Kabanata 4

43 3 2
                                    

"Bakit hindi mo agad sinabi?!" eksahadang tanong ng mga kaklase ko nang ibalita ko sa kanila na makikinood ng practice ang ilan sa mga dati at bagong student council officer.

Nagkibit balikat ako. "Bakit?"

"Hindi tayo handa, nakakahiya sa kanila," rinig kong komento ni Lilibeth.

Hindi handa saan ang tinutukoy niya?

Napatingin muli ako sa mga kaklase ko, nagkaniya kaniyang lapit ang mga ito sa mga bag nila, nilabas ang kanilang mga make up kit.

Ah kaya..

Nasa ganon kaming ayos nang dumating , ang aming choreographer.

"Sir Chris, buti dumating ka!"

He was absent from our last practice.

"Pasensya na, guys. May musical theater kami kahapon." 

Napansin kong tumingin siya sa gawi ko. Pasimple akong umalis at nilapitan si Kate na noon ay nanonood lang sa amin.

"Hindi ka ba mabobored?" tanong ko sa kaniya.

Umiling siya. "Of course, not."

"Okay..."

Our midterm presentation involves conveying a narrative through interpretive dance. Although I usually take a central role in most choreography, this time Lilibeth has taken on the lead female role, with Dennis playing her love interest, as usual. The interpretive dance revolves around the theme of lovers facing challenges but ultimately finding solace in each other's embrace.

Clichè, I know.

"Formation!" tawag ng aming choreographer. Sir Chris is an alumni of Hamilton University and was asked by our professor to monitor and guide us.

Sa totoo lang, mas gusto ko kapag wala siya sa practice namin.

I walked towards the center.

Our dance begins with choreographed routines aimed at setting the story's atmosphere, demanding slow and expansive movements. Maintaining body balance proves to be the challenging aspect.

Nasa kalagitnaan kami ng pagsasayaw nang bumukas ang entrance ng auditorium.

Natanaw ko ang pagbukas ng pinto ng auditorium at ang pagpasok ng dati at bagong mga student council officers. Halatang nadistract lahat kahit si Lilibeth at Dennis.

The music came to a halt as our choreographer snapped his fingers. Naglakad ito sa gitna. Nagkatinginan kaming magkakaklase.

"What is it everyone? You shouldn't be distracted if some audience came to watch you. Hindi hihinto ang play para sa inyo. Let's do it again from the start."

Before we came back from our first position, some of my classmates greeted our audience. Hindi na ako bumababa ng stage gaya nila. Kumaway na lang ako kanila Shannon at Kate na malalapad ang ngiti na kumakaway kaway rin sa akin. Kasama nila ang mga boyfriend nila pati na rin ang iba pang officers. Nandoon ang newy elected president pati na rin ang magpinsang Hamilton.

Nagawi ang tingin ko roon sa vice president, nahuli ko itong nakatingin sa akin pagkatapos ay nginitian ako.

"Start na ulit, Madeleine," mahinang tapik sa akin ng aming choreographer sa bewang ko.

The music started and I looked again in that guy's direction. Nahuli ko na naman itong nakatingin sa akin kaya nakipaglaban ako rito ng titigan. Nakahalukipkip pa at nakataas ang gilid ng isang labi.

Ang weirdong ito...

Then, I heard another snap from our choreographer. Takang bumaling ako rito. Sa akin nakatingin. "Nahuhuli ka sa timing Madeleine."

THWM 3: The Art of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon