Kabanata 2

40 3 3
                                    

'May girlfriend si Mark...'

'May naunang girlfriend ang boyfriend ko.'

All I know I want to do at that time is to run away and disappear. 

Tears soak my face, almost numb to the slaps. The path ahead blurs as my eyes are filled with tears.

Mabilis ang pintig ng puso ko. Sa sobrang bilis gusto ko iyong hampasin. Masakit. Nahihirapan akong huminga. 

Gusto ko na lang mawala…

I don't know how I was able to ride a jeep. Hindi ko maalala kung paano ako nakabayad. All I knew was that passengers were looking at me. Some were worried, some were confused and some were afraid of me. 

"Nene, ayos ka lang ba?" 

I wasn't able to answer that question. Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na nakababa na sa jeep na iyon. 

Takbo lang ako ng takbo kahit nanlalabo na ang paningin ko. 

Muntikan pa akong masagasaan ng motor nang magtangka akong tumawid.

"Ano ba, tanga ka ba?!" sigaw sa akin ng driver ng motor. "O magpapakamatay?"

Oo, ang tanga tanga ko. Sobrang tanga.

Then, the rain started to fall. 

Patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Kahit basang basa sa ulan, kahit puro talamsik ng putik ang binti, wala akong pakialam.

Isa lang ang gusto kong mangyari sa mga oras na ito, ang makauwi. 

Dahil sa madulas ang daan dulot ng putik, nadulas ako at natumba. Tumama ang tuhod ko sa isang maliit na bato na naging dahilan para magdugo iyon. 

Napatitig ako sa tuhod kong dumudugo.

Napahagulhol na ako. Tila bumigay na ang katawan ko at nawala na ng pag-asa.

Bakit ba hindi ako makauwi? 

Pinilit kong ibinangon ang sarili at iika ikang lumapit sa natanaw na playground sa hindi kalayuan.

Naupo ako sa swing roon habang patuloy pa rin ang pagbagsak ng malakas na ulan. Para akong basang sisiw. Umaagos rin ang dugo sa binti ko kasabay ng ulang maalat.

Nakaawa ako. 

Isang masagang luha uli ang umagos sa pisngi ko.

Bakit hindi ko napansin?

He was my first boyfriend. My first kiss, my first love. I give almost everything. 

Bakit ako nauto?!

Bakit hindi ko alam?!

Kaya ba gusto niyang sikreto ang relationship namin sa mga parents namin ay dahil may girlfriend pala siya? 

Bakit ang tanga ko?

Napapikit ako nang maramdaman kong parang may pumitik sa sintido ko. Kumikirot na ang ulo ko dulot ng pag-iyak at ulan. 

Mapait akong napangiti sabay tingala sa langit. Saktong nakita ko ang pagguhit ng kidlat kasunod niyon ay ang tila galit na kulog.

Mukhang galit rin ang langit. Mukhang gusto rin akong parusahan sa katangahan ko.

Tama yan.

Sana magkasakit ako…

Sana tamaan ako ng kidlat…

THWM 3: The Art of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon