Kabanata 3

36 3 2
                                    

The following day is bright and sunny. The weather is refreshing, as if there wasn't heavy rain last night.

The Hamilton University is busy and loud. May event kasi ngayon sa auditorium kung saan magaganap ang oath taking ceremony ng newly elected student council officer ng university.

Lahat ng estudyante ay obligadong dumalo kaya kanselado ang mga klase. Alas-otso pa lang dapat raw nasa auditorium na, at ito ang unang beses na sumunod kami ni Kate sa call time ng event. Usually, fifteen to thirty minutes kaming late pero ngayon, hindi. We will support wholeheartedly our best friend, Shannon, dahil ito na ang mauupong student council secretary ng Hamilton University.

"Naeeexcite ako para kay Shannon," rinig kong sabi ni Kate nang makapasok kami ng elevator.

Nasa fifth floor ng main building ang auditorium.

"Kaya nga, parang kailan lang kasama lang natin siyang malate sa ganitong mga event," biro ko.

As expected, kahit sakto kami sa call time na alas otso, kakaunti pa rin ang estudyanteng nasa auditorium. Paniguradong alas niyebe pa yan magsisimula.

Laking pasasalamat namin ni Kate dahil walang designated seat per department at year level. Pwedeng maupo kahit saan. Pinili naming maupo sa pangalawang row. Ang unang row kasi ay ookupahan ng mga bisita at mga outgoing officers.

"Nandito na kayong dalawa!" bati agad ng boyfriend ni Kate na si Tyler.

"Hello!"

Si Tyler ang outgoing vice president. Kasunod niyang lumapit si Shannon at si Kuya Gus, ang outgoing president.

Napatitig ako sa kanila at palihim na natutop ang bibig nang marealized kung gaano kabigatin ang mga boyfriend ng mga kaibigan ko.

Maliban sa mga former student council officers ang mga ito at mga gwapo, mga tagapagmana rin ito ng mga kumpanya. Mga matatalino at mabait rin.

Parang nanalo sa lotto ang mga kaibigan ko, samantalang ako...

Er.

Nevermind.

Hiling ko na sana na wala sa dalawang ito ang saktan ang mga kaibigan ko. Humanda talaga sa akin.

"Nga pala, Kate and MD, nandito rin ngayon ang dalawang kababata ko. Pareho silang first years. Okay lang ba, isama ko sila sa inyo? Medyo naninibago pa sila e" tanong ni Shannon na kinakuha ng atensyon namin ni Kate.

"Oo naman," sabi ko.

"Sure!"

"Thank you! I-message ko lang sila na pumunta rito."

Maya maya dalawang babaeng parang nahihiya ang lumapit sa pwesto namin. Nagkatinginan kami ni Kate nang makita ang mga ito ng malapitan.

Ang gaganda!

"Kate and MD, this is Julia and Haven. Kababata namin sila ng kapatid ko sa dati naming tinitirhan," pagpapakilala ni Shannon. Pinakilala niya rin ang mga ito kay Kuya Gus at Tyler.

Napangiti ako nang makita ang saglit na pagkakatulala ng dalawang first years nang ipakilala sila.

First years at medyo bata pang tingnan pero ang gaganda. One year from now or even just months, paniguradong dudumugin ito ng mga admirers.

Pagkatapos ng konting kamustahan, nagpaalam na rin ang tatlo at muli kaming naiwan ni Kate kasama ang dalawang first years. Dumadami na rin ang bilang ng mga estudyanteng pumapasok sa auditorium.

"Nagbreakfast ba kayo before pumunta rito?" rinig kong tanong ni Kate sa dalawa.

Sabay silang tumango.

THWM 3: The Art of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon