October 18, 2018
It was tiring practice for our upcoming dance competition that will be helding to another school.
Mag-a-alas kwatro na at nasa school pa rin kami gayong kaninang alas dose pa ng tanghali ang uwian.
Puspusan ang practice namin dahil dalawang araw na lang ang nalalabi upang makapag-ensayo
This competition may be considered as just another extracurricular activity but for us who love to dance, it was more than that. It was to prove to ourselves that we are the best dance group in all of the high schools in the city.
"Mukhang walang kapaguran si Madelaine. Ang sharp pa rin ng galaw kahit kanina pa tayo nagprapractice," puri ng kasamahan ko nang bigyan kami ng limang minutong break. "Anong sikreto mo, Madeleine?"
Nginitian ko siya.
Bilang madalas maipwesto sa sentro ng formation, mahalaga na name-maintain ang energy ko mula simula hanggang katapusan ng sayaw.
"Ganon ata talaga kapag dancer rin boyfriend," biro ng isa ko pang kasamang dancer. "Mas gumagaling."
Mas lalo akong napangiti roon.
I have a boyfriend. He is a 2nd year college student taking a degree in theater and dance. I met him three months ago when I was watching a dancing competition in which he is a participant.
Isa iyong dance competition kung saan participant ang iba't ibang university. Naroon ako upang matuto at suportahan ang Hamilton University, ang partner school ng Hamilton High, kung saan ako nag-aaral.
Mark is from different university. Noong napanood ko siyang nagpeperform, humanga agad ako sa kaniya. At nang ipinakilala niya ang sarili, doon na nagsimula. I felt certain I had discovered my first love.
They are correct; my dance abilities are progressing thanks to my enthusiastic boyfriend, who is dedicated to teaching me.
"Madelaine, may naghahanap sayo sa labas."
Nabaling ang tingin ko sa kasamahan kong dancer na galing labas upang bumili ng bottled water sa cafeteria.
"Nandiyan na si Mark?"
Ang aga naman akong sunduin.
Umiling ito. "Hindi. Babae. Taga ibang school."
Nangunot ang noo ko roon.
Lumabas ako ng auditorium upang puntahan kung sino man ang naghahanap sa akin.
"Madelaine Alvarez?" bungad agad ng isang babae pagkalabas na pagkalabas ko ng school auditorium. The girl sports a brown bob-cut hairstyle and wears somewhat heavy makeup.
Nagbaba ang tingin ko sa suot niyang masikip na uniporme. She's from Highley University. Pareho sila ni Mark.
Pansin kong pinasadahan rin niya ako ng tingin. N
nakatikwas ang kanang kilay niya habang tumititig sa akin mula ulo hanggang paa.Nakuyom ko ang palad dahil sa kamalditahan niya.
Aba't kung hindi lang ito matanda sa akin, ay iirapan ko 'to!
"May kailangan ka po?" tanong ko sa medyo mataray na tono.
Tumawa siya. "Aba, maldita. Ilan taon kana ba?"
Nangunot ang noo ko sa tanong niya. "Sixteen."
Mas lalo siyang natawa tila iniinsulto ako. "Christ, sixteen. Nene, tapos ka na ba sa practice mo?"
BINABASA MO ANG
THWM 3: The Art of Love
RomanceHer dancing mirrors the artistry of a paintbrush crafting a masterpiece on paper, and she embodies the essence of art - she is art. ~~~ Her confidence and beauty captivate many, particularly boys. Despite numerous admirers, Madelaine, also known as...