanya. Simula kasi ng elementarya sila ay may lihim ng pagtingin o nararamdaman si Lian para kay Lia pero dahil sa natatakot siyang baka mawala ang pagkakaibigan nila ay hindi niya ito inaamin kay Lia lalo na at alam niyang gustong-gusto ni Lia si Daniel Ledesma – isang aktor at sikat na sikat na artista na katambal ni Julia Hemmings sa kanyang palabas. Hindi man kayo maniniwala pero dati nila itong klasmeyt na naging sikat, at ito rin talaga ang first love ni Lia. Oo, alam ni Lian na kahit kailan ay hindi pwedeng mangyari ang gusto ni Lia na magkagusto si Daniel Ledesma sa kaibigan niya pero sinusuportahan niya nalang ito dahil alam niyang ito ang makakapagpapasaya sa kaibigan niya.