YOUR CRUSH 'LIKE' THIS
... A story of a girl that wanted so bad to like her picture of her crush.
Sa panahon ngayon, sobrang laganap na ang mga social media account sa internet.
At ang pinakauso ngayon ay ang site na "FACEBOOK" hindi ba?
Aba naman! Parang hindi ka tao pag wala ka niyan! Dahil sa panahon ngayon pati nga hayop may mga Facebook accounts na! Siguro nakatira ka sa bundok kapag talaga wala ka niyan!
Oh well, I'm Mikaela Perez. 15 years old. I'm incoming 4th year student. Ako lang naman kasi ang babaeng adik sa picture at sa Facebook. Hindi naman ako kagandahan, sakto lang. Pero sabi nila cute daw ako. Hihi.
Sa totoo lang, halos may thousand pictures na sa Facebook account ko.
Yung tipong kakain nalang ako, kailngan may picture pa! At walang araw na hindi ako naga-upload sa Facebook noh!
"Oy Mika, tara na pasok na tayo! Male-late na tayo eh." sabi ng Kuya ko.
Si Kuya sobrang close ko yan eh, parang hindi pa nga kami nag-aaway niyan! Sobrang love na love ko yan!
Pero bago ako lumabas, picture muna.
Smile! *click*
Then upload it agad na sa facebook. Ihhhh. Ang cute cute ko naman! Haha!
Then wala pang one minute may 25 likes na agad. HAHAHA!
After nun lumabas na kami at sumakay na ako sa Motor ni Kuya! Siya lagi ang naghahatid sa akin tuwing umaga sa School. Araw-araw yan ha! Kaya wag na talaga kayong magtanong kung bakit mahal na mahal ko yan!
After 25342562 minutes, nandito na kami. "Oh Mika, Be a good girl ha? Wag na clumsy at mag-aral mabuti" sabi niya.
Nag smile ako. 'Oo naman kuya! Sabi mo eh!" tapos nag wink na ako at nag wave sa kanya.
Pagkapasok ko sa school gate, nakita ko na kaagad ang best friend ko. 'uy Johanna! Tara sabay na tayo" saka ako lumapit sa kanya.
"Oh, ikaw pala Mika! Tsss. Nakita ko na agad picture mo sa FB ha! Alam mo ba yung feeling na pag magbubukas ako ng account ko may new picture ka na naman" pagbibiro niya.
Wi-fi school naman kasi 'to. Kaya kahit saan pwede ka mag surf!
"Siyempre talagang ganun Johanna! tara na nga picture na tayo" tapos bigla kong pinindot yung capture button ng cellphone ko.
Haha! Di siya ready. Stolen siya ako naka-smile. Upload na kaagad ituuu! Haha.
"Ansama mo talaga Mika! Erase mo nga" nagbhelat ako sa kanya.
Tapos nun pumunta na kami ng Room.
Pagkadating namin ng room, nakita ko na agad si Vince. Ok. Si Vince lang naman ang crush ko simula first year pa lang! Sobrang gwapo yan eh, saka gentleman. Ewan pero, sobrang patay na patay ako sa kanya!
"Oh Mika! puso mo baka malaglag" biro niya.
'Tse" sabi ko at naupo nalang ako sa upuan ko.
Hmmmm. Nakakainis lang talaga eh, halos since first year pa kami magkaklase ni Vince pero sobrang dalang namin mag-usap!
Makakausap ko lang siya pag ka-group ko siya o kaya nagbibiruan kaming magkaklase. Pero sa buong buhay ko di ko pa siya nakaka-usap ng masinsinan at seryoso.