Free day. Our professors canceled their classes for us to prepare for the upcoming audition.
"For your audition piece, I advise you to choose a song or act that is relates with your feelings. Mahalaga ang emotions upang mapili kayo sa gusto niyong role," our professor advised before she leave the room.
Napahalumbaba ako sa mesa ko dahil roon.
Ano bang nararamdaman ko?
Wala. Boredom lang.
Out of eighty students, we learned that almost fifty students expressed their interest for the main casts of the play, including myself.
Ang sabi pa sa amin, nakadepende sa resulta ng aming audition kung anong role ang ibibigay sa amin ni Ms. Ocampo.
I badly want to be the main character. I like to act as Anne Bolelyn.
I started researching about her life and I just found myself digging deeper into the British Monarchy. I am not actually a fan of history but Anne Boleyn's life during the time when patriarchy reigned, fascinates me.
Napagdesisyuan kong lumabas ng classroom upang maglakad lakad at mag-isip.
Hindi ko talaga alam ang gagawin ko!
Habang naglalakad, napansin kong may mga estudyanteng may dala dalang ng mga plywood at ang ilan naman sa kanila ay may bitbit na pintura at cardboards. Curious ako kaya nilapitan ko sila.
"Para saan yan?" tanong ko sa lalaki na tingin ko ay first year. Namula ng tenga nito nang bumaling ito sa akin kaya napangiti ako.
"Sa College Musical Theatre Festival po."
"Gagawa na kayo ng props?"
He nodded. "Siguro po ate. Pinapadala na po itong materials sa loob e"
Bigla akong nakaramdam ng excitement habang pinagmamasdan ang mga materials.
"Historical accurate naman ang gagawin nyo diba?"
Kahit namumula pa rin ang tenga, mukhang na-offend ang estudyante. "Syempre naman ate. Magreresearch kami."
Then I just found myself following them wherever they will bring those materials. Baka makahanap ako ng idea or inspirasyon kapag nakita ko ang ginagawa nila.
Napansin kong sa basketball court ng Hamilton University sila patungo. Tulad ng ibang estudyanteng naroon, nakisalampak ako sa sahig upang panoorin sila. Mukhang wala silang mga klase dahil hindi sila nakauniporme, kundi nakat-shirt at jogging pants lang rin katulad ko.
"Nakapagresearch na kayo para sa costume?" tanong ng isang babae.
"Oo pero medyo nakakalito. Iba ibang source, iba iba rin ang itsura ng pinapakita," sagot ng lalaki.
"Saan ka ba nag research?"
"Sa mga movies."
Napangiwi ako sa narinig.
Maraming historial movies ang inaccurate ang costume.
Nagsimula na silang mag ala bubuyog dahil sa ingay at gulo habang nag-uusap usap. May kaniya kaniya silang grupo kaya bigla akong nastress imbes ma mainspire.
"Where is kuya Kayden ba?" tanong ng isang babae na mukhang frustrated na rin.
"Hindi siya makakapunta ngayon. Busy ang mga third years."
"Ganon? Hindi pala dadating si Kuya Kayden?"
Mas naging sila.
"I skip my class pa naman para makita siya!"
BINABASA MO ANG
THWM 3: The Art of Love
RomanceHer dancing mirrors the artistry of a paintbrush crafting a masterpiece on paper, and she embodies the essence of art - she is art. ~~~ Her confidence and beauty captivate many, particularly boys. Despite numerous admirers, Madelaine, also known as...