Chapter 1

11 1 0
                                    

Chapter 1

Dream

"Ano ba talaga ang plano mo? Jellieza, sinasabi ko sa'yo, hindi ko kaya ang paaralang 'yan kaya itigil mo na ang ilusyon mo!" napapikit ako sa sigaw ni Mama.

"Ma..." I tried to voice out but she immediately interfered.

"Ano bang meron sa paaralan 'yan na wala sa dati mong paaralan?! Bakit kailangan mo pang lumipat?! Don na nga ako nag apply para kahit papano mabantayan ko kayo ng kapatid mo pero ikaw pa itong aalis!" hinihingal na sermon niya habang nakayuko naman ako.

I swallowed the lump on my throat. I can't cry. I shouldn't cry in front of her.

"Kung tungkol na naman 'to sa tatay mo, pwede ba, tama na?! Iniwan na niya tayo at wala na siyang pake sa'tin! Huwag mo nang hanapin ang wala, Jellieza!" nanlaki ang mata ko dahil sa paghampas niya ng mesa.

I continuously shook my head. "Ma, he's one of the investors do'n sa school na gusto kong lipatan-" she cut my words.

"See, you said it. Tungkol nga sa tatay mo!" she frustratingly comb her hair using her fingers and turn her back on me, taas baba ang balikat niya.

"Ma, gusto ko po siyang makausap. Malaman niya man lang na may anak siya. Ma, please?" I begged, nangingilid ang luha ko.

She turned to me disappointedly.

"Wala kang mapapala, Jellieza," she said calmly this time. "Baka may pamilya na siya. Hindi kita pinalaki para manira ng pamilya!"

I sighed, almost giving up. "Hindi naman po ako magpapadalos dalos, eh. Ma, kilala mo 'ko. Kung may pamilya man po siya, hindi ko siya guguluhin. Just please let me study there, kahit 'yon nalang po. It's one of my dream,"

Matagal niya kong tinitigan bago nagbuntong hininga.

"Pa'no tuition mo?" tila nabuhayan ang loob ko nang itanong niya iyon.

"I'll work on it, Ma. Aapply po ako ng scholarship. Kapag nakapasa po ba ako, papayagan niyo ko?" I bit my lower lip, feeling nervous by the way she look at me.

Tumango siya at yayakapin ko sana siya pero tinalikuran niya ko. I just sighed and sat on the chair. Sana makapasa ako sa scholarship nila. Pangarap ko talagang makapag aral don, bukod sa gusto kong makakuha ng impormasyon tungkol sa tatay ko.

Nung gabing 'yon, nagpaalam ako kay Mama na aasikasuhin ko ang scholarship ko bukas. Wala naman siyang choice kundi pumayag.

"Wow talaga, Ate, don ka lilipat?" Aki asked happily.

I smiled at her and nodded. "Hmm, sana lang makapasa ako."

Her smile widened, parang pinapatibay ang loob ko.

"Makakapasa ka nyan, Ate, ang talino mo kaya!"

I chuckled and pinch her cheeks. Cute naman ng kapatid ko.

"Sige na, matulog kana. Goodnight!"

Nang iwan niya ko ay tumingala ako sa langit. Ang ganda ng buwan. This will always be my favorite scenery.

Pinikit ko ang mata ko at ngumiti.

Makakamit mo rin lahat ng pangarap mo, Jel. Tiwala lang.

I woke up early to prepare. As what I read to their website, kailangan ko lang daw mag inquire sa kanila at magpasa ng credentials ko. Same day rin ang interview and titingnan nila grades mo if qualified ka ba maging scholar nila. Wala namang problema sa grades ko kaya sana talaga matanggap ako.

Stolen LiesWhere stories live. Discover now